26☁️

969 7 0
                                        

SAM

Limang araw pa akong nanatili sa ospital. Dinadalaw ako paminsan-minsan ni Tito Aries dahil doon din naman siya nagtatrabaho. Si Turner naman daw ay busy na sa pag-aadvance study para sa college.

Si Miyeon naman ay nag-umpisa na ang training sa Korea, wala na kaming masyadong naging komunikasyon dahil sa full-schedule niya, mahigpit din daw ang entertainment na napasukan niya.

Si Yuna ay nawala na lamang ng parang bula sa hindi ko malamang dahilan.

Sina Mom and Dad ay busy pa rin sa Hotel and Resto pero uuwi daw sila ngayong buwan.

Tahimik na ngayon dito sa bahay, hinayaan ko na muna na magpahinga si Yaya. Kahit ako ay pagod sa lahat ng mga nangyari. Sa tuwing naiisip ko na wala na talaga si Tatay ay naiiyak pa din ako. Nabasa ko ang liham niya at mas lalo akong nasaktan at nagsisi sa ginawa ko, but Tatay want to see me happy again.

Noong nabubuhay pa si Tatay ay lagi niyang sinasabi sa akin na unang unang niya akong dadalhin sa Cagsawa Ruins sa Bicol. Tubong Guinobatan, Albay si Tatay at si Nanay naman ay tubong Daraga, Albay. Nagtitinda ng mga souvenirs si Nanay sa Cagsawa, si Tatay naman ay mga kakanin. Nagtagpo at nagsimula ang pagmamahalan nila sa harapan ng Cagsawa at Mayon.

Naramdaman ko ang unti unting pagtulo ng luha ko ng maalala ang mga matatamis na ngiti ni Tatay habang kinukuwento niya iyon sa akin.

Ang daming nangyari sa buhay ko. Iba't ibang sakit ang naranasan ko. Pero may mga tao pa din ang hindi sumukong iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa sa laban na ito.

But I chose to deny that fact.

Kaya ngayon, para kay Kuya, kay Tatay, para sa mga taong hindi nagsawang samahan ako, at lalong lalo na para sa sarili ko. I need to move on, I need to live a new life, without darkness and sadness.

Nagtungo ako sa dating kwarto ko. Pagkapasok ko doon ay agad akong umakyat sa second floor ng silid ko kung saan nakalagay ang mga bags, shoes, accessories etc. Walk in closet to be exact. Inilagay ko sa isang puwang ang lumang bag na huling naibigay sa akin ni Kuya. Aalis na sana ako ng malaglag ang isang Chanel bag ko.

Pinagmasadan ko iyon. This is the bag that LilyRae wants and I promise to give it to her.

I promised it.

Nagdadalawang isip ko iyong kinuha, kinuha ko din ang box na pinalagyan noon, bago pa ito dahil isang beses ko pa lamang nagamit. Inayos at binalot ko iyon ng mabuti. This is the last time for me to see a de Arellano. The last time.

Tumingin ako sa mga damit kong nadodoon. Halos lahat doon ay crop top na off-shoulder, at mga mini skirt.

I wore a black off shoulder crop-top, and a dark-red mini-skirt, in this outfit my tiny waist is totally exposed. Pinaresan ko pa ito ng isang black boots. I ponytailed my long hair, tinaasan ko iyon na para bang kay Ariana Grande. Nagmake-up din ako, light red lipstick at hindi na liptint ang ginamit ko. Pumili din ako ng bag na babagay sa outfit ko, at ang napili ko ay ang isang red-black na maliit ngunit eleganteng bag mula sa Dior.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. It is Marga, not Sam anymore. I smiled thinking about it. Sam always wore a pants or short with a simple shirt, and sneakers. Liptint at powder lang ay ayos na, nakalugay lagi ang mahabang buhok niya.

Tss. I'm comparing my self to my self?

Lumabas na ko ng kwarto ko, walang tao sa sala pagbaba ko, pinauwi ko na muna kasi ang ibang maids namin. Tanging kami lamang ni Yaya ngayon ang nandito, minsan ay nagpupunta pa din dito si Caleb.

Pumunta ako sa kwarto ni Yaya para magpaalam sana pero naabutan ko siyang mahimbing ang tulog kaya naman hindi na ako nag-abalang gisingin pa siya. She needs some rest. Pinagmasdan ko siya, hawak hawak niya ang picture ni Tatay, mukhang nakatulugan na niya ang pag-iyak.

Unfixed Heart (Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon