chapter 14

8 0 0
                                    

Lianne's pov

Siguro muka kong zombie ngayon dahil sa eyebags ko napuyat kasi ako kaya eto ang sakit ng ulo ko. Tsk! Wala na naman ako maiintindihan nito.

Nakareceive ako ng text galing kay Kurt, pinapapunta nya ako sa tambayan nya. Pero dahil may klase pa ako, mamaya nalang. Siguradong malakas ang hangin sa tamabayn nya, makaidlip nga doon.

Humikab hikab pa ako habang nagtuturo ang prof. Namin, wala talaga akong maintindihan kahit pagsusulat ng notes ay hindi ko magawa, tinatamad ako at gusto ko lang tumungo kaso baka mahuli ako kaya nakapangalumbaba nalang ako hanggang matapos ang klase.

Dali dali akong lumabas ng room, hindi naman ako matutulog dyan dahil maingay sila. Pumunta na ako sa tambayan ni Kurt.

"Bakit ang tagal mo?" Yan agad ang tanong nya sakin. Umupo naman ako sa tabi nya.

"Bakit ba kasi nagmamadali ka?"

"magkwekwento nga kasi ako..." napasapo naman ako ng noo ko sa sinabi nya. Napakamot pa ako ng ulo.

"Jusko Kurt! Ano na naman ? tungkol sa nangyare sa inyo kahapon ni Irish?" Napangiti naman sya, napairap na lang ako.

"Oo...ganito kasi yun.." hindi ko na sya pinatapos, alam ko na ikwekwento nya eh.

"Na ano nagmoment kayong dalawa? Hello Kurt, unli ka ba? Naikwento mo na yan sakin kagabi..tapos ano ikwekwento mo ulit? Di makamove on ganun?" Nakakaloka na po sya..naikwento na nga nya sakin kagabi over the phone yung nangyare pagpapakanta sa kanya ni Irish at ang paghampas sa kanya ni Irish. Kaya nga po ako puyat dahil sa lalaking yan. Hindi ko alam kung nakailang kwento sya sakin kagabi, paulit ulit talaga, naririndi na ako.

Kung hindi lang ako nag enjoy pang aasar sa kanya ay hindi ako magpapakapuyat pakikipag usap sa kanya. Paano ba naman daig pa nya ang babae kung kiligin, di talaga makamove on! Nakatulugan ko na ata ang pag uusap namin kagabi, hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Mas maaga pa namn ang klase ko sa kanya, kaya eto puyat ako.

"Palibhasa hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko" napatingin ako sa kanya tsaka umirap.

"Masakit ang ulo ko Kurt..kaya pwede mamaya ko na proproblemahin yung nararamdaman mo na hindi ko nararamdaman ...ok?" Sabi ko tsaka ako humiga sa damo. Iidlip muna siguro ako.

Ang hapdi ng mata ko tsaka ang sakit ng ulo ko .bwisit kasi si Kurt eh.

"Oi,ano sa tingin mo? Manligaw na kaya ako kay Irish?" Hindi ko sinagot si Kurt ..gusto ko talaga matulog eh,kahit saglit lang.

"Hey..ano na?" Aish!

"Psh! Kurt naman eh..manahimik ka muna pwede?" Pero hindi nya ako pinansin at nagtanong na naman.

"Ano ligawan ko na ba? " napairap ako tsaka ko kinuha ang mga gamit ko. Manliligaw? Eh hindi naman sya umamin kay Irish eh, kinantahan nya lang! Aish! Sasapakin ko na itong lalaking to eh!

"Tsk! Mamaya na pwede? Hindi nagpafunction ang utak ko eh" tsaka ako umalis. Buti at hindi nya ako pinigilan.

Dumiretso nalang ako sa klase ko.

.

.

.

.

.

Nung lunch break sabay sabay kaming kumain then tumambay sina insan sa tambayan nila kaya naman nandito kaming lahat nagchichikahan.

"Oh Li,bakit ganyan itsura mo? Muka kang puyat?" Nakapangalumbaba ako ng mapansin ako ni Joel.

"Puyat nga ako"

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon