Lawrence’s POV
Dalawang buwan na rin ang nakalipas mula nung maganap ang aksidente ni Kiffy.
Dalawang buwan na rin mula nung magkaroon siya ng Amnesia.
Dalawang buwan mula nung magrecover siya at
Dalawang buwan na rin mula nung maging masaya ako ng sobra.
Minabuti namin na magsimula ulit kaya masasabing 2 months and counting ang relasyun namen.
Sa mga nakalipasa na mga araw e laging nakadepende sakin si Kiffy. Laging ako ang gusto nyang kasama, gustong kausap, gustong nakikita.
Sabi ng doctor natural lang daw yun dahil baka sakin kumukuha ng lakas at saya si Kiffy.
Siguro magsisinungaling ako kung sasabihin kong sana di na lang sya naksidente. Na sana hindi sya nagkasakit.
Gusto kong magpaka selfish kahit ngayun lang. Para kase sakin maganda ang naging bunga ng pagkakaroon nya ng Amnesia.
Mas naging maayos kame walang ibang nasa utak nya kundi ako. Ako naman talaga dapat hindi ba? Simula’t sa pul ako naman talaga ang minahal nya kaya tama lang to.
“Lawrence??” pagtawag nya sakin.
“Lawrence! Kakain na!”
Nandito ako sa bahay nila Kiffy. Binisita ko sya. Halos araw-araw eto ang routine ko, para ngang dito nako nakatira e.
“Andyan na po..”
Nakita ko naman syang ngumiti.
“Damihan mo ang kain ha. Ako nagluto nyan!”
“Yes ma’am” Sabay sumaludo ako sa kanya na parang sa military groups.
“Ikaw talaga..”
“Sya nga pala. San parents mo?”
“Ah. Maagang umalis, may inasikaso kaya nga nagbilin na agad kitang papuntahin ditto e.”
“Sus. Kahit di naman sila umalis e kukulitin mo padin akong bumisita dito e.”
“So ganun? Ang lagay e nakukulitan ka sakin? Sige next time di na kita itetext si Bessy nalang ang papapuntahin ko. Hmp!”
“Eto naman di mabiro.” Tumayo ako at lumuhod sa harap nya..
“Alam mo Kiffy kahit oras oras o kada minuto mokong papuntahin kung nasan ka e pupunta ako. Kung nasan ka at kung san ka masaya e dun ako. Mahal na mahal pu kase kita. Iloveyou.”
And then I kissed her sa forehead.
Sa dalawang buwan na magkasama kame di ko pa ulit siya hinalikan sa labi nya. Feeling ko kase e hindi pa sya handa..
“Mahal din kita. Mahal na mahal. At dahil diyan eto ang power hug……”
At sabay nun e niyakap nya ko ng mahigpit..
“Tara kain na ulit tayo..”
As usual masarap ang luto nya. Lagi naman e, kelan ba hindi??
“Lawrence try mo to. Ahhhh..”
Sinubuan nya ko nung isang dish, masarap nga.. Ang sweet namin nu? Mainggit kayo! Haha. XD
Kathleen’s POV
Kahit pa hindi ko naaalala ang ibang parte ng nakaraan ko still, masaya padin ako kase andyan ang mga taong nagmamahal sakin.
BINABASA MO ANG
CASANOVA'S KARMA
Genç KurguPast or Present? Present or Past? Ang gulo!! >.< ©2013 -- All Rights Reserved. A story made by casanovahater ♫♪♫ ♫♪♫