10☁️

170 1 0
                                        

SAM

Nagising ako dahil sa ingay at tawanan na nagmumula sa labas. Dapit-hapon na ngayon. Naalala ko ang nangyari kanina.

He saw me.

Dali dali akong lumabas at nagulat ako ng salubungin alpnni Kairo.

"Sam,are you okay now? Do you want water? Juice?" nag-aalalang tanong niya sa akin

"I'm okay, Kai." simple kong sambit

"I'm worried, Sam. Knowing your condition you must stop thinking to much, okay?" paalala niya.

Ngumiti ako sa kaniya para masiguradong ayos na ako. "Okay, I'm sorry for making you worried.."

"That's not a thing to be sorry about, Sammy." he said.

"Ah, oo nga pala.. Boyfriend na kita." bigla kong naalala.

"Oo, kaya normal lang na mag-alala ako sayo." sabi niya.

He hug me, and as he embrace me I feel so happy that finally I can be happy again, with the man that I love.

"TRISHTAN!" sabay kaming napaharap sa babaeng sumigaw, mabilis itong lumapit kay Kairo at kaagad itong niyakap.

"I miss you so much!" masayang sambit nito habang nakayakap kay Kairo.

Tinitigan ko ang babaeng iyon at nagulat ako ng mapansing magkahawig kami, puwede mo kaming mapagkamalang kambal, kung wala lang siyang nunal sa may baba niya.

She really does look like me.

"A-Aela?" mas lalo akong nagulat ng tawagin ito ni Kairo.

Aela?

"Surprise, Trish! Napaaga ang flight ko eh." sabi nito ng bumitaw na sa yakap nila, napabaling ito sa akin at nagulat din ito ng makita ako.

"Omg! Who is her?" tanong nito kay Kairo

Kaagad namang lumapit si Kairo sa akin at mabilis akong inakbayan

"Sam this is Aela kababata ko,and Aela this is Sam my girlfriend." matapang na sabi ni Kairo.

Aela's expression changed, I saw how the her happy face turned to kinda bitch face.

Plastik amputs.

"Nice meeting you. I'm Aela Marie Martinez, Trishtan's ex-girlfriend, not only kababata." sambit nito

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ex-girlfriend? Bakit hindi agad sinabi sa akin ni Kairo?

Kairo looked at me, he look so scared. I tried to smile and face his so called kababata-na ex-na kaibigan.

"Nice meeting you too. I'm Stephanie Anne Margaret Rochford. I'm Kai's girlfriend." lakas loob kong sabi

"Oh, andiyan na pala kayong tatlo! Halika na kayo at maupo na kayo dito." sigaw sa amin ni Hope na pinapapunta na kami sa bonfire.

Naglakad na kami doon. Mabilis naman akong umupo at tumabi sa akin si Kairo.

"Alright. Sam, this is Aela. Aela this is Sam. Sam, isa siya sa mga miyembro dati ng dance club bago kayo pumasok nina Miyeon dito sa Cassagna ay nakakuha siya ng scholarship sa Harvard kaya hindi na kayo nagkakilala." paliwanag ni Hope.

Tumango tango ako. Bago ngumiti. So, dati siyang miyembro ng Dance Club.. Schoolarship? Yun kaya ang naging dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ni Kairo? Bakit ito bumalik? Alam kaya ni Kairo na babalik ito? Hindi ko din maipagkakaila na kamukha ko ito.

Will he use me to show her that he already forgotten her? Did he saw Aela in my face?

Napailing iling ako sa mga iniisip ko! Why would Kairo do that to me? Hindi siya ganoong tao.

Unfixed Heart (Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon