Lianne's pov
Mabilis natapos ang weekend, siguro ganun talaga pag nasa bahay ka lang at nagmumukmok hehe joke lang enjoy naman ako pagbabasa sa wattpad eh. Maganda yung story na My One and Only you and Love or Revenge ni author basahin nyo. Haha Kaya nga di boring ang weekend ko eh.
Intramurals ngayon kaya naman nakajeans lang ako at white t-shirt eto ang attire naming business course eh. Naglalakad ako papuntang tambayan ,ewan ko lang kung andun sila, alam ko kasi sumali lahat sila sa basketball ,magkasama syempre si insan at joel dahil parehas business ang course nila. Alam ko si Kurt is kulay blue para sa engineering. Si Lawrence naman is green IT ata sya eh.
"Hi Li" napalingon ako sa tumawag sakin bago pa ko makarating sa tambayan nila.
"Hi Joe, aba hindi ka mukang totoy sa jersey mo ah" nakalapit na sya sakin kaya sabay na kami naglakad papuntang tambayan nila.
"Compliment ba yan ha?" Natatawang sabi nya. Ayaw nya kasi na tinitignan syang totoy pa. nagkibit balikat lang ako.
"So, anong una nyong makakalaban?" Nag isip sya at tska sumagot.
"Accountancy ata" mukang hindi pa sya sigurado. Nakarating kami na kumpleto sila plus Pauline pero wala si Irish. Kumpleto daw tapos may kulang haha. Bonak!
"Hi insan, galingan nyo ha,magchicheer ako ng bongga" natawa si Pauline sa sinabi ko. Napansin kong si Kurt ay hindi pa nakasuot ng jersey.
"Ikaw hindi ka lalaro?" Tumingin sya sakin at nagsalita.
"Mamaya pa ang laro namin" napatango nalang ako at bumaling kay Lawrence. Ang gwapo nya feeling ko panga sa kanya kuya ko. Ganun ang dating nya sakin.
"Ikaw lawrence ,sino makakalaban nyo?" Tumingin sya sakin at ngumiti. Showing his perfect smile.
"Hindi ko alam eh" nyek! Kung makangiti akala ko naman may alam eh. May pagkakengkoy din pala sya ha. Natawa tuloy ako sa kanya.
Nagpaalam na sina insan na pupunta na sila ng gym at sumama din si Lawrence kaya kami ni Kurt ang naiwan dito.
"So, nakita mo na ba si Irish? " umiling nman sya habang nakatingin sa malayo.
"Ok ganito, ituloy mo lang ang pakikipag usap sa kanya and maging gentleman ka, be sweet kahit sa text messeges man lang, may number naman siguro nya noh. Wag na muna yung bibigyan mo sya ng flowers or anything tsaka na yun pag close na kayo" napatingin sya sakin habang nagsasalita ako.
"Grabe ang dami mong sinabi" napairap ako sa sinabi nya, oo nga ang dami kong sinabi, pero seriously? Yun lang ang isasagot nya sakin? Hindi man lang sumang ayon o ano? tsk! Sabagay si Kurt yan eh. Iba talaga sya.
"Tara na nga,samahan mo nalang ako manuod ng laro" sabay hatak ko sa kanya, nagrereklamo pa sya pero nung nakita naming papunta sa gym si Irish, ayon sumama na din sya.
Naupo kami sa inupuan ni Irish, na ako ang nagpilit kasi ayaw ni Kurt, psh! Umariba na naman ang pagkatorpe nya. Pinaupo ko sya sa tabi ni Irish. Siniko ko si Kurt para kausapin nya si Irish para naman may mangyaring development noh. Buti naman nakisama sya.
"Ahm maglalaro ako mamaya ,manuod ka ha"sabi ni Kurt kay Irish habang nakatingin dito. wow naman! Ang galing ah akala ko magtatanong lang sya eh pero hindi nya ginawa inaya pa nya. Galing!
"Kahit hindi mo sabihin manunuod ako" nakangiting sabi ni Irish.
"Really? That's good to hear" narinig kong sabi ni Kurt.
Nagstart na ang game kaya naman todo sigaw ako para kina Joel and insan. Naalala ko tuloy tuwing may liga sa barangay namin lagi ako sinasama ng mga kaibigan ko pag yung lugar na namin ang may laro kasi talagang ang lakas ko sumigaw.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa