18☁️

150 4 0
                                    

SAM

Tanghali na ng magising ako. Tamad akong bumangon at naligo. Mugto at mapupula ang mga mata ko, marahil ay sa pag iyak ko kagabi. Dahil Sabado ngayon ay naisip kong mag-mall para malibang naman kahit kaunting oras man lamang.

Nagsoot ako ng maong jeans at simpleng black shirt at white sneakers. Nang matapos na ako sa pag-aayos ay bumaba na ako, ngunit hindi ko nakita doon sina Yaya at Tatay, ganoon na din sina Mom and Dad na marahil ay bumiyahe na muli paalis ng bansa. Ang ibang katulong naman namin ay naglilinis sa garden at sala. Hindi na din ako nag-abalang magpaalam sa kanila dahil naisip kong magpasama kay Kairo.

Tinawagan ko siya at kaagad naman siyang sumagot.

"Hello, Kai.."

"Hey, my Sammy.."

"I'm going to mall, can you come with me??" I said full of hope.

"Right now, Sammy?" he asked

"Ahm. Yeah." I said

"I'm sorry, Sammy.. I'm busy right now.. Ahmm. I'm teaching LiRae for her test.."

"Oh.. Ahm. It's okay.. I understand." I said trying to hide my disappointment

"Trishtan, merienda is ready---Wow! Thanks Ate Aela!---Ahmm.. Sammy.. Byee.."

Naputol ang linya namin.. But I heard it clearly, Aela's voice, then LiRae's voice.. Is Kai with Aela again? Napapikit ako ng mariin at iniling ang ulo. I need to calm down. Walang sabi sabi ay kaagad akong lumabas sa gate namin, maglalakad na lamang ako dahil hindi naman ganoon kalayo ang mall sa village namin.

Nakalabas na ako ng village. Madami ng dumadaang sasakyan dito. Madami ding tao ang naglalakad dahil siguro ay walang pasok. Wala na akong pakielam kahit mag-isa ako. Wala din naman si Yuna dahil may gagawin daw siya. Si Miyeon naman ay ipinagpapatuloy ang mga audition niya.

Napatabi ako ng may mabilis na kotseng dumaan sa tabi ko, sinundan iyon ng mga mata ko. Mabilis ang takbo nito, at dahil doon hindi nito napansin ang stop light. Napatingin ako sa kanang bahagi niyon at nakita ang mabilis na truck na kaagad na bumangga sa kotse.

Nagsisigaw ang ilang tao na nakakita din. Lumapit kaagad ang iba doon, at ang ibang tao ay tumawag ng tulong. Magulo na doon at umuusok na ang dalawang sasakyang nagkabanggaan.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko pero agad ding nahinto ng maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nakita na naman ang bangungot.

"MARGA! SLOW DOWN!"

Hindi ako nakinig kay Kuya dahil nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Nakita ko ang pagmulat ng mata ni Caleb sa likod.

"Fuck.Slow down brat! "

Hindi ko sila pinansin at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo sa kotse.

"MARGA!"

Huli na nang mapansin ko ang truck sa kanang bahagi ng kalsada. Mabilis iyong bumangga sa amin. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Kuya..

Si Kuya.. Si Kuya ang nakaupo sa kanang bahagi ng kotse.. Katabi ko na siyang nagdadrive.. Si Kuya ang napuruhan.. Si Kuya..

I killed my Kuya.

"Miss, ayos ka lang ba? Namumutla ka eh." tanong ng isang tao sa akin

Hindi ko iyon pinansin patuloy pa din ang panginginig ko. I killed my Kuya. My Kuya died because of me. Yan lamang ang pumapasok sa isip ko ngayon.Dahil sa akin, ng dahil sa pagdadrive ko, namatay ang Kuya ko. Nawala si Kuya, iniwan ako ni Caleb, paalis-alis ng bansa sina Mom and Dad. I always feel that I'm all alone even though I have my Yaya, Tatay and Miyeon and Yuna,and now, Kairo is with me too, but in my heart I'm alone. I'm alone without my Kuya. My Kuya who died because of me.

Unfixed Heart (Heart Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon