chapter 3

21 1 0
                                    

Lianne's pov

"class dismissed" sabi ng prof. Namin na adviser na din,. Palabas na sana ako ng tawagin nya ako.

"Miss Andrada, follow me" sabi nya at nauna ng lumakad palabas ng room, kaya ako naman sumunod na.

Nang makarating kami sa faculty pinaupo nya ko. Tapos tinignan nya ko ng seryoso.

"Bakit po Ma'am?"kinabahan ako sa paraan ng tingin nya. Isa na naman ba itong problema?

"Kinausap ako ng prof. Mo sa statistics at sabi nya mababa na naman daw ang nakuha mong quiz. " napabuntong hininga ako. Alam ko naman yun, ginawa ko naman ang makakaya ko para makakuha ng mas mataas na score pero wala pa din.

"Di ba sabi ko sayo, delikado ang scholarship mo once na bumagsak ka sa subject na ito, prerequisite pa naman ito ng thesis. "

"Ginagawan ko na po ng paraan Ma'am, babawi po talaga ako this midterm" ngumiti naman sya ng kaunti.

"Good, ok you can go now" tumango ako at ngumiti sa kanya then umalis na ko.

Nandito ako ngayon sa tamabayan nila insan kumpleto ang tropa nya plus si Pauline and Irish. Kalapit ko si Kurt ngayon ,habang si Joel naman kakaiba ang tingin sakin. Problema nun?

"Oi Lianne, sinasabi ko sayo ,makisakay kalang sa plano ha" bulong ni Kurt sakin, umirap naman ako.

Hindi naman ganito ang kapalit na inaasahan ko, ang plano ko tutulungan ko syang mapalapit kay Irish, not this, na parang nagpapanggap kami na may relasyon something. Ugh!

"Sinasabi ko sayo Kurt, walang mangyayare sa plano mo. Let me handle this" sabi ko sa kanya,. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Wala kong tiwala sayo" pang asar talaga tong lalaking to!

"Ehem!" Napatingin kami ni Kurt kay insan ng umubo ito ng peke, nakita namin na nakatingin silang lahat samin. Ngumiti naman ako ng peke.

"So insan, pumayag na si Kurt na turuan ka?" Dali dali naman akong tumango.

"Solve na problema ko,galing ko noh?" Actually hindi pa naman, hindi pa nga ko natuturuan nito eh,paano nalang pag nagbago ang isip nya? Tsk!

"That's good. Thanks dude" sabi ni insan kay Kurt ,si Kurt naman tumango lang.

Nagpaalam na sina Lawrence at Insan dahil may klase pa sila, sumabay naman si Pauline sa kanila. Okay! Kami nalang ang naiwan.

"Ah, Joel tara samahan mo ko" sabi ko then hinatak ko na sya patayo. Nagtataka naman sya sa inasal ko. Nakita kong nakatingin si Kurt sakin. Nginuso ko naman sa kanya si Irish. Kumunot ang noo nya at napanguso. Pfft! Natawa tuloy ako, ang cute nya ! Muka syang nawawalang bata.

"Teka san tayo pupunta?" Tanong ni Joel.

"Nagugutom na ako, dali na" tsaka ko sya tinulak. Ngumuso ulit ako kay Kurt papunta kay Irish. Sana naman magets nya na gumawa na sya ng move.

Umalis na kami ng tuluyan ni Joel, at pumunta kami ng canteen.

"Anong gusto mo? Libre ko" nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti naman sya pero tumayo. Huh? San punta nito?

"Wag na, ako na just wait here" tatawagin ko sana sya para pigilan kaso nakaalis na sya. Bahala na nga.

Bumalik sya na ngiting ngiti at madaming dalang pagkain.

"Thanks Joel, iba ka talaga" sabi ko at hinampas pa ng pabiro ang braso nya. Natawa naman sya.

"Wala yun, kain na" kumain na kami na may kasamang kwentuhan. He's really nice, kaya pala naging mag bestfriend sila ni Irish. Ibang klase sya mag alaga.

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon