Jeric's POV
Gaya nga ng inutus sakin ni Mommy e nagpunta nga ako sa event kung saan sya dapat ang mag-attend. Ahm inaamin ko di nga ako nagkamali kase boring nga talaga ang event na to.. pero wala akong magagawa kase kung hindi naman din dahil sa event na ito e hindi ko makakasama si Mica papuntang Korea e. Hindi ko sya masosolo at hindi rin siguro kame makakapagbonding ng sobra.. Well.. Blessing in disguise ang nangyari kahit papano. Akalain mo yon?? :DD haha.
During the second day ng pagstay namin ng Seoul nangyari ang event. Actually it lasts for about 5 hours I think. Nag-start sya ng 12noon kaya natapos sya ng around 5pm.
Ang meeting ay tungkol sa isang association ng mga babae sa iba't ibang panig ng mundo. Mga babaeng may pangalan sa larangan ng pagnenegosyo o yun bang mga galing sa mga kilalang angkan ng mga negosyante.. E kelangan kase may mag-attend mula sa family ni Mommy kaya ako nalang. Medyo awkward nga e kase ang konti lang ng mga lalake, buti nalang at sinamahan ako ni Tita Sui Chin dito. :)))
Well hindi ko na ikukwento sa inyo ang mga kaganapan sa meeting na yon kase totally BORiNG. :)) hahaha. XDXD
After ng meeting e bumalik na kame ni Tita Sui Chin sa bahay kung nasaan si Mica. Palagay ko bored na bored na yun dun.. Di ko sya hinayaang umalis ng bahay kase nag-aalala ako baka mapanu sya kapag hinayaan ko syang maglibot sa Seoul nang sya lang mag-isa.
Di ko rin naman sya pwedeng isama dun sa event kase masyadong mahigpit yung security.. :)) Siguro nagtatampo sakin yun kaya naman naisipan kong gumawa ng isang sorpresa para sa kanya..
Nung pauwi palang kame e agad ko syang tinext na magready at magsuot ng maayos na damit.. Maayos yun bang parang sinusuot kapag kumakain sa isang restaurant ganun. ;))
Mga 20 minutes ang byahe namin ni Tita Sui Chin, and at last nasa bahay nadin. Asan kaya si Mica??
"Mica?? Dito na kame.." Malakas na pagkakasabi ko... Pero walang sumagot...
"Jeric magpapahinga na muna ako sa kwarto ah.. Pakisabi nalang kay Mica. Pagod na kase talaga ako e.. Osya enjoy your date.."
"Thanks Tita!!" ang sabi ko sa kanya....
Tinawag ko ulit si Mica pero wala pading sumasagot.. Papasok na sana ako sa kwarto ko para magpalit ng damit nang maisipan kong buksan ang kwarto nya... Pagkabukas ko.....
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!"
"Sorry. Sorry." Sabay talikod ko..........
BINABASA MO ANG
CASANOVA'S KARMA
Teen FictionPast or Present? Present or Past? Ang gulo!! >.< ©2013 -- All Rights Reserved. A story made by casanovahater ♫♪♫ ♫♪♫