13☁️

148 2 0
                                    

SAM

"Yaya Puring, I already told you I can go to university now, it is just hives nothing serious okay? And I don't feel nauseous anymore po." pamimilit ko kay Yaya Puring na ngayon ay ayaw akong palabasin ng bahay para pumasok.

"Ay nako hindi pwede Sam! Ako ang malilintikan sa Mommy mo eh kabilin bilinan niya sa akin na huwag ka munang papalabasin ng bahay." Yaya Puring said

Napabuntong hininga ako habang naglalakad papunta sa sala.

"Sinabi ko na din kay Kairo na huwag ka munang sunduin ngayon dahil hindi ka pupuwedeng pumasok, madami pang pantal ang katawan mo."

Hindi na lamang ako nagsalita dahil ayokong mabastos si Yaya Puring, I know na sinusunod lamang niya ang utos nina Mom.

"Tingnan mo nga yan, hija oh.. Ang dami.. Bakit ba naman kasi kumain ka noon na hindi man lang tinatanong kung anong sangkap ang ginamit doon?" wika pa ni Yaya Puring habang tinitingnan ang mga pantal sa katawan ko na hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala.

"Yaya I'm sorry. They said that's it is fish so I ate some." I said

Lumapit sa akin si Yaya Puring at tumabi ito sa pagkakaupo ko.

"Hindi ka naman ganiyan dati ah? Kahit nga anong seafoods hindi ka kumakain, ayaw na ayaw mong may mga ganiyan sa balat mo." sambit pa ni Yaya habang tinitingnan muli ang mga pantal sa katawan ko.

"I know Yaya. I just felt pressured when I'm having a dinner with Kairo's Mom yesterday..."

Natatakot ako na baka i-judge ako dahil hindi ko man lang titikman iyong pinagmamalaking fish pie ni Aela.

"Kairo's mom and little sister don't like me.." mahina kong sabi kay Yaya Puring

"Ano? Eh bakit naman? May ginawa ka bang masama?" nag-aalalang tanong niya sa akin

"Wala naman po.. May ibang babae lang silang gusto para kay Kairo.." malungkot kong sabi

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Yaya Puring kinuha niya ang ulo ako at inihilig iyon papunta sa mga balikat niya, nilagay ko naman ang mga kamay ko sa bewang niya para mayakap ko siya.

" Yaya? Am I bad? Bakit parang hindi ko kayang pantayan iyong babaeng gusto nila para kay Kairo?" dagdag ko

"Sam alam kong mahirap iyan para sa iyo lalo't pamilya ng nobyo mo ang kalaban mo. Pero huwag mo na lamang silang isipin ang isipin mo ay kung gaano mo kamahal si Kairo at kung gaano ka kamahal ni Kairo.. Ipaglaban niyo iyon kung sakali.." Yaya said

"Yaya.. Sina Yuna naman po ramdam ko po na ayaw nila sa relasyon namin ni Kairo.. Hindi nga po ako masyadong pinapansin ni Yuna ngayon eh.."

"Nag-aalala lang siguro sila sayo, anak.. Kahit nga ako hindi ako makapaniwala na sa ikli ba naman ng panahon niyong nagkakilala ni Kairo, eh heto kayo nasa isang relasyon na.." si Yaya

"Does it is really required Yaya? Kung gaano kami katagal nagkakilala ni Kai?" sabi ko at hinarap si Yaya

Ngumiti si Yaya sa akin. "Hindi naman ganon, Sam.. Kulang lang kayo sa oras na kilalanin ang isa't isa.. Hindi mo pa siya lubusang kilala.. Hindi ka pa niya lubusang kilala.. Iyon lamang ang problema Sam.."

Napaisip ako sa sinabi ni Yaya, tama siya hindi ko pa masyadong kilala si Kairo,alam niya na lahat ng pinagdaanan ko, pero kakaunti pa lamang ang alam ko sa buhay niya, pero may oras pa naman kami para gawin ang bagay na iyon. Puwede naming kilalanin ang isa't isa habang nasa isang relationship kami diba?

May narinig kami ni Yaya na nagdoorbell kaya naman tumayo si Yaya para tingnan kung sino ito..

Caleb..

Unfixed Heart (Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon