12☁️

138 2 0
                                        

SAM

Nakaupo kong pinagmamasdan kung gaano magkulitan sina Aela at LilyRae. Hindi ko alam na nandito din pala si Aela, ang sabi sa akin ni Kairo ay wala din daw siyang alam.

"How's America Ate?" malambing na tanong ni LilyRae kay Aela

"Well it's nice Rae.." sabi ni Aela

"I miss you so much Ate.. When will you comeback with Kuya Kai?" malakas na tanong ni LilyRae na para bang pinaparinggan ako

"I don't know Rae eh, but maybe soon." sagot ni Aela

Ang tagal namang maligo ni Kairo! Naalibadbaran na ako sa kaplastikan ni Aela eh! Tumingin muli ako sa kanilang dalawa at nakita kong may ibinubulong si Aela kay LilyRae, pagkatapos noon ay biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni LilyRae.

Inalis ko na lamang muli ang tingin sa kanilang dalawa at nanahimik na nanonood ng TV.

"Hey!"

Nagbigla ako ng nasa harapan ko na pala si LilyRae. Wala akong ibang ginawa kundi ang bigyan ito ng matamis na ngiti.

"Don't smile at me! You flirt!" singhal nito sa akin

Nabigla ako sa sinabi nito! Bakas ko sa tinig niya ang pagkairita. Ngunit kahit na may sinabi ito sa akin ay nginitian ko pa rin siya.

"LilyRae.." kalmadong tawag ko dito at hinawakan ang kamay niya para paamuhin, ngunit iwinaksi lamang niya iyon

"How dare you to flirt my Kuya Kairo? Because of you baka iwan na talaga ni Kuya si Ate Aela! You're such a bitch!" sigaw nito sa akin

Pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam kong walang alam si LilyRae sa mga nangyayari, sadyang nilason lamang siguro ni Aela ang isip nito.

" Stay away with my Kuya! I don't like you! I only like my Ate Aela, so go away now!" sigaw pa nito sa akin

Potcha. Nasasaktan na ako ah! Pero pilit ko pa ding pinapakalma ang sarili ko at patuloy lamang sa pag ngiti kay LilyRae. Hindi ko kayang patulan ang isang batang katulad niya.

She's innocent.

" Uhm.. " hindi ko alam ang sasabihin ko sa bata, mataray niya akong tinititigan

" LILYRAE! " nagulat kaming dalawa ng pumasok sa sala si Khari I mean Kuya Khari.

Galit itong nakatingin kay LilyRae na para bang hindi nagustuhan ang inasal nito

"What are you doing to your Ate Sam? Stop threatening her! Your only a child but your such a warfreak! Hindi nakakatuwa iyon Lily Rae!" pangangaral nito sa bata

Nakita ko ang pagkatakot sa mga mata ni LilyRae ngunit pinipilit pa din nitong maging matapang.

"What Kuya? Now you're the one who hate me na! Kinakampihan mo ang bitch na yan? Ate Aela already told me that he will get my Kuya Kairo away from me, and they will never get married na ni Ate Aela! And that's because of her! I hate her!" matapang na sigaw ni LilyRae

Napahinga ako ng malalim ng sabihin iyon ni LilyRae. Parang may pumukpok sa puso ko ng marinig ang mga sinabi niya.

Sa mata niya ako yung mang-aagaw. Sa isip niya kinukuha ko ang Kuya Kairo ko sa kaniya. Mas gusto niya si Aela kaysa sa akin. Ako lang ang sumingit bigla bigla para sa kaniya.

"You brat!How dare you talk to me like that and say mean words at your Ate Sam,we are both older than you!" galit na sigaw dito ni Kuya Khari lumapit pa ito lalo kay LilyRae.

"That attitude of yours! You are grounded, no bags, and you can't have my cards now!" dagdag nito

Nagulat ako sa mga sinabi ni Kuya Khari. For a brat? Yan ang pinakaayaw naming mangyari!
Napatingin ako kay LilyRae na hindi matanggap ang sinabi ng Kuya niya, mabilis itong nagwalk-out.

Unfixed Heart (Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon