chapter 27

5 0 0
                                    

Lianne's pov

Isang buwan ang lumipas . Ayos naman ang lahat si Kurt tuloy pa din panliligaw kay Irish. Wala kong masyadong alam sa nangyayare sa dalawa kasi hindi naman nagkwekwento si Kurt pag magkasama kami. Nagkukulitan lang kami minsan, pero tinutulungan ko pa din sya panliligaw. Tingin ko naman may development eh. Kasi sweet na silang dalawa hindi na katulad dati na nagkakailangan pa. Si Irish naman kasi parang normal na makipag usap kay Lawrence. Pakiramdam ko nga nakamove on na ito.

Si Joel naman at ako., ayun madalas magkasama pero sabi nya hindi daw sya nanliligaw. Ayaw daw ni Insan eh.yeah alam na ni insan sinabi ni Joel at nagsabi sya na manliligaw sya pero ayaw nga daw ni insan. Ewan ko kung bakit .

Nung isang araw nagexam na kami para sa finals . Ayos naman ang mga sagot ko . Confident ako na mataas ang makukuha ko. At sa statistic naman kinakabahan na naman ako. Altough nireview ako ng maigi ni Kurt. Kaso yung lumabas sa exam ay coverage nun is mula umpisa hanggang dulo.kaya kinakabahan ako.

"Lord! Ikaw na po bahala ..nananalig ako sayo" bulong ko. Isa nalang ang hinihintay kong result ng exam statistics nalang.

Wala pa din ang papel ko .dalawa nalang ang lawak ni Ma'am oh my god! Yung mga kaklase ko nagdidiwang na, yung iba naman mga nakasimangot. Ako kaya ano sa dalawa?

"Ok..quite! Dalawa nalang ang hawak kong papel . Ang highest and lowest" oh noh! Si Ma'am naman may ganun pa lalo tuloy akong kinabahan.

Pinapunta kami sa harapan yung wala pang papel. Tsaka inabot samin yun. Dahan dahan kong tinignan ang score ko.

"Oh my god!" Natawa si Ma'am sa reaction ko.

"Congratulation again Miss Andrada..highest ka na naman" nagpalakpakan ang mga kaklase ko . Nagthank you naman ako ng ngthank you.

Hindi ako makapaniwala, highest pa ako? Ang lakas ko naman sayo Lord! Hihi!

Masaya akong lumabas ng room namin. Kagat kagat ko ang ibabang labi ko habang papunta ako sa tambayan ni Kurt. Sa kanya ko to gusto unang ibalita kasi sya ang tutor ko.

"Kurt!" Tawag ko sa kanya ng makita ko syang nakasandal sa puno , pero hindi sya lumingon. Tulog kaya yun? O badtrip?

Nang mejo malapit na ako sa kanya nakita kong nakaheadset pala sya. Kaya pala di ako narinig. Alam ko na. Nagdahandahan ko palapit sa kanya tsaka ako tumalon papunta sa harap nya.

"Bulaga!"

"Shit!" Akala ko nakapikit ang loko, yung pala nakatulala kaya ayun Pfft! Haha nagulat sya napaayos nga ng upo eh. Tawa tuloy ako ng tawa.

"Tss! " sabi nya yan tsaka ako inirapan.

"Wag ka mag alala..gwapo ka pa din naman kahit nagulat kana" natatawang kong sabi. Natawa na din pati sya.

"So..anong meron bakit good mood ka ata?" sabi nya habang inaalis tinatabi ang headset nya.Pinakita ko ang test paper ko sa kanya. Kinuha nya iyon tsaka ako sumiksik sa kanya.

"Ang galing ko noh? Tignan mo! 95 ang nakuha ko.." then i giggled.

"95 nga eh ..lima mali? Anong magaling doon?" Hala. Mataas na kaya yun.

"Ako nga highest eh...ang coverage kaya nyan mula umpisa hanggang huli..." natango naman sya..muakng naconvice ko naman sya.

"Ok fine..congrats!" Sabay balik nya ng testpaper. Dahil sa tuwa ko sumigaw ako ng malakas. Kanina ko pa kaya gusto sumigaw sa tuwa.

"Kyaaaaaaah!...aw!" Tili ko pero pinitik ni Kurt ang noo ko.

"Wag ka nga basta basta sisigaw" naiinis na sabi nya, habang nakatakip sa tenga nya.

"Bakit nagulat ka?" Pinitik na naman nya ang noo ko. Aish! Ang sakit kaya.

"Malamang! Ang lakas kaya ng sigaw mo..kalapit mo lang ako!" Naiinis na sabi nya. Pero teka nakakadalawa na sya ng pitik ha ang sakit kaya. Pag ako pumitik, tanggal noo nya! Mwhahaha!

"Psh! Arte ah...halika na..ililibre mo pa ako" sabi ko at hihilahin na sana sya kaso iniwas ang kamay nya.

" muka mo! Ako dapat ang nililibre mo" Ang kuripot talaga.

"grabe ka..ikaw kaya nilibre ko nung midterm dapat ngayon ilibre mo naman ako"

"Tss! Hindi mo kaya ako nilibre noon..pinilit lang kita" aish! Ang daaming palusot.

"Kuripot!" Aw! Pinitik na naman ang noo ko.

"Ano ba! Nakakatatlo kana ha!" Sabi ko tsaka ko akmang pipitikin ang noo nya.

"Oops! Not so fast" ugh! Nahuli nya agad kamay ko.

"Aish! Humanda ka sakin..pupula yang noo mo sa pitik ko" tsaka ako lumapit lalo sa kanya. Hindi ko sya titigilan hanggang hindi ako nakakbawi. Ilag sya ng ilag kaya naman lalo akong nanggigil na makapitik sa kanya. Dahil sa kakailag nya napahiga sya. Hah! Humanda sya ngayon.

"Tss! Tumigil kana..hindi mo ko mababawian" sabi nya habang hinahawakan ang magkabila kong wrist.

"Muka mo! Akala mo ba hindi masakit yung pitik mo?" Natawa sya sa tanong ko ng tumingin sya sa noo ko. Namumula siguro.

"Ang hina lang kaya nun" palusot nya. Anong mahina, ako kaya nakakaramdam, masakit nga eh!

"Anong mahina! Hindi kaya! Humanda ka..hindi ako titigil hanggat...." agad akong napatigil dahil sa nangyare. Parehas nanlaki ang mata namin dalawa. Hindi ako makakilos feeling ko tumigil ang oras.

Paano ba naman habang sinasabi ko yun..hawak ni Kurt ang wrist ko magkabila .para kaming nagbubunuang dalawa pero dahil nga nakahiga sya at nasa ibabaw ako. Nakawala yung isang kong kamay sa pagkakahawak nya tapos nung pipitikin ko na binitawan din ni Kurt yung isa kong kamay na hawak nya kaya wala ng sumusuporta sakin kaya ang landing...nagkahalikan kami.

Hindi ko alam kung ilang segundo na walang kumikilos samin kaya ganun pa din ang posisyon namin. Nung nabalik ako sa sarili ko. Agad agad akong tumayo. Hindi ako makatingin kay Kurt. Nakakahiya!

"Sige una na ako" sabi ko sabay ligpit ng mga gamit ko. Grabe ang kabog ng dibdib ko feeling ko gusto nyang kumawala sa katawan ko.

Tumakbo ako paalis doon..dumiresto ako sa cr at tinignan ang sarili ko sa salamin. Agad kong hinawakan ang labi ko. Ang first kiss ko...wala na! Pulang pula ang muka ko. Nakakahiya naman kasi yung nangyare eh. Aish!

Lumabas na ako ng cr nang kumalma na ang puso ko tsaka nung nawala na ang pamumula ng muka ko.

"Hi Cookie" nakasalubong ko si Joel.

"Hi din Cookie"

"Ayos ka lang ba?" Kinabahan na namman ako sa tanong ni Joel

.hala! Bakit kaya? Alam ba nya? Imposible.

"Huh?"

"Para kasing namumula ka..nilalagnat ka ba?" Namumula na namaan ba ako?

"Ah hindi noh..galing kasi akong initan." Tumango lang sya tapos niyaya na nya akong kumain.

Paano na mamaya? Paano ko haharapin si Kurt?

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon