03☁️

302 7 0
                                    

SAM

Nandito ako ngayon sa soccerfield, biglaan daw kasing nagkaroon ng emergency meeting ang mga teachers, kaya wala na kaming klase sa araw na ito. Sina Miyeon at Yuna ay kumakain lang sa cafeteria, dahil gutom na daw si Miyeon, inaya naman nila ako, ngunit nagpanggap na lamang ako na uuwi na. But, gusto ko munang marelax dito sa soccerfield. Pinagmamasdan kong muli ngayon ang langit at ang mga ulap na naglalaro dito.

Where are you?

Napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang paligid. Tahimik na ngayon dito, marahil lahat ng estudyante ngayon ay may kaniya kaniyang gimik, para I-enjoy ang ganitong pagkakataon. Hindi ko na din alam kung nasa cafeteria pa ba sina Miyeon at Yuna, o baka nagmamall na ang mga yun. Well, i don't care, hindi din naman ako sasama kung yayain nila ako, maa-out of place lang ako sa kanila. Kaibigan ko sila pero hindi ko kasi maramdaman na belong ako eh.

"Hey! Sam" tinig ni Kairo

Umupo ito sa tabi ko.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya at umiling.

"Uhm. Hindi pa, mabobored lang kasi ako sa bahay, kaya tatambay muna ako ng ilang minuto lang naman dito." sambit ko

"You really love this place, huh?" sabi niya at tiningnan ang kabuuang ground ng soccerfield.

"Well, this is my favorite place,because I can clearly see the sky here." wika ko at muling tiningnan ang mga ulap sa langit.

"You love the sky? Why?" Kairo

Ngumiti muli ako, habang pinagmamasdan ko ang langit. I love how the clouds create a different formation.

"May nagsabi kasi sakin, na kapag nawala na siya tumingin lang daw ako sa langit dahil magiging isa siya sa mga ulap na naglalaro dito." sabi ko tsaka siya tiningnan.

"Who?" kuryosong tanong niya, nailang ata siya sa pagtitig ko sa kaniya, kaya mabilis siyang bumaling sa langit.

"Hindi ko pa kaya ikwento eh, I might cry" medyo natatawa kong sabi, pero sa kaloob-looban ko nakaramdam ako ng lungkot.

Hindi ko alam kung saan galing yung lungkot, pag alis niya ng tingin mula sakin? O ang ala alang masasakit na bumabalik ngayon sa isipan ko.

"Why would you cry? Is that person special to you?" he said.

Really special.

"I'll take the answer in your sad eyes. That person is really special, and I'm curious who is he or her." sabi niya.

"Yeah. Pero iniwan niya ako." kahit na nangako siya na hindi niya iyon gagawin.

Hindi nagsalita si Kairo, nagulat na lamang ako ng tumayo siya at kinuha ang kamay ko.

Hindi agad ako nakagalaw sa ginawa niya, hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa parking lot ng Univ. Bigla akong nakaramdam ng takot hindi dahil si Kairo ang kasama ko, kundi dahil sa Amaxophobia o trauma ko.

"Why are you seem scared?" he asked.

Mas lalo akong nagpanic ng buksan niya ang passenger seat ng kotse niya. Hindi ko mapagkakaila na mayaman din si Kairo dahil ang nakikita ko ngayong kotse ay isang itim na benz.

"Don't worry,I can drive. I went to a proper driving lessons before getting a student license." explain pa niya.

I looked at his car, I don't think I can do it. Hindi ko din alam kung paano ako magpapaliwanag sa kaniya. Natatakot ako na baka halungkatin niya ang mga bangungot na pinagdadaanan ko.

Unfixed Heart (Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon