Tyrone’s POV
Di ko alam kung bakit ko iniiwasan si Leen. Siguro dahil ayokong kaawaan nya ko?? Ayokong malaman nya ang tungkol sa sakit ko? Dahil ayokong pati ako maawa sa sarili ko?? Basta magulo ang utak ko.. Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang e parang hindi ko pa kayang bumalik sa dating ako na laging masayahing kasa-kasama nya..
Nasa condo ako nang biglang may tumawag saking unregistered number..
+639********* calling…
“Hello? Sino to?”
“Tyrone! It’s me Isabelle.”
Isabelle daw? Isa lang ang Isabelle na kilala ko. Isabelle na malapit sakin ng husto. Sya kaya talaga to??
“Belle? Ikaw ba talaga yan??”
“Yes my dear!. Ahm. Can I ask some favor from you?”
“Go on.”
“I am here in the airport. I just came back from States. Walang magsusundo sakin. Can you do it for me?”
“Totoo? Nasa Pinas ka? Itext moko ng exact location papunta nako.. Wait for me..”
“Alright. Ingat ka ha? Bye bye.”
Tsaka nya pinatay ang call. Tinext naman sakin ni Bella ang exact location nya kaya dali-dali ko syang pinuntahan.. Namiss ko talaga ang kababata kong ito.. Excited nakong makita sya ulit…
“BELLE!!”
Sigaw ko dahil agad agad ko syang nakita. Walang pinagbago. Ang ganda ganda padin nya.. Parang sya padin ang batang Bella na kalaro ko. Ang bestfriend ko...
Nang makalapit ako sa kanya e agad naman kaming nagyakapan na akala mo e wala ng bukas. Namiss ko lang talaga siguro sya.. Well kasalanan ko din naman kung bakit sya umalis ng Pilipinas e.
[Flashback…
“Tyrone. Hindi kita iiwan.. I’ll stay here para sayo. Ngayun pa na kailangan moko?”
“No Belle iwan mo nako..”
“Hindi Tyrone. No! Ngayun pang wala na si Tita Lina? Hindi kita kayang iwan na ganyan kamiserable!”
“I don’t want you to see me at my worst. Hindi ko kaya so please leave me alone pumunta ka na ng States.”
BINABASA MO ANG
CASANOVA'S KARMA
ספרות נוערPast or Present? Present or Past? Ang gulo!! >.< ©2013 -- All Rights Reserved. A story made by casanovahater ♫♪♫ ♫♪♫