SAM
                              NANG magising na ako kinaumagahan ay nalaman ko kay Yaya Puring na umalis na muli sina Mom and Dad kaninang madaling araw papunta sa States. 
                              Walang buhay ako ngayong naglalakad papunta sa soccerfield, magpapaint pa nga pala kasi ako. Ngunit hindi talaga maalis sa isipan ko ang mga luha na tumulo sa mukha ni Mom kagabi, ang mga sinabi ni Daddy. Ang sakit na makita silang ganon. 
                              Nang makarating na ako ay hinanda ko na ang gamit ko, dito ko naisipan kasi alam ko namang nandito yung katahimikang hinahanap ko. Wala na na naman kaming Teacher ngayon kaya naman naisip ko na ito yung tamang panahon para maumpisahan na ang pagpapaint. 
                              Dumaan ang mga oras at nadrawing ko na ang gusto kong konsepto. 
Nagdrawing ako ng isang bintana kung saan kitang kita ang kalangitan at sa bintanang yun nakaupo ang isang babae pinagmamasdan ang magandang kalangitan katabi niya ang isang lalaki na tinuturo ang mga ulap doon. Nag-umpisa na din akong pintahan iyon. 
                              "Nice painting." tinig ni Kairo
                              "Thank you" i said
                              Kagaya ng nakagawian niya ay umupo muli siya sa tabi ko. 
                              "Project yan?" he asked. 
                              "Yup. You can call it a project." sagot ko. 
                              It's a project for Ms. Chaves. 
                              Tumango na lamang ako at ngumiti ng tipid sa kaniya. Ipinagpatuloy ko ang painting na ginagawa ko, para maipasa na ito ng mas maaga sa sinabi ko kay Ms. Chaves. 
                              "Alam mo? Maganda na sana yang painting mo. Kulang lang.." imik muli niya. 
                              Napalingon ako sa kaniya at nakita kong nakatitig siya sa painting na ginagawa ko. Tiningnan ko din iyon. 
                              Kulang? Ano naman? 
                              "Kulang? Like what?" tanong niya
                              Sasabihin na sana ni Kairo ng may biglang nagsalita sa likod namin. 
                              "Emotion!" sabad ni Miyeon 
                              "Happiness!" sambit naman ni Yuna 
                              Napalingon kami ni Kairo sa dalawa. They are not just two, kasama nila si Caleb. 
                              Lumapit silang tatlo sa amin at umupo din. Sumiksik si Yuna sa gitna namin ni Kairo, samantalang si Miyeon ay tumabi sa kaliwa ko, katabi si Caleb. 
                              "Lakas ng trip mo ah." reklamo ni Kairo
                              Napatawa ako sa dalawa, nagtutulakan sila ngayon, pinapaalis kasi ni Kairo si Yuna sa gitna namin. 
                              "Whatever. Diyan ka na kasi. " laban ni Yuna. 
                              Natahimik na kaming lahat ng magsalita si Caleb. 
                              "They are all right. I love your painting but nalungkot ako ng tiningnan ko ito. Maganda na malungkot." simpleng sabi nito
                              Napatingin ako sa pininta ko. Well, i don't care kung malungkot ito, malungkot din naman ako ah. 
                              "Hay nako! Pabayaan niyo na yang painting ni Sam. If that's what she wants we should just support her. And gutom na naman ako, Cafeteria muna tayo, tutal lunchtime na din." sambit ni Miyeon
                              "Here we go again.. Miyeon is hungry again.." panunudyo ni Yuna na ikinatawa naman namin. 
                              Tinulungan ako ni Kairo na ligpitin ang gamit ko, sasama daw sila ni Caleb samin. Naglakad na kaming lahat papunta sa Cafeteria at ng makadating kami dun ay nagulat ako ng sinabi lamang ng dalawa kong kaibigan ang order nila sa dalawang lalaki. Just wow. Gutom na gutom si Mareng Miyeon. 
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Unfixed Heart (Heart Series 1)
Teen FictionOne accident caused her heart to be unfixed. And after that accident she keeps losing the people she love the most. And now her heart is full of pains, guilt and regrets. Will LOVE can fix it all? Or it just gonna add more heartaches?
