SAM
Maaga akong nagising at maaga din akong nakareceive ng text kay Kairo. Nakangiti ko iyong binasa.
From:Kai
Good morning, my Sammy. I'm sorry but I can't pick you up today.Una na ako sa Univ, see you there!Biglang napawi ang ngiti ko sa nabasa ko. Ano naman kayang dahilan? May problema kaya siya?
Pinagpasyahan ko na lamang na maligo na para hindi na ako malate sa klase. Pagkatapos kong magbihis ay kaagad na akong bumaba. Naabutan ko sina Yaya at Tatay na parang may seryosong pinag-uusapan. Nagtatakang lumapit ako sa kanila.
"Yaya? Tatay? May problema po ba kayo?" I asked them.
Nakita ko ang gulat nila sa presensya ko. Nag-iwas ng tingin sa akin si Yaya Puring at si Tatay Aloy naman ay ngumiti sa akin.
"Wala naman, anak. Pinag-iisipan lang kasi namin ng Yaya mo kung kailan kami muling makakauwi sa Bicol." Tatay Aloy explained.
Kung gusto mong magdrive, then bring your Tatay and Yaya to their province like what you promise to them.
Naalala ko ang sinabi sa akin ni Yuna kahapon. Naalala ko din ang pangakong binitawan ko kina Yaya at Tatay na I will bring them to their province, and I'm the one who will drive the car.
Pinangako ko iyong sa kanila at dapat ko iyong tupadin.
"Can I drive you there Yaya? Tatay? But after my graduation sana." nakangiti kong sabi sa kanila.
Nakita ko ang pagdaan ng saya sa mata nila Tatay. Lumapit sa akin si Tatay at niyakap ako.
"Oo naman, anak. Pag pagod ka na si Tatay naman ang magdadrive. Maghahalinhinan tayo." Tatay Aloy said happily.
Yumakap din si Yaya mula sa likuran ni Tatay, nakita ko ang masayang pag ngiti nito sa akin.
"At maghahanda naman ako ng masasarap na pagkain para sa stop-over natin." Yaya Puring added.
Masaya akong ngumiti sa kanila. Sa lahat ng bagay na pinagdaanan ko noon hindi nila ako iniwan, itinuring ko na din silang isang pamilya. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila sa lahat ng ginawa nila para sa akin. Mahal na mahal ko sila. At dapat lamang na minsan ay maging masaya din sila kagaya ng kasiyahang ibinibigay nila sa akin.
Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanilang dalawa, sila ang tumayong Tatay at Nanay ko habang sina Mommy ay laging lumilipad papunta sa ibang bansa para sa negosyo nila kahit na noon ay sobrang depressed pa ako sa nangyaring aksidente. Si Tatay Aloy ang gumabay sa akin sa takot ko sa pagsakay sa kotse, siya din ang nakaisip na pwedeng gamitin ang eye mask para panlaban man lang sa phobia ko. He made me so sure that he's always at my side. While, Yaya Puring siya ang nagpapakalma sa akin sa tuwing nadedepressed ako ng sobra.
"Hala?! Anak, bakit ka naman umiiyak."
Hindi ko napansin ang pagbasak ng luha ko. Kaagad na pinunasan ni Tatay Aloy ang mga luha ko.
"Sobrang nagpapasalamat lang po ako dahil hindi ninyo ako iniwan. Salamat po Tatay at Yaya. Mahal na mahal ko po kayo." I said to them.
Nag-umpisa na ding tumulo ang mga luha ni Yaya na kaagad niyang pinalis.
"Ano ka ba naman Sam! Ang aga aga pinapaiyak mo kami." pagbibiro ni Yaya habang patuloy ang pagpupunas niya sa mga luha niya.
"Please don't leave me, Yaya at Tatay. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kung pati kayo iiwanan din ako." sambit ko
Lumapit muli sa akin si Tatay Aloy, muli niyang pinunasan ang mga luhang tumulo mula sa mata ko. He kissed the top of my head.
"Hinding hindi ka magiging mag-isa, anak, hanggang nandito kami ng Yaya mo gagabayan ka namin." Tatay Aloy said.
BINABASA MO ANG
Unfixed Heart (Heart Series 1)
Teen FictionOne accident caused her heart to be unfixed. And after that accident she keeps losing the people she love the most. And now her heart is full of pains, guilt and regrets. Will LOVE can fix it all? Or it just gonna add more heartaches?