25☁️

991 5 0
                                    

SAM

"Anak, iintayin ka ni Tatay. Lalaban si Tatay para sayo, anak. Kaya sana labanan mo din kung ano man ang nararamdaman mo.. Tatay will wait, okay?"

"Tatay?!"

Hilong-hilo akong bumangon. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nanlaki kaagad ang mga mata ko ng matantong nasa ospital ako. Tiningnan ko ang mga swero sa kamay ko, mabilis at natataranta ko iyong hinubad.

Ayoko dito. I hate this place. This hospital bed. This serum. All of this hospital.

"Margaret!" sigaw ni Caleb sa akin pagkapasok niya ng pinto.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa. Nagmamadali siyang lumapit sa akin at marahas na hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Please calm down."wika niya.

Umiling-iling ako sakanya, umiiyak na din ako sa takot.

" No.No.Caleb,ayoko dito. I don't like this place where.. where my Kuya died, ayoko.. " umiiyak kong wika.

He hugged me tightly. Umiiyak lamang ako habang nakaakap ako sa kaniya. I still remembered how I woke up here, without my Kuya anymore. Without Mom and Dad. I'm just with Yaya and Tatay.

Nakita ko ang pagpasok ni Yaya. She looks so sad. I saw many pain in her eyes. Mapait siyang ngumiti sa akin. Dahan dahan siyang lumapit at niyakap ako, she cried. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat hikbi niya.

"Anak.." umiiyak niyang sabi. "Masaya ang Yaya dahil hindi mo ako iniwan. Mahal na mahal kita." wika niya.

Sabay sabay muling bumagsak ang mga luha ko. I just tried to kill myself, without thinking of the people around me. Without thinking what would they feel. I'm being selfish. Just because I want the pain to stop, I tried to kill my self? That is the reason. But now I fully regret it.

"I'm so sorry, Yaya. I'm sorry." umiiyak kong wika.

Mas lalong hinigpitan ni Yaya ang pagkakayakap niya sa akin. Ilang minuto lamang ay humiwalay na siya sa yakap.

"Huwag na huwag mo na muling gagawin iyon, Sam." mas kalmadong sabi ni Yaya.

Mabilis at umiiyak akong tumango-tango sa kaniya. Ang ginawa kong iyon ay lubos ko ng pinagsisisihan ngayon. Natakot din ako ng maisip, what if I really died doing that?

"Yaya, okay na po ako. Gusto ko na pong umuwi.. Papahatid na po ako kay Tatay.." mahina kong sabi.

Nakita ko ang labis na panghihina sa mga mata niya. Si Caleb naman ay nag-iwas tingin.

"Pero kailangan mo pang magpalakas, mahigit limang linggo ka ng walang malay.." mahinang sabi nito.

Limang linggo?! I slept for damn 5 weeks?! That means, I didn't had the chance to attend my graduation, to send Miyeon to the airport! And bring Yaya and Tatay to their hometown!

I fully regret that thing now!

"I don't care, Ya. Mas lalo lang po akong manghihina sa lugar na ito. Tawagin niyo na lang po si Tatay, sa bahay na lang po ako magpapahinga." kalmado ko ng sabi.

Not doing anything, Yaya's tears fall down again. She softly held both of my cheeks.

"Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, anak. Sobra." she said while crying.

I tried to look at Caleb again to ask, but he looked away from me.

"Yaya, I already know that po. And I love you both, so much too. But right now I just want to go home." I said.

Unfixed Heart (Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon