chapter 44

4 0 0
                                    

Lianne's pov

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi kaya eto ako ngayon nagmamadaling pumasok nalate kasi ako ng gising. Nagising ako lobat ang phone ko kaya hanggang ngayon hindi ko pa din nachacharge.

Buti nalang nung dumating ako sa room saktong dating din ng prof. Namin kaya hindi ako nalate. Busy lang ako pakikinig hanggang sa matapos ang ilang subject. Break time na balak kong sa library nalang tumambay hanggang matapos ang break time. Ayoko kasing makita si Kurt. Kaylangan ko na syang layuan dahil kay Irish. Sila naman talaga di ba? Pumasok ako sa eksena kaya ayan nagulo sila .

Nagtinginan ang mga kaklase ko sa labas ng room kaya napatingin din ako. Kung minamalas ka nga naman nandoon si Kurt sa tapat ng pinto. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas.

"Bakit ka nandito?" Casual na sabi ko.

"Paano hindi mo sinasagot ang mga text ko.,hindi rin kita macontact akala ko kung napano kana. " nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Lobat kasi phone ko..hindi ko naicharge" iyon lang ang sinabi at lumakad na ako. Sumabay naman sya sakin. Tahimik lang syang nakatingin sakin.

"May problema ba?" Tanong nya. Palabas na kami ng building ngayon.

"Wala" sabi ko lang ng hindi sya tinitignan.

"Oh eh bakit hindi mo ko tinitignan? Totoo bang lobat ang phone mo? Baka naman nagsisinungaling ka" napakunot ang noo ko sa kanya. Bahala na kung kakagat sya sa gaagwin ko.

"Teka nga Kurt..ano ba kita? Hindi naman kita boyfriend di ba? Bakit kaylangan alam mo lahat sakin? Si Irish ang nililigawan mo kaya dapat sya ang ginaganyan mo.." nagulat si Kurt sa reaksyon ko at sa mga sinabi. Lumakad na ulit ako. sobra ang kaba ko pero kaylangan ko itong gawin.

Hindi pa ako nakakalayo ng hablutin ni Kurt ang braso ko at iharap ako sa kanya.

"ano bang problema? Bakit ka ganyan? Okay naman tayo di ba?" Nagtatakang tanong nya. Umiwas ako ng tingin at pumikit ng mariin, ito lang ang paraang alam ko ng matigil na kung anong meron kami.

"Hindi tayo okay..tigilan mo na ito Kurt..kasi hindi naman kita mahal.tsaka ang alam ko boyfriend kana ni Irish..ano ito pinaglalaruan mo kaming dalawa? Tigilan mo na ako pwede?" Dahan dahang natanggal ang kamay nya sa braso ko. Nagugulauhan ang muka ni kurt.

Tumalikod na ako bago pa makita ni Kurt na naiiyak na ako.

Gawa gawa ko lang yun. Hindi pa sya boyfriend ni Irish pero alam kong sasagutin na sya ni Irish. Kung hindi ngayonG araw baka bukas. nagsimulang pumatak ng huLa ko. Masakit. Mahirap makita na ganun si Kurt. Alam kong nasaktan ko sya sa sinabi ko, pero ako din naman nasasaktan. Sila naman dapat ni Irish eh. Kaya tama lang itong ginagawa ko.

Nabalik lang ako sa sarili ko ng may mabunggo ako.

"S-Sorry" sabi ko ng hindi tumitingin. Naglakad na ulit ako pero may humawak sa braso ko.

"Li..umiiyak ka ba?" Napatingin ako sa kanya. Lalo akong naiyak ng makita ko sya. Agad nya akong niyakap.

"Shit! Ano bang nangyare ha? Bakit ka umiiyak?" Matapos kong umiyak. Pinaupo ako ni Jeol sa isang bench. Tahimik lang syang nakatingin sakin nag aantay siguro na magsalita ako.

"Joel ang sakit.."sabi Ko tapos naiyak na naman ako. Tahimik lang sya habang hinahagod ang likod ko.

Naikwento ko ang nangyare, nahihiya nga ako kay Joel dahil alam ko naman na may gusto sya sakin tapos sa kanya ko sinasabi ang ganito.

"Hindi ko masabi kung tama ba ang ginawa mo..pero kasi si Kurt na ang nagdesisyon na ikaw ang pinili sa inyo ni Irish. Kaya wala ng magagawa si Irish doon. Isa pa nililigawan palang naman ni Kurt si Irish ah."

"Pero babae ako at nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Irish. Sinabi nya din sakin na sasagutin na nya si Kurt pero anong ginawa ko lumapit pa din ako kay Kurt and worst umamin ako kaya naguluhan si Kurt. "

"Matagal ng naguguluhan si Kurt..pansin ko din na matagal na syang may gusto sayo hindi nya lang napupuna dahil si Irish lang ang alam nyang gusto nya..lalaki ako kaya pansin ko yun." paliwanag ni Joel. Di ba best friend nya si Irish? Pero bakit parang si Kurt ang pinapanigan nya?

"Pero paano si Irish?"

"Hindi ko alam..kung lalaban pa din sya tingin ko mas masasaktan sya kasi hindi na sya ang mahal ni Kurt ..kung ako sa kanya susuko nalang ako." Napatingin ako kay Joel ..

"Ako may kasalanan kaya dapat ako ang umayos nito."

"Tingin mo naayos mo ba? Masaya ba sila? Masaya ka ba? Hindi di ba? Pareparehas lang kayong nasasaktan. "

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ..kung papakinggan ko si Joel mukang tama sya .pero si Irish paano nalang sya? Kaya ba ng konsenya ko na lagi syang nakikitang nasasaktan..si Kurt? Alam kong nasasaktan din sya pero lalaki sya kaya nya naman sigurong ihandle ito di ba? Siguro hindi ngayon ang panahon para saming dalawa. Kung kami talaga mangyayari at mangayayari yun. Malay nyo si Irish pa mismo ang gumwa ng paraan para samin ni Kurt.

"Salamat joel at sorry rin..alam kong" hindi na nya ako pinatapos nagsalita na sya agad.

"Ssshhh! Okay lang yun..nandito ako bilang kaibigan at masaya na ako doon." Niyakap ko si Joel bilang pasasalamat.

Napakabait nya talaga. Alam kong kahit konti nasasaktan sya pero nandito pa din sya sa tabi ko.
.
.
.
.
.
Buong araw para akong zombie, tulala ako sa klase ni hindi ko naiintidihan ang mga tinuro. Hindi ko nga namalayan na tapos an pala ang klase. Naglalakad na ako ngayon palabas ng campus. Hindi ko na nakita si Kurt . Ano kayang ginagawa nya ngayon? Pumasok kaya sya?

Pagdating ko sa bahay agad kong naicharge ang phone ko. Binuhay ko iyon at binasa ang mga text ni Kurt. Naiyak nalang ako habang binabasa ang mga iyon.

* ang daya mo ha, nagpapamiss ka ba kaya hindi ka nagrereply? *

*Ok na panalo kana .namimiss na kita.,kaya magreply kana *

* i love you! :* *

*Hey! Bakit hindi kita macontact? Pinapakaba mo ako ah *

* grabe natiis mo talaga ko? :( ang daya mo. Bakit ikaw hindi ko matiis? *

Ilan lang yan sa nabasa kong text nya. Kaya ko nga ba syang tiisin? Siguro, nagawa ko nga syang saktan eh. Bakit ba kasi nagdesisyon ako ng sakin? Dapat kasi tinanong ko muna kung anong gusto nya hindi ba? Pero bakit pa ? syempre ako ang pipiliin nya kasi ako ang kaharap nya. aish! Nakakainis ka Lianne. Napakanega mo!

Pumunta ako sa bintana ng kwarto nakatingala sa mga bituin. Naalala ko yung nasa amusement park kami ni Kurt. Napakasaya namin noon tapos ngayon sinasaktan ko sya. Hindi ko tuloy alam kung mahal ko ba talaga sya? Bakit nakakaya kong saktan sya? kung talagang mahal ko sya hindi ko hahayaan na masaktan sya.

Napatingin ako sa kotseng tumigil sa tapat ng bahay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong kay Kurt ang kotse yung. Inantay ko syang lumabas ng kotse pero wala. Hindi sya lumabas ano kayang iniisip nya? Nakikita nya kaya ako? Kaya ayaw nyang bumaba? Galit kaya sya sakin?

Naiiyak ako kaya timalikod na ako at umalis sa bintana. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog na ako.

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon