SAM
"Congratulations to all of us, the faculties are very impressed!"sigaw ni Hope.
Matagumpay kasi kaming nakasayaw sa Alumni, mahigit ilang linggo din kaming nag-ensayo para doon kaya dapat lamang kaming magcelebrate.
"Yeah,pero malapit na ang finals ng Grade 12!" hirap na hirap na sabi ni Miyeon
"Aysus! Kayang kaya niyo yun! Tsaka meron pa naman kayong oras." pampalubag ni Hope sa amin
Kahit yata sa sinabi ni Hope ay hindi niyon kami napakalma, the finals is near, the final sem of us as a Grade 12 Senior highschool. Then, the next step is..
College.
Mas doon ako kinakabahan, I'm scared that I might fail my college life.
"And huwag niyong kakalimutan na 5th Year Anniversary ng Dance Club, bukas! " si Ven ang Co-leader ni Hope.
"So, anong plano natin?" si Turner
"Naplano na namin lahat ni Ven! At ang planong iyon ay isang Beach Party! Nasabi na namin sa kaniya kaniya niyong department ang planong ito.. Wala naman tayong naging problema dahil sumaktong Sabado ang Anniversary, kaya puwede pa tayong mag-overnight!" masayang paliwanag ni Hope
"Yeyy!"sigaw ng ibang mga miyembro maliban sa aming mga graduating.
"Tsk. Paano naman kami? " reklamo ni Miyeon
" Syempre hindi kami papayag na hindi kasama ang mga graduating! Isipin niyo na lang na bago kayo sumabak sa finals niyo ay mag-enjoy muna kayo!" Ven said
Nakangiting tumango tango kaming lahat dahil may punto doon si Ven.
"Tama! Sama ka, Yuna! Tulak kita sa dagat." hirit ni Turner
Kaagad na binigyan ni Yuna ng masamang tingin si Turner..
"Shut up! " inis na sabi ni Yuna dito.
Tumawa lamang si Turner sa kaniya, inirapan pa siya ni Yuna dahil sa pagtawa.
"Pikon ka naman, bakit di ka marunong maglangoy? Gusto mo turuan kita malunod?" hirit pa ni Turner.
Nagtawanan ang iba sa amin.
" Hay nako! Mag-uumpisa na naman kayong dalawa, tumigil tigil kayo at magpaplano pa tayo para bukas." saway ni Hope sa dalawa
Binigyan na lamang ni Yuna ng masamang tingin si Turner, samantalang si Turner naman ay nginisian lamang ito..
"So, saan ang outing natin? " panimula ni Pei.
"Ahm. Ang plano namin ay sa resort nina Miyeon, kung okay lang sana sayo Miyeon." si Hope.
Masayang pumalakpak si Miyeon na parang tuwang tuwa sa planong iyon.
"Of course! Puwedeng puwede, libre ko na kayo wag na kayo mamroblema! Ihanda niyo na lang ang mga bikini niyo girls!" masayang sambit nito.
Nagpalakpakan at nagsigawan naman ang lahat sa sagot ni Miyeon.
"Okay na tayo,ha.Magkita kita na lang tayo dito bukas ng mga
5:30 am, para maaga tayong makadating doon." huling paalala ni Ven.Nagtanguan kaming lahat. Biglang bumukas ang pinto ng dance hall at nakita kong pumasok doon sina Kairo, as usual kasama niya si Caleb, but this time they are with Gio too.
As far as I know, Gio and Miyeon are now in a relationship, I don't know how does it start.
"Oh, andiyan na ang mga manliligaw ng tres marias!" sigaw ni Hope.
BINABASA MO ANG
Unfixed Heart (Heart Series 1)
Teen FictionOne accident caused her heart to be unfixed. And after that accident she keeps losing the people she love the most. And now her heart is full of pains, guilt and regrets. Will LOVE can fix it all? Or it just gonna add more heartaches?