MARGA
When I entered Gio's unit, I'm totally sure that this was owned by a singer. May painting ng guitar sa may pader, and may poster din ng mga sikat na banda. Malaki din iyon at kagayang kagaya nga ng kay Turner ang loob, wala na akong masyadong babaguhin dito, aside from that I saw a photo of him and Miyeon on the side table of his bed. I took a picture of it and send it to Miyeon.
Gio said that he already hired people to take his things away. Kaya ngayon doon muna ako matutulog sa unit ni Turner dahil nga wala akong sasakyan and hassle na din umuwi, lagi pa namang traffic kapag si Turner ang kasama ko.
Nang matapos na akong maglibot doon ay lumipat na ako sa unit ni Turner, I got some fruit in his fridge and sat on his sofa, I turned on the tv to watch some nice movies.
At the middle of the movie, Turner came.
"Wow, ha. Bahay mo toh?" salubong kaagad niya sa akin.Tinanggal niya ang sapatos niya, he also unbottoned two bottons of his polo and sat beside me, kumuha pa siya ng pakwan sa bowl na kalong ko.
"Turner, Kairo's the architect for the project." tamad kong kwento.
Nasamid kaagad siya ng marinig iyon.
"Gaga, legit? Hala bumalik si ex? Ano plano mo, palitan mo architect!" sunod sunod niyang sabi.
"I can't do anything now, they already signed the contract, Turn! It's so annoying!" frustrated kong sabi.
Kumuha ulit siya ng pakwan bago tumingin sa akin. Nagtaka ako ng ngumisi siya ng nakakaloko.
"What?" I asked.
"Affected ka masyado? Bakit mahal mo pa?" he said.
Umirap ako at bahagya siyang sinampal.
"Gago ka ba? Syempre hindi, awkward lang ako." mabilis kong sabi.
"Iyon naman pala eh, di mo na pala mahal. Act normal lang, hindi naman ikaw iyong nanloko para ma-awkward ka." he said.
I sighed. Hindi na ako muling nagsalita, sabay naming tinapos ang movie, nauna pa nga siyang umiyak sa akin 'nong iniwan noong babae iyong lalaki.
"Alam mo sa inyong tatlo ikaw lang hindi nang-iwan, ikaw kasi iniwan eh." pang-aasar niya.
Kaagad ko siyang binato ng unan. Nagpaalam na ako sa kaniya na matutulog na, may gagawin pa din daw siya.
Pagkahiga ko, biglang pumasok sa isip ko si Kairo.
He really did become an architect, also he look so different now, matured na ang katawan niya.Seeing him again after five years made me sad, mukhang ang saya saya niya at walang pinagdadaanan, after what all he did to me.
"Senyora gising na luto na breakfast!"
Nagising na lamang ako sa malakas na sigaw ni Turner. Tamad na tamad akong bumangon at nagtoothbrush na. Tinamad na akong magsuklay, lumabas na lang akong mukhang bruha.
"Magandang umaga!" bati kaagad sa akin ni Turner pagkapasok ko sa dining area.
"Morning." sabi ko na lamang at umupo na.
"Uso din magsuklay,aba!" wika niya.
Hindi ko na lamang siya pinansin at kumain na lamang. Nagulat na lamang ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko, sinusuklay iyon.
"Ang bait mo yata ngayon ah?" sabi ko.
"Nakita ko na ulit siya.." mahinang sabi niya.
Nabulunan kaagad ako sa sinabi niya, agad kong inabot ang tubig.
BINABASA MO ANG
Unfixed Heart (Heart Series 1)
Novela JuvenilOne accident caused her heart to be unfixed. And after that accident she keeps losing the people she love the most. And now her heart is full of pains, guilt and regrets. Will LOVE can fix it all? Or it just gonna add more heartaches?