15☁️

189 2 0
                                        

SAM

Katatapos lamang ng klase ko at namataan ko na si Kairo na naghihintay sa may pinto.

Napabuntong hininga ako ng maalala ang nakita ko kanina. Hindi ko pa din maiwasang masaktan. Bakit hindi niya itinaboy si Aela? Bakit hindi kaagad siya umalis doon? Bakit niya tinanggap iyong tubig? Bakit pa niya binalikan si Aela noong madapa nga ito? Why?

Sam, stop overthinking.

Napailing-iling ako habang may pagtatalo sa puso't isip ko. Hindi dapat ako mabahala. Mahal ako ni Kairo!

Iyan! Yan lang ang dapat kong isipin.

Napabuntong hininga ako at nagpilit ng pag ngiti para salubungin na si Kairo.

"Hey!" nakangiting bati niya.

Pinilit kong ngumiti at itago ang lahat ng pag-aalinlangan ko.

"Hey." I smiled at him.

Kinuha niya ang bitbit kong bag at sabay na nag-umpisa na kaming naglakad.

"Any problem, my Sammy?" he asked me

Napansin siguro niya ang pagiging tahimik ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

"Uhm. It's nothing, I'm just tired." I shortly explained.

Napansin ko ang pagkabahala sa mukha niya ngunit nakita ko din ang pagpipigil niyang magtanong. Ngumiti na lamang siya.

Laking gulat ko na lamang nang makitang nasa harapan ko na siya kaya naman napahinto ako sa aking paglalakad.

"You're not good at lying, my Sammy." hinawakan niya ang baba niya na para bang nag-iisip. "Maybe sa iba magaling ka, but not for me, baby. Now, spill it."

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Hindi ako makapaniwala na nalaman niya ang pagpapanggap ko? I'm always pretending to be okay with my problems almost half of my life and no one of my family, except Caleb and friends noticed it.

"Ahm. I had a fight with Yuna" and I saw you with Aela.

Totoo naman na nagkasagutan na naman kami ni Yuna kanina, hindi ko na lamang piniling sabihin sa kaniya na siya muli ang naging dahilan noon.

Laking pasalamat ko naman nang hindi na siya muling nagtanong pa. Maayos niya akong inihatid, normal din kaming nag-usap.

I already ate my dinner and I'm here now on my bed lying and thinking what happened earlier.

I need to trust Kairo. He's my boyfriend and for our relationship to work well we need to trust each other. But I don't think I can trust that Aela.

Like what she told me before she will do everything to get Kairo from me, I don't think I can let that happen.

I need to be brave but how stupid I am for being a coward earlier, nilapitan ko dapat silang dalawa kanina, pero ayaw ko naman na isipin ni Kairo na dahil lamang doon ay susugod na ako.
Baka iyon pa ang magdulot ng problema sa amin.

Even if we're in a relationship I should respect his freedom. I should trust him. Ayaw ko siyang masakal sa akin.

And about Yuna? Mahirap din suyuin ang kaibigan kong iyon, yes she said to me that she will never ever leave me, but now that she's angry with me I felt like her presence was gone. But I can understand her naman, I know she just want to protect me, pero minsan ay sobra na iyon.

She hates love and relationships kaya ang nasa isip lang niya palagi ay ang mga risks ng pagmamahal not the happiness.

I understand her. I really do. But I just can't do what she wants me to do.

Unfixed Heart (Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon