SAM
"How are you?" tanong sa akin ni Tito Aries.
Hinatid ako ni Caleb sa bahay ni Tito Aries. And here I am talking to my best Tito-Doctor.
"Not fine, Tito.." mahina kong sabi.
Hinawakan niya ang kamay ko, he's eyes look so gentle, I saw that eyes and expression in Turner.
"Tell me so I can help you.." kalmadong sabi niya.
Tinitigan ko muna siya bago ako nagsalita.
"Pagod na ako, Tito..." nanghihina kong sabi "Ilang beses ko ng sinabi na pagod na ako, pero ayaw pa rin tumigil. Ilang beses ko ng sinubukang maging masaya, pero bakit parang ayaw ng tadhana?" unti unting bumagsak ang mga luha ko.
Tito Aries is just looking and listening carefully to me.
"I want to receive a 'love', not 'pain'. I badly want to heal, not to receive another agony that can break my heart over and over again.." I cried.
"I understand, hija. Tito will help you, okay? Accept the proper mental health treatment , Sam. Don't be afraid, I'm there for you. Always." he said and then hugged me.
Madaming payo ang ibinigay sa akin ni Tito. Natatakot ako sa kalalabasan ng mental health treatment na sinasabi niya, what if hindi ito gumana? Paano kung tuluyan na nga akong mabaliw? Pero dahil sa pagpapakalma at pangungumbinsi ni Tito ay unti-unti na akong pumayag. Mag-uumpisa ako next week.
Sinundo ako ulit ni Caleb, at nagpaalam muna siya na uuwi siya saglit sa condo niya para kumuha ng damit. Tahimik akong pumasok sa bahay. Nakita ko si Yaya sa kusina, nagluluto. Lumapit ako sa kaniya, I hugged her back. I can see the sadness in her eyes even if she smiled at me.
"Kumain ka na ba? Maupo ka na don, ipaghahain kita.." mahina niyang sabi.
I nodded at her and kiss her right cheek before sitting down at the table. Inilapag ni Yaya ang masarap na laing, iyon ang paborito namin ni Tatay. Si Yaya ang pinakamasarap magluto ng laing para sa amin.
"I miss this, Yaya." I said.
Ngumiti siya sa akin. Pinagsandok niya ako ng kanin at laing sa pinggan ko. Tumingin ako sa kaniya dahil iba ang mga ikinikilos ni Yaya ngayon.
"Yaya, are you okay po?" I asked her.
"Huh? Uh. Oo.." natataranta niyang sabi.
Umupo na din siya sa harap ko at nagsandok ng pagkain niya. Tahimik kaming kumain. Sinusulyap-sulyapan ko siya dahil kanina ko pa napapansin na para bang may gusto siyang sabihin sa akin.
Nang matapos kaming kumain ay tahimik na niligpit ni Yaya ang pinagkainan namin, hindi ako umalis sa kusina at pinagmasdan lamang siya. Sinasabon na niya ang mga plato ng mapansin ko ang mga luhang bumugso sa mga mata niya.
"Yaya.." mahina kong tawag sa kaniya.
Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya at hinarap ako. She look so sad.
"Pasensya ka na, 'nak. Hindi pa rin kasi tinatanggap ng isip at puso ko na wala na ang tatay mo eh.." mahina niyang sabi.
Tumayo ako at nilapitan siya. Mahigpit ko siyang niyakap.
"Y-Yaya.. I love you.." umiiyak ko ng sabi.
"Sa tuwing gigising ako hindi ko pa rin maiwasang tingnan kung nasa tabi ko na ba uli si Aloy. Lalabas ako sa umaga sa grahe para tingnan kung nililinis na niya ang kotse, ipagluluto ko kayong dalawa ng agahan, at pagmamasdan kayong umalis... Sobrang nakakapanibago lang, Sam.. Wala na talaga si Aloy. Iniwan na niya ako.. " humikbi si Yaya..
BINABASA MO ANG
Unfixed Heart (Heart Series 1)
Teen FictionOne accident caused her heart to be unfixed. And after that accident she keeps losing the people she love the most. And now her heart is full of pains, guilt and regrets. Will LOVE can fix it all? Or it just gonna add more heartaches?
