Lianne's pov
Haaay! Kamusta naman ang grade ko sa statistics. Tumataginting na 2.0 lang naman. Whaaaah! Baka mawala scholarship ko dahil lang sa stat. Na yan. Bwisit!
"Hey insan? Let's go?" Tumango ako kay insan tapos lumabas na ko ng kwarto.
I'm Lianne Andrada, BSBA ang course ko. Isa kong scholar dahil ulila na ako, nakatira ako sa tito ko at anak nya ang poging pogi kong pinsan na si Lester Andrada ahead sya sa akin ng 1 year, so yeah 2nd year college na sya BSBA din ang course nya.
Pag dating sa campus dumiretso kami sa tambayan nila, maaga pa naman kaya tambay muna kami. Pagdating namin doon nandoon na din sina Joel, Lawrence and Kurt mga kaibigan ni insan.
"Hey" bati nya sa mga kaibigan nya at naghandshake sila. Ako naman umupo ako sa tabi ni Kurt dahil kukulitin ko sya. Sabi kasi ni insan magaling daw sa math si Kurt, engineering nga ang course nya eh kaya sya ang susi para sa pag pasa ko ng statistic.
"Good morning" nakangiti kong bati sa kanya pero ang loko, parang walang narinig.
"Ah Kurt, sige na naman pumayag kanang magtutor sakin sa statistics" nagpuppy eyes pa ko nyan ha, pero wa epek eh.
"Ayoko" napaka naman nito, hanggang ngayon sya palang ang hindi ko nakakaclose sa mga kaibigan ni pinsan ,paano ba naman ang sungit sungit. Maraming nagkakagusto sa kanya kasi pogi naman tlaga sya, sya nga ang pinakamalakas ang dating sa magkakaibigan kaso nga lang snob sya.
"Pero kasi.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumayo at magpaalam sya sa tropa nya.
"Guys, una na ko" sabi nya lang then umalis na. Ako naman nakasimangot na humarap kay insan.
"Pfft! Anong muka yan insan?" Tanong nya sakin.
"Eh naman kasi insan , ayaw nya pumayag" natawa si insan then pinat nya ang ulo ko.
"Try harder, bibigay din yun" psh! Napaka naman kasi ni Kurt eh. Kung may pera lang ako pambayad ng tutor ginawa ko na kaso wala eh.
"I want to help you Li, pero wala eh parehas lang tayo" sabi ni Joel. Oh di ba close na kami Li nga tawag nya sakin eh. sya ang totoy sa kanilang apat pero madami din nagkakagusto dyan pogi kasi.
"Thank you Joel, bakit naman kasi may stat. Pa eh!" Reklamo ko natawa naman si Lawrence.Si Lawrence ang pinakamatured sa kanila sobra din yan magaral, kaso hindi rin sya magaling sa math.
Maya maya lang sabay sabay na kaming umalis magkakasabay kami ng klase eh. Si Joel ka edad ko yan parehas din kami ng course, ang kapatid naman nyang si Lawrence 2nd year din i forgot kung anong course nya eh. Si Kurt naman ahead din sakin ng 1 year.
Nakinig lang ako sa klase hanggang sa mag lunch break. Habang naglalakad ako papuntang canteen, nakita ko si Kurt na papunta sa dulo ng field, agad ko naman syang sinundan.
Paano ko kaya ito mapapapayag? Libreng lunch ganun? Pero tinitipid ko nga allowance ko eh. Aish! Paano ba ito? Nakita ko syang umupo sa ilalim ng puno then pinagmasdan nya yung phone nya. Taray iphone! Lumapit ako ng kaunti para marinig ko sya at makita yung tinitignan nya kaso di ko makita.
"Haay! How will you be mine?" Oh? Sino kaya ang kausap noon? kaylangan kong makita, malay nyo magamit ko yun sa kanya para mapapayag syang maging tutor ko.
Nung nakita ko syang pumikit, dahan dahan akong lumapit sa kanya para silipin yung phone nya. Hawak nya yun ng kanan nyang kamay which is nakapatong sa noo nya. Nung nakalapit ako nakapatay na yung phone nya, tsk! Paano ito? Tulog na ba sya? Bahala na nga.
Hahawakan ko na sana yung phone nya kaso bigla syang nagsalita.
"What are you doing?" Oh no! Ang malas ko naman.
"Huh? Ah ...nothing! Ang ganda pala ng phone mo noh! " tsaka ko umayos na upo paharap sa kanya.
"Tss!" Sabi nya tapos umirap. Sungit!
"Pwede patingin? Nakakainggit kasi, paexperience lang naman"
"Ayoko nga, mamaya itakbo mo eh" yabang eh noh, anong akala nya sakin snatcher? Ibang klase!
"Grabe ka naman" sabi ko tapos umarte pa kong parang nahurt. Inirapan lang naman nya ko.
"So Kurt, turuan mo na kasi ako, may kapalit naman eh ano ba gusto mo?" Pataas baba pa kilay ko nyan.
"Ayoko nga, umalis ka na nga istorbo ka eh" aish! Jerk! Kung may napili lang akong iba hindi ako magtsatsaga sa kanya.
"For now ,aalis muna ko gutom na ko eh, basta kukulitin pa din kita" sabay kindat ko, and again inirapan nya lang ako, sanay na naman ako .
Umalis na ako at dumiretso sa canteen, nakita ko naman si Irish. Kaibigan din sya nina insan alam ko besfriend sya ni Joel,2nd year na din sya tourism ang course nya eh, member din sya ng student counsil.
"Ah Irish, pwede makiupo?" Tanong ko sa kanya ng makaorder na ko ng pagkain.
"Oh sure" nakangiti nyang sabi sakin.
"So how was your staying here ha? Nakapag adjust kana ba?" Tanong nya sakin habang kumakain kami. Ngumiti naman ako then sinagot ko sya.
"Yup! Nasasanay na ko, tsaka hindi kasi ako pinapabayaan ni insan eh" ngumiti naman sya
"That's good!" Alam nyo kasi laki akong probinsya, doon kami nakatira nina Nanay at Tatay simple lang ang gustong buhay ni Tatay kaya naman ngayon wala na sila kaylangan kong tumira dito sa maynila at makisama sa mayayaman na tao.
Nung una na ngangapa pa ako, lagi nga akong tahimik ,laging nasa bahay lang, nakakagala lang ako kung kasama si insan pero ngayon nakakalabas na ko ng hindi kasama si insan. Oh di ba? Hehe tsaka nasasanay na ko sa mga taong sosyal, araw araw ka ba naman nakakakita ng mga nagbobonggahang sasakyan, malalaking bahay, magagandang mga damit,tignan ko lang kung hindi ka pa masanay.
Nung matapos kaming kumain ni Irish, tumambay kami sa bench na tinatambayan namin sakto naman nandoon din ang tropa ni insan.
"hi best" bati ni Irish kay Joel, then lumapit sya dito. Ako naman lumapit kay insan.
"Busy ka ata best ah, hindi kana masyadong tumatambay dito" kinurot naman ni Irish ang muka ni Joel, bago magsalita.
"Yeah, naghahanda kasi kami para sa event nextweek" napatango naman kami sa sinabi nya. Pansin ko ha, grabe sya makangiti at makatingin kay Lawrence.
"Oh, oo nga pala malapit na ang intramurals" sabi naman ni Insan. Tumango naman sila. napatingin naman ako sa tahimik na tao na nasa gilid ko.
"Huy, pumayag kana kasi! Once a week lang,hmm?" Bulong ko kay Kurt ,pero nakatingin lang sya kay Irish, ay mali nakatitig pala. Oookay! Ano yan ha?!
"Oi" aba, wala pa din ,titig na titig pa din sya.
"Huy!" Sabay sundot ko sa tagiliran nya. Napaiktad naman sya.
"Shit! Ano ba!" Galit na baling nya sakin
"Pfft! Haha sorry! Paano kanina pa kita tinatawag dyan." Nakakunot ang noo nyang nakatingin sakin.
"Tss!" Nakita ko naman nakatingin si insan habang natatawa. Ah, may naalala ako
"Ikaw ha! Kung makatitig kay Irish oh" bulong ko sa kanya, na may tono ng pang aasar.
"Anong pinagsasabi mo dyan?"
"Asus! Crush mo?" Tinignan nya ko ng masama .
"Tumigil ka nga" asus! Nahiya pa. Ma blackmail kaya ito para pumayag na maging tutor ko, pero maghahanap muna ko ng pruheba na gusto nya si Irish.
Mwhahaha! Mapapapayag din kitang maging tutor ko.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa