chapter 31

7 0 0
                                    

Lianne's pov

"Eto ang twalya..may damit ba kayo?" Tumingin ako kay Kurt ng tinanong kami ni Manang Rosa sya yung may ari ng bahay. Dalawa lang silang nakatira ng asawa nya dito.

"Opo" sagot ni Kurt.

"Sige..maiwan ko na kayo"

Umalis na si manang kaya nag ayos na kami ni Kurt. Binuksan nya ang bag nya at kumuha ng damit ..habang inaantay ko ang damit na ipapahiram nya sakin eh nagpunas na ako. Nabasa pa din kasi kami lalo na si Kurt nakajacket kasi ako kaya pangbaba lang ang basang basa sakin.

"Eto lang pala ang dala kong damit" tsaka nya pinakita sakin yung jersey at isang tshirt. Hala anong susuotin ko?

Iniaabot nya sakin yung jersey na pang taas . Lumapit ako sa kanya at kinuha yun.

"Pwede na yan..talikod ka..ako muna magbibihis" sumunod naman sya nakatalikod sya habang nagpupunas.

Nakakahiya kasi lumabas..hindi pa tinuro samin yung cr kaya dito nalang kami magpapalit. Kinuha ko yung kumot at tinapis sa katawan ko.

"Kurt..ano kasi.." nihihiyang sabi ko..tapos na akong magbihis at grabe ang iksi kasi hanggang ibabaw lang sya ng tuhod then sleeveless pa. Feeling ko nakahupad pa din ako eh.

"Tapos kana ba?"

"Oo" sagot ko tsaka inayos ang damit ko at sinampay sa upuan. Napatingin ako kay Kurt na hindi na gumalaw sa pwesto nya. Nakatingin lang sya sakin. Nailang tuloy ako.

"Ang sagwa ba? ..palit nalang kaya tayo? Iyan nalang tshirt yung sakin" nakatingin pa din sya sakin..

"A-Ah ano hindi pwede..mas maiksi ito" sabi nya kaya tumango nalang ako. Ako naman ang tumalikod para makapagpalit sya.

Mayamaya lang natapos na din sya magpalit, nakawhite tshirt sya at jersey shorts. Tama nga mas maiksi yung tshirt.hindi naman pwedeng wala syang short.pfft! Basang basa kasi sya taas at baba.

"Bakit ka natatawa?" Nabalik ako sa sarili ko ng magtanong si Kurt.

"Wala.." sabi ko nalang at nagpipigil ng ngiti. Ang bastos mo Lianne.

"Paano tayo matutulog? Sa sahig nalang siguro ako." Sabi ko kay Kurt. Sinamaan nya ako ng tingin dahil sa sinabi ko.

"Sira ka ba? Kita mong ang lamig lamig ng simento..anong ipanlalatag mo?" Napatingin naman ako sa kumot. Manipis lang yun. Haay! Eh paano yan? Magtatabi kami?

"Eh ano yun magtututlog tayo ng magkatabi?"

"Malamang..wag ka na nga maarte para namang may gagawin ako sayo" napairap nalang ako sa sinabi nya. Fine!

Nahiga ako at tsaka nagkumot. Bahala sya dyan akoy nilalamig. Maiksi na nga ang suot ko sleeveless pa tapos manipis..great! Nahiga na din si Kurt sa tabi ko magkatalikuran kami, hindi kasi ganong kalakihan yung kama pang isang tao lang kasi.

Mahigit isang oras ang lumipas hindi pa din ako makatulog, namamahay siguro at tsaka nilalamig ako. Si Kurt tulog na siguro. Hay! Paano ako makakatulog nito ang lamig lamig. Nagulat ako ng may yumakap sakin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nararamdaman ko ang hininga nya sa tenga ko, nararamdaman ko ang mainit nyang katawan. Unti unti nawala ang panlalamig ko hanggang sa makatulog na ako.

.

.

.

.

.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Hay buti naman nakatulog ako. Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakaharap ako kay Kurt at magkayakap kami. Bago palang ako hihiwalay ng magising si Kurt. Patay! ,

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon