19☁️

150 4 0
                                    

SAM

"Nandito na tayo, anak." wika sa akin ni Tatay Aloy.

Inalalayan niya ako sa pagbaba, siya na rin ang nagtanggal ng eye mask na soot soot ko.

"Anak, wag na wag mo ng uulitin iyong ginawa mo ha? Paano na lang kung may mangyaring masama sa iyo sa ganoong lugar?" mahinahong paalala sa akin ni Tatay.

"Opo Tatay. I'm really sorry." sabi ko sa kaniya.

Binigyan niya ako ng isang yakap at nagpatuloy na ako sa pagpasok sa bahay pagkatapos ng yakap na iyon. Naabutan ko sina Mom and Dad na mukhang hindi mapakali sa sala.

I sighed. They are here.. Only for one day again for sure.

"Mom.. Dad.. I'm home." pagod kong sabi.

Mabilis na lumapit sa akin si Mommy, kita ko ang pag-aalala sa mata niya, may kasamang takot at inis.

"Margaret! What did you do this time? Going to mall? Alone?" hinilot ni Mommy ang sentido niya at mariing pumukit.

Hindi ko alam, kung nag-aalala ba siya o galit dahil sa katigasan ng ulo ko.

"Alam mo naman ang pinagdadaanan mo! Sana man lang nagsabi ka at nagpasama sa ilang kasambahay natin! Paano na lang kung may nangyaring masama sa iyo doon, ha?! Margaret naman be careful! Why are you so careless this time?!" sermon pa niya.

Lumapit kaagad sa kaniya si Daddy.

"Mellisa, calm down." si Daddy.

"How can I calm down, Stephano?Our daughter loss her consciousness on the way to mall!" histerikang sigaw pa din ni Mommy.

"Mom.." tawag ko dito pero hindi niya ako pinagsalita man lang

"Margaret, hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba napapagod diyan sa pinagdadaanan mong yan? Hindi ka ba napapagod sa pag-inom ng sleeping pills sa tuwing binabangungot ka?!"

Iniwas ko ang tingin kay Mommy ng makita ko ang panunubig ng mga mata niya.

"Ilang beses pa ba naming kailangang ipaalala sayo. You didn't killed your Kuya. It is just an accident. So stop blaming yourself! Forget the past for your pete's sake!" sambit pa niya.

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya,I felt my tears falling now.

"Hindi iyon ganoon kadali Mom. Hindi iyon ganoon kadali. Sa tuwing naalala ko kung paano nawala ang Kuya ko, parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit."

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko.

"Alam niyo ba iyong naramdaman ko noon? Namatay si Kuya... After I woke up in a coma. Caleb left me. Alone... And then the two of you.. Hindi man lang niyo nagawang umuwi sa tuwing sinasabi kong kailangan ko kayo. You would always say that I must go to Yaya instead."

"Anak.." si Daddy

"After all this years, I always feel that I'm alone.After that accident everyone left me, alone...." nahihirapan na akong magsalita dahil sa mga hikbi ko.

Nakita ko na din sina Tatay Aloy at Yaya Puring na nanood sa amin.

"Kaya Mommy. I'm sorry kung hindi ko magawang kalimutan ang mga iyon, ang sakit, Mommy. Ang sakit sakit." nakita ko ang pag-agos ng mga luha nina Mom and Dad, pati na rin sina Tatay at Yaya.

"Everyone always told me that 'forget the past', but it's not just 'the past' for me it is 'my Kuya'." I said.

Nagmamadali akong tumakbo paakyat sa hagdanan. Hindi ako sa kwarto ko nagtungo, kundi sa kwarto ni Kuya.

Unfixed Heart (Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon