SAM
"Where did you go?" salubong kaagad sa akin ni Caleb pagkapasok ko ng bahay.
Tamad na tamad akong tumingin sa kaniya, he's still wearing his uniform and carrying his backpack.
"Kailan mo balak umuwi sa condo mo?" wika ko at hindi pinansin ang tanong niya.
He put his backpack on our sofa and sat comfortably there.
"I asked where did you go? Maaga ang tapos ng klase niyo pero ngayon ka lang umuwi." he said.
I glared at him. He's annoying.
"Ano bang pakialam mo? Umaasta ka na naman na para bang Kuya kita, well you're not Caleb." wika ko.
"Mas matanda ako sa iyo ng isang taon, brat." he coldly said.
I just sighed at him and looked away, really annoyed.
"Whatever. We still have the same birthday, nauna ka lang lumabas." I said again.
Naglakad na ako patungo sa hagdanan,nilagpasan siyang komportableng komportable pa ring nakaupo sa sofa.
"Pinaalis ko muna ang Mom and Dad mo, so live comfortably again at this house." wika niya.
Napatigil ako sa pag-akyat at napatingin sa kaniya.
"Wow! Pinaalis mo sina Mom and Dad in their own house, tapos ikaw chill chill lang diyan, bahay mo?" I sarcastically said.
"Kung hindi ko ba sila pinaalis, lalabas ka ba ng kwarto mo? Kakain ka ba sa tamang oras?" malamig niyang wika.
I chuckled at him. "Of course I will.Hindi naman ganoon kataas ang pride ko, noh!"
"Really? Kaya pala nag-sleepover ka kina Miyeon. Hindi mo nga man lang kinausap ang parents mo noong nandito pa sila.." he said full of sarcasm.
"Paano ko makakausap kung pinaalis mo nga?" I said really annoyed.
"What? Do you want me to call them and make them comeback here? Are you really ready to have a serious chitchat with them? Are you mentally ready, brat?" he said.
Natigilan ako sa sinabi niya, halos manginig na ako sa inis dahil nawalan na ako ng salita.
"You.... You fucker! Go away!" sigaw ko.
"Your mouth, brat!" saway niya sa akin.
Galit na galit akong nakatingin sa kaniya, tumalikod na muli ako sa kaniya at padabog na umakyat.
Bakit ba ayaw niyang umuwi sa condo niya? Ayaw niya talaga akong tigilan?!
Kahit naman papaano ay nakaramdam muli ako ng komportable sa bahay namin. Mom and Dad was gone again, and right now I'm happy about it. Siguro nga tama si Caleb, hindi ko pa sila kayang kausapin muli matapos ang huling pagtatalo namin. And I hate it that Caleb know me so much!
Kilalang kilala ako ni Caleb, alam niya lahat ng nararamdaman o mararamdaman ko, and I hate the fact that he already know what I'm feeling yet he left me before.
~×~×~
Mabilis na dumaan ang mga araw, nagpractice na kami para sa graduation march namin. Maayos naman ang mga grades ko kagaya ng inaasahan ko noon. Si Miyeon ay naghahanda na sa paglipad niya papuntang Korea para nga sa training niya. Si Yuna naman ay kukuhanin ang kurso na gusto ng Mom niya para sa University nila. Si Caleb sa amin pa rin umuuwi, hindi ko pa alam kung anong gagawin niya sa college. At sina Mom and Dad ay hindi na muna muling nagpakita sa akin. I'm living at peace all that days.
BINABASA MO ANG
Unfixed Heart (Heart Series 1)
Teen FictionOne accident caused her heart to be unfixed. And after that accident she keeps losing the people she love the most. And now her heart is full of pains, guilt and regrets. Will LOVE can fix it all? Or it just gonna add more heartaches?