Leen’s POV
Mabilis pa sa kidlat kung makarating sakin ang balita. Well sa mismong araw kase na nagka-ayos sina Mica at Jeric e agad naman akong tinext ng mokong. Well. Mabuti narin naman yon atleast medyo nabawasan ang mga pasanin ng utak ko.. Atleast diba labing labing na silang dalawa.. hihi.. :DD
Tapos na ang pictorial namen. Nakapaskill na din sa may entrance ng university ang mga pair by pair and individual pictures namen.. Shocks! Bawat student na dadaan dun e tiyak na makikita ang picture naming dalawa ni Shokoy.. Ai este Tyrone.
Maganda naman yung kuha nung sa individual shots ko e. Simple pero mukhang natural naman.. E ang kaso yung sa pair by pair picture e medyo di maganda kinalabasan.. Oo nga at mukhang natural padin kame dun kaso nga lang kase sa sobrang pagkanatural e ang piniling picture ng baliw na photographer sa stolen shot e nung nakapatong sakin si Tyrone kung san nagkahalikan kame habang litaw na litaw naman ang mga nanlaking mga mata ko!! >.<
“Oh diba sya yung nasa picture?? Cute pala talaga nya...”
“Yaa.. Bagay sila ni tyrone...”
“Di pa ba sila?? E nagkiss sila dun sa picture e..” Shet!! Di nyo ba alam ang salitang aksidente??!!! Ha??!!!
Ano ba naman yan.. Morning na morning e nasisira araw ko... >.< At mas lalong nasira araw ko nang makita ko ang pagmumukha ng taong dahilan ng lahat ng to...
“Hey Leenibabes...” Sabay kindat naman sakin.. Ba good mood ang walang hiya... >:/ Tsaka Leenibabes?? Yuckidoodles ah.. Masusuka naba ko??!! ~.~ War pa kame nu..
“Leenibabes mo mukha mo!! Tsupi nga papasok nako...”
“Wala man lang hello dyan???”
“Hello... :/” Sabay naman binigyan ko sya ng ngiti na sarcastic...
“Eh parang pilit naman ang smile mo e... :’<”
"Pwede ba.. Magtigil ka nga!!"
Tsaka naman nya hinawakan ang mukha ko tsaka nagpout na parang bata.. Pinisil nya ang cheeks ko at biglang ngumiti na kala mo e nanalo ng lotto...
“Yan. Buo na araw ko... XDXD” Lul mu sabi ko sa isip ko... >.<
Dismissal time....
BINABASA MO ANG
CASANOVA'S KARMA
Teen FictionPast or Present? Present or Past? Ang gulo!! >.< ©2013 -- All Rights Reserved. A story made by casanovahater ♫♪♫ ♫♪♫