MARGA
"Mabuti naman at hindi nagtago sa mga ulap ang Mayon ngayon.." Yaya said while we are looking at the breathtaking Mayon Volcano.
Gaya ng sinabi ni Yaya kagabi naglakad lakad kami patungo sa may dam para makita ang Mayon.Malaki at maraming batong galing sa bulkan ang katubigan dito.At ang maganda pa ay kitang kita mo ang hugis ng bulkan ngayong umaga.
"Oo nga po. Ang ganda po pala talaga ng bulkang Mayon,Ya." wika ko.
"Kahit saan ka pumunta,hilaga man o kanluran, timog o silangan dito ay ganiyan pa din ang hugis ng bulkan. " kwento ni Yaya.
"What an amazing volcano it is,Yaya.." hangang hanga kong sabi.
"At ang bulkang iyan ay saksi sa pagmamahalan namin ng Tatay Aloy mo.."
I smiled and hugged her. Kinuhanan ko din ng litrato ang bulkan,balak kong ipinta ito kasama sina Yaya at Tatay, a happy couple that fell in love with each other in front of Mayon Volcano.
Nang tumindi na ang init ay magkahawak kamay kami ni Yaya na umuwi.Naabutan namin ang kapatid niya na nagluluto na ng umagahan.
"Marhay na aga, hija." bati sa akin ng isang kapatid ni Yaya.
"Magandang umaga po." bati ko din.
Ngumiti siya sa akin.Niyaya na niya kaming tumuloy sa loob at mag-umagahan.Sila ang nag-abalang magluto ng agahan habang pumapasyal kami ni Yaya.
"What is this po?" tanong ko ng makakita ng kakaibang putahe.
"Ah iyan?Igado ang tawag namin diyan, sikat iyan sa Ilocos. " wika ng isang pamangkin ni Yaya.
Tumango ako at ngumiti.Kaagad ko iyong tinikman at ng magustuhan ko ay kumuha pa ako ng madami.
"Hindi namin nilagyan ng hipon iyang laing, sabi kasi ni Puring allergy ka daw doon.." sabi ni Tata Poro ang kapatid ni Yaya.
"Opo.Masarap pa naman po sana kung may hipon itong laing." sabi ko.
Nagtawanan ang pamilya ni Yaya.Ang simple lang ng buhay nila,ang kinikita nila sa kainan at souvenir shop sa may Cagsawa ay sapat na sa kanila.Tipong kahit minsan kinukulang nagagawa pa rin nilang ngumiti dahil kasama nila ang buong pamilya nila.This is the simple but wonderful life in province.I admired it so much.
"Ikaw lang ang nagdrive papunta dito,Marga?" tanong sa akin ni Kuya Dio ang pamangkin ni Yaya.
"Opo.Medyo nakakapagod pero nagpapahinga naman ako sa mga stop-over.Kinabahan din ako noong dumaan ako sa bitukang-manok.." kwento ko.
"Matapang kang bata ka at iyong rutang iyon pa ang pinili mong daanan." wika ni Tata Poro.
Napatawa ako sa sinabi niya.Marami pa kaming napagkwentuhan sa agahan.Masayang kasama ang pamilya ni Yaya,maalaga sila sa akin. Nasa biyahe kami ngayon patungo sa Sumlang Lake,hindi naman iyon ganoon kalayo sa bahay nina Yaya kaya mabilis kaming nakarating doon.
Kaming dalawa lamang ni Yaya ang dumaan dito ang iba ay umuna na sa Cagsawa para buksan ang tindahan.Namangha ako sa ganda ng lake,may ilang upuan doon na nakalutang puwede kang magpicture doon.Kita din ang magandang hugis ng bulkang Mayon doon.
Madaming litrato ang nakuha namin ni Yaya doon.
"It's peaceful here,Ya.I want to live here." sabi ko kay Yaya habang pinagmamasdan ang tahimik na lawa.
Ngumiti sa akin si Yaya. "Puwede ka namang lumipat dito,pero bago iyon tupadin mo muna ang lahat ng naudlot mong pangarap."
Bumaling ang tingin ko kay Yaya.Tama siya naudlot ang lahat ng pangarap ko dahil sa lahat ng bangungot na pinagdaanan ko, I planned to be a engineer because that was my Kuya's dream before,not because it was my dream.My dream is to become an artist so I can express all my feelings through it, I also want to become a chef and baker because I want to help in our business.
BINABASA MO ANG
Unfixed Heart (Heart Series 1)
Teen FictionOne accident caused her heart to be unfixed. And after that accident she keeps losing the people she love the most. And now her heart is full of pains, guilt and regrets. Will LOVE can fix it all? Or it just gonna add more heartaches?
