Tyrone's POV
Akala ko iba sya sa mga babaeng kinamuhian ko noon. Akala ko na sya na ang babaeng para sakin. Ang babaeng makakasama ko ng pang habang buhay. Pero mali pala ko.
Gaya lang din pala sya ng mga babaeng manloloko, manggagamit at panira ng buhay naming mga lalake. Kung akala nya e ganun ganun na lang yun pwes nagkakamali sya.
Mahal ko sya. OO! Kaya nga hindi ko matanggap na ganito ang ginawa nya. So ano?! Ganun na lang yun? Umalis ako tapos nagkabalikan na sila? At ngayun wag na kong bumalik para walang panira?! No way!
Fuck them all! Isinusumpa ko na gaganti ako sa inyong lahat! Curse you damn!!!
*after 2 months
“Tyrone! Tyrone!”
Si Belle tinatawag na ko. Ngayun kase kame pupunta sa hospital ng Daddy nya para malaman if wala na ba talaga akong sakit. Kung maganda ba yung mga resulta ng mga test na ginawa sakin after the operation 2 months ago..
Yes 2 months ago dun palang ako talaga nagpa-opera. You know why?
Nung makarating kase ako dito sa States e ayokong sumailalim sa operasyon dahil according to Doctor Scott e walang kasigurahan kung magiging successful ba ito o hindi.
Ayokong magbakasakali at umasa nalang sa tadhana dahil noong mga panahong yun merun pakong Kathleen Fuentebel na gustong balikan. Gustong mahalin. Gustong pakasalan pero buhat nung maka-chat ko sya e nagbago ang lahat.
Wala nakong pakielam kung mamatay man ako nung mga panahong yun. Tutal wala na din naman.
Sa pagpunta namin doon ewan ko kung maganda ba o masamang balita ang madaratnan ko.
Kung ano man yun wala na din akong pakielam pa. Di na ko masasaktan dahil so far nasagap ko na ang pinakamasakit na balitang nakapagpasakit sa damdamin ko at yun ay ang malamang hindi nako “mahal” ng babaeng pinakamamahal at minahal ko.
“Andyan na!” Sagot ko kay Belle.
“So are you excited? Nervous or what?”
“Tss. Tara na nga.”
Tsaka ko inakbayan si Belle. Well sa nakalipas na mahigit apat na buwan laging si Belle ang kasama ko pero hindi kame nadevelop sa isa’t isa siguro dahil nga sa hanggang magkapatid lang talaga ng turingan naming dalawa.
At isa pa ayokong syang saktan. Ang alam ko kase manhid na itong buset na puso na to at hindi na marunong magmahal ng totoo. Tama na ang isang pagkakamali ayoko ng gawan pa ng pangalawang mali. Alam ko naman sa sarili ko na di ko na kayang magtiwala pa sa letcheng pag-ibig na yan na sinasabi nila.
Andito na kame ngayun sa hospital. Nagpunta kame agad sa office ni Doc. Scott.
“Hey Daddy! We’re here!”
“Oh yes. Have a seat.”
“So daddy. How’s the test. Is it great or what?”
Pagsisimula ni Isabelle. Jusko nauna pa sya sakin. Sige na nga aaminin ko na. Kinakabahan ako!
“Ow that…”
Kulang nalang e mapanganga kame kase binibitin pa kame ng daddy ni Isabelle. Please say it!!
“The results are.”
Malungkot ang mukha ng daddy nya is it possible na hindi nawala ang sakit ko? Na hindi naging maayos ang operation? Na hindi na tatagal ang buhay ko? Oh no! Bakit ga----
BINABASA MO ANG
CASANOVA'S KARMA
Teen FictionPast or Present? Present or Past? Ang gulo!! >.< ©2013 -- All Rights Reserved. A story made by casanovahater ♫♪♫ ♫♪♫