Chapter 22: Watta Misunderstanding =_=

649 11 1
  • Dedicated kay Krizza Mae Dizon Cardoso
                                        

Mica's POV

Napanood ko ang confession nya.. Naramdaman ko ang sincerity nya.. Na-appreciate ko ang sorry nya at bumilib ako sa tindi ng pagmamahal na kaya nyang ibigay.. Sa kabila nun alam kong nasasaktan sya...

Walang ibang message na sinabi si Leen na related sa sinabing pag-amin ni Tyrone.. Ewan ko ba.. Ang alam ko naman e parang may gusto din sya kay Tyrone.. Kilala ko kase si besiee. Alam ko kung kelan sya walang pakielam at kung kelan sya interesado...

Sigurado ako may puwang din sa puso nya si Tyrone pero bakit patuloy nya padin pinapahirapan sarili nya??? Ano ba kaseng trip ng best friend ko?? Di nama siguro dahil kay Lawrence nu?? Aiba.. Tignan nya lang babatukan ko sya... XDXD

Nung papasok nako ng school di naman magkamayaw ang mga banners na nakasabit with matching congratulations sa mga new Campus Sweetheart and Hearthrob 2012 pero bakit ganun?? Parang di ko sila feel?? After the competition kase e hindi na sila nag-usap..

"LEEN!!!"        Nakita ko si besiee kaya tinawag ko sya.. Lumingon naman sya pero kitang kita ko ang nanlalambot nyang pagmumukha......

"Ikaw pala..."        Obvious naman sa reply na problemado diba???

"Okay ka lang???"

"Syempre hinde.."

"Mag-usap tayo mamaya... After dismissal..."      Nag-nod nalang sya tsaka na kame pumasok sa kanya kanyang subjects namen.....

Dismissal time......

Nung sinundo ako ni manong e sinabihan ko naman syang magliwaliw muna dahil may pag-uusapan kame ni Leen sa may loob ng kotse... Tinext ko si Leen na pumunta sa may parking at ng makapag-usap na kame kung ano ba talagang problema.....

Ilang sandali pumasok na sya sa kotse.. Umupo kame sa may back seat para magkatabi kame...

"Kathleen anu bang nangyayari???!!"

"Sorry besiee.."

"Bakit??"

"Pinigilan ko.. Promise pinigilan ko..."

"Yung alin??"

"Mahal ko na sya.... Pwedi bang kalimutan na ang kasunduan na ako ang magiging karma nya?? He doesn't deserve it anymore...."        Nakita kong maluha luha na sya pero ppinipigilan nya....

"Nag-joke ka???"      Nagpipigil ng tawa ko namang tanung sa kanya...

"Besie tingin mo joke lahat ng to??? For 2months pinigilan ko ang sarili kong mahalin sya.. gustuhin sya.. Pero ngayon di ko na kaya!! Masakit na na makita o isipan nyang wala lang sya sakin kung sa totoo naman e hindi!!!"

CASANOVA'S KARMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon