SAM
"Your debut is near.." Kairo said
Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot dahil malamang ay uuwi na kami. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang date.
March 25
Mahigit isang buwan pa pero kung masabi naman niya akala mo ay bukas na. My birthday is on May 4.
"You're too excited to celebrate it.. March 25 pa lang, Kai..May graduation pa tayo.." wika ko.
Tumigil siya saglit at hinarap ako.
"Tss. Sammy, it is a special day for you and I promise I'll celebrate with you.. Hindi ako mawawala sa debut ng baby girl ko." sabi niya.
Natawa ako sa sinabi niya. "Hmm. Let's see if you can fulfill that promise..." I just said.
He shrugged and chuckled. "Of course I can."
Hinawakan na niya ang kamay ko, sumakay na kaagad kami sa kotse at bumyahe na.
Nakatulog ako sa biyahe namin. Ginising ako ni Kairo ng tuluyan ng huminto ako kotse. Inalalayan niya ako sa pagbaba. Mabilis kong tinanggal ang eye mask ko at nanlaki kaagad ang mga mata ko ng matantong wala ako sa bahay namin, I'm in their house, again.
"Don't worry, wala sina Mom.. Kami lang ni Kuya Khari ang nandito sa ngayon, I just want to give you something and I think this will be the best place, para na din matabunan ng masayang ala-ala ang mga malulungkot at kahihiyan na naramdaman mo dito sa bahay namin I want you to be comfortable at our house, Sammy..." paliwanag niya ng mapansin ang medyo pagkabalisa ko.
Dahil naman sa sinabi niya ay kumalma na ako. Pumasok na kami sa bahay nila, nakita ko si sa dining area Kuya Khari na kausap si Amanda, his secretary that I met last time.
"Kairo, you're already here. Can you please help us with these?Feeling daw kasi netong si Khari ay may problema sa design.." sigaw ni Amanda.
"Okay wait a minute.." pabalik na sigaw ni Kairo at bumaling muli ng tingin sa akin.. "Saglit lang, Sammy. I'll just help them.. Babalik din ako umupo ka na lang muna sa sala.." paalam sa akin ni Kairo.
Sinunod ko naman ang utos niya, umupo ako sa sala at matiyagang naghintay. Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nakita ko si LilyRae na may bitbit na ibat ibang paper bags, mukhang nagshopping.
"Yaya!Help me!" sigaw nito, pero hindi yata siya narinig ng mga katulong na may kaniya kaniyang ginagawa.
Nagkusa akong lumapit sa kaniya para kuhanin ang ibang bitbit niya, sa una ay hindi niya ibinigay pero kalaunan ay napilitan na din itong ibigay.
"Be careful with that it's Chanel" mataray na wika nito.
Sinilip niya ang bag na iyon. "Is this the latest?" I asked her.
She nodded and rolled her eyes.
Brat.
Nang makaakyat kami ay nauna siya pakaliwa, papunta sa kwarto niya.
"Come in and be careful, do not touch my things." wika sa akin ni LilyRae.
Napailing na lamang ako sa ugali ni LilyRae. She was just like me when I'm younger.
Binuksan niya ang walk in closet niya. Madaming bags at sapatos doon pero hindi na ako nagulat.
"You weren't shock?" nagtatakang tanong ni LilyRae.
"Why would I be?" I said
"Just look at my closet and I'm young pa, and I have all of this things now! You weren't shock?!" nagulat na tanong sa kaniya ni LilyRae.
BINABASA MO ANG
Unfixed Heart (Heart Series 1)
Teen FictionOne accident caused her heart to be unfixed. And after that accident she keeps losing the people she love the most. And now her heart is full of pains, guilt and regrets. Will LOVE can fix it all? Or it just gonna add more heartaches?