SAM
"Sam.. May practice daw yung dance club bukas, para yata sa isang event, but di pa inaannounce kung ano yung event.." ani ni Yuna habang naglalakad kami palabas sa classroom.
Lunch break namin ngayon at plano naming kumain sa cafeteria, pero papaunahin ko na sila, dahil may gagawin muna ako.
" Ahh. Sige..Uhm nga pala mauna na muna kayo sa Cafeteria, may pupuntahan lang ako." sambit ko sa kanilang dalawa
"Okay, pero sumunod ka ha!" sabi ni Miyeon
Tumango na lamang ako sa kanila. Humiwalay na ako sa kanilang dalawa.Pinapapunta kasi ako ni Ms. Chaves, si Ms. Chaves ay isang Professor para sa Arts ng College, kaya naman nagtaka ako ng pinatawag ako nito.
Nang makarating na ako ay kumatok ako sa pinto bilang paggalang.
"Come in." narinig kong boses ni Ms. Chaves
Pumasok ako sa pintuan, at nagulat ako ng makitang Art Room pala iyon, ang inaakala ko kasi ay ito ang office ng mga prof ng college.
"Good Afternoon Ma'am, pinapatawag niyo daw po ako?" magalang ko sabi
Ngumiti ito sa akin at tumayo tsaka lumapit sa akin.
"Yes Ms. Rochford, may nakapagsabi kasi sa akin na magaling ka din daw sa pagpaint maliban sa pagsasayaw, I want to see you painting, and kung papasa ay ikaw ang kukunin ko sa Art Contest na gaganapin pa naman next year, when you're in college na." Ms. Chaves said.
Nagulat ako sa sinabi niya. Paano naman nalaman ni Ms. Chaves ang tungkol sa pagmamahal ko Arts? Dalawa lang ang nakakaalam nito. I mean tatlo na pala ngayon.
"I'm honored po na nanotice niyo po ako dahil sa Arts. But I'm so sorry Ms. Chaves, matagal na po akong huminto sa pagpapaint. At hindi din po Fine Arts ang kukunin ko in college, kundi Engineering." paliwanag ko
Bumalik ito sa pagkakaupo niya at mataman akong tinitigan.
"Ms. Rochford,I understand kung saan nanggagaling ang mga sinasabi mo, bata ka pa. Pero kung hindi mo tatanggapin ang alok ko, may kondisyon ako. " ani niya
"Ano naman po yun?" tanong ko
"Can you paint for me? Only one. I want to see your talent, Please Ms. Rochford." Ms. Chaves
Mas nagulat ako sa hiniling niya, matagal ko ng mahal ang pagpapaint, pero matagal na din akong huminto dito, may ibang pangarap kasi akong kailangang tupadin,kaya dapat ko munang isantabi ang sarili kong pangarap.
"Pardon Miss?" nagtataka kong tugon
"Ms. Rochford kahit itigil mo at kalimutan ang isa mong talento, hinding hindi ito mawawala, so bakit hindi mo muling itry magpaint... Sana naman ay paunlakan mo ang aking hiling, minsan ko lamang ito ginagawa." pamimilit ni Miss
Painting? Magpapaint ulit ako? Kaya ko pa kaya. Ilang taon na din kasi akong tumigil dito. At aminin ko man o hindi sa sarili ko, miss na miss ko na itong gawin. Subukan ko kaya? Eto lang naman eh. Painting lang. Sa isang painting naman hindi pa din magbabago ang paniniwala at mga pangarap na dapat na dapat ko abutin para sa kaniya.
Just one painting. Just one.
" Ahm.If that's what you want Miss." naiilang kong pagpayag
Biglang tumayo si Ms. Chaves, at kaagad akong niyakap ng sobrang higpit na para bang ang laking ginhawa ng pagpayag ko sa gusto niya.
"Omg! That's amazing Ms. Rochford, mapapasaya mo siya!" masayang sambit nu Ms. Chaves habang yakap yakap ako.
Siya?
BINABASA MO ANG
Unfixed Heart (Heart Series 1)
Teen FictionOne accident caused her heart to be unfixed. And after that accident she keeps losing the people she love the most. And now her heart is full of pains, guilt and regrets. Will LOVE can fix it all? Or it just gonna add more heartaches?
