20☁️

220 3 0
                                    

SAM

Pagkatapos kung kumalma, kaagad din naman akong hinatid ni Kairo, kay Tatay Aloy lang kasi ako nakapag-paalam dahil na din sa pagmamadali ko.

Walang buhay akong naglakad papunta sa kusina para uminom ng tubig. Sina Mom and Dad ay marahil tulog na, ganoon din siguro sina Yaya at Tatay.

I opened our ref to put back the water.

"Sam.."

Kaagad akong napaharap ng marinig ko ang boses ni Tatay Aloy, nagulat ako ng makitang may hawak siyang iba't ibang painting materials.

"Bakit hindi mo subukang gawin ulit ito para kumalma?" he smiled at me. "Naalala ko kasi noon, kayong tatlo nina Yuna may kanya kanya kayong paraan para kumalma.."

Marahan akong napangiti ng maalala ko iyon.

"Yes, Tatay.. Yuna will dance nonstop, until her weak legs become weaker and weaker , Miyeon, on the other hand, will eat until she is satisfied.." I said, sadly.

"At ikaw magkukulong ka sa art room at magpipinta hanggang sa mawala lahat ng iiniisip mo." he said to me.

I smiled at him. Ibinaba niya muna ang mga hawak niya at lumapit sa akin. He held my hands like a father comforting his child.

"Bakit hindi na lang ito ang gawin mo? Ipinta mo ang lahat ng nararamdaman mo, ang sakit, pangungulila at poot.. Sa halip na itago ang lahat ng iyon, bakit hindi mo ulit ito subukan?"

Malungkot akong napatingin sa mga art materials na inihanda ni Tatay. Can I do it again? Will it help me?

"Hindi.. Hindi ko alam kung paano ko gagawin, Tay.. Masyadong po kasing mahirap.." I said weakly.

Inilagay niya ang mga kamay niya sa sarili niyang dibdib.

"Makinig ka dito, anak. Makinig ka sa isinisigaw ng puso mo.. Paint your feelings,ika nga." wika ni Tatay.

I felt that my cheeks are getting wet again because of my tears. Niyakap ko si Tatay, tightly.

"I'm tired, Tatay. Nakakapagod na ang lahat ng ito.." I said "Ginawa ko lang naman ang lahat ng ito para wala na akong masaktan.."

Ilang beses ko na bang sinabing pagod na ako sa araw na ito? Madaming beses na pero wala pa ding nangyayari.

"Pero sa ginagawa mo anak, mas maraming nasasaktan. Nasasaktan ka. Nasasaktan ang Mommy at Daddy mo, pati kami ng Yaya mo. Ganon na din ang pinsan at kaibigan mo.." wika niya.

Alam ko din naman na nasasaktan sila pero hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, dahil pati rin naman ako nasasaktan.

"I don't know, Tatay.. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin, sobrang gulo ng isip ko.." I said.

He held my hands and looked at me like a father comforting his child.

"Sam, lagi mong tatandaan na ikaw lamang ang makakatulong sa sarili mo para bumangon ulit, nandito lang kami para gabayan ka.." sabi pa niya..

"Mahal kita, Tatay." sabi ko habang umiiyak pa din.

"Mahal din kita, anak. Mahal na mahal." wika niya.






~×~×~



Nakahiga pa din ako sa kama ko, tinatamad akong bumangon kahit alas-dose na. Mukha akong panda dahil sa kakaiyak ko kagabi.

Hindi ko alam kung nandito pa ba sina Mom and Dad, wala din akong balak pa na kausapin sila pagkatapos ng nangyari kagabi.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko, ngunit hindi ako nag-abalang bumangon ng makitang si Caleb lamang iyon.

Unfixed Heart (Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon