Chapter 17: He's a (Sincere) Kidnapper!!

755 9 1
                                    

Kathleen's POV

Akala ko mas makakabuti kung bandang huli nalang malalaman ni Mica ang patungkol sa connection ni Jeric kay Tyrone.. Na kapag mahal na nyang ang lalakeng yon e wala na syang pakielam pa kung sinong Hudas pa ang kamag-anak nya.. Pero nagkamali ako ng kalkulasyon, dahil agad nalaman ni Mica ang lahat... Malay ko bang mag-hire pa sya ng private investigator para dun???

Ang kagandahan lang e hindi nako dinamay pa ni Jeric... Siguro dahil ayaw nyang madamay pako sa galit ni Mica at syempre kelangan ni Mica ng kakampi nu... Kung mawawala pako pano na sya??? 

Pero para sakin mali na agad jinudge ni Mica si Jeric.. Oo andun na tayo na magpinsan sila. E anu ngayon?? Bakit lahat ba ng magka mag-anak magkakaugali?? Diba hindi naman??? Kaya nga awang awa ako kay Jeric.. Ang tanging kasalanan lang naman nya e yung mahalin at hangaan niya si Mica... ;((((

"Ano na naman bang iniisip mo???" Umayos naman bigla ako sa pagkakaupo ko dahil sa boses na narining ko mula sa likuran. Nasa garden kase ako ngayon ng university...

"Ohh. Bat nandito ka????"

 

"Nirent mo ba ang place nato para hindi ako pwedeng magpunta dito?? Tsaka akin to nu..."

 

"Anung sabi mo???" Panu naman naging kanya to aberrrrrr????????!! >.<

"Wala sabi ko bat ka nagmumukmok dito???"

 

"Nabalitaan mo na sigurong busted ang pinsan mo kay Mica sa kadahilanang nagkaron sya ng pinsan na gaya mo..."

 

"Ou. Eh anu naman ngayun???"

 

"Ha??!! Naririnig mo ba yang sinasabi mo Tyrone??? Di ka man lang naawa kay Jeric...!!!"

 

"Kung sila, sila... Tsaka anu naman kung pinsan nya ko?? Masyado lang pinapalaki ni Mica palibhasa kulang sa pansin...."   Dahil sa mga sinabi nyang yon e hindi nako nakapagpigil at nasampal ko sya ng di oras.........

"Wala kang karapatang sabihin ang mga bagay na yan.. Napakasama mo.. Wala kang puso..!! aba kung sabagay di ka nga pala marunung magmahal kaya bakit pa ba ko magtataka ha!!!" At tumakbo ako palayo sa kanya dahil ayokong bumagsak ang mga luha ko sa harapan ng demonyong Tyrone na 'yon...

CASANOVA'S KARMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon