Lianne's pov
Natapos na lahat ng exams ko. Alam nyo bang sa stat. ako kinabahan sa lahat ng subject pero nung nakita ko na yung exam confident ako sa mga sagot ko. Paano ba naman halos lahat ng tinuro ni Kurt sakin nagamit ko sa exam, nakakatuwa di ba? Excited na ako at the same time kinakabahan din, Ngayon na malalaman ang score sa lahat ng subject.
Naghihintay na ako ngayon sa statistics subject. Yung iba kong subject pasado lahat yung iba perfect pa. Isa nalang makakahinga na ako ng maluwag.
"Miss Andrada" tawag sakin ng adviser namin. Kabado akong pumunta sa harapan para kunin ang test paper.
"Congrats!" Napatingin ako sa kanya ng sinabi nya yun. Tapos agad akong tumingin sa test paper ko. 98? Whoah! Higit pa ito sa inaasahan ko.
"Thank you po!" Ngiting ngiti akong umupo sa upuan ko. Gusto kong magsisigaw kaso hindi ko magawa. Irereserve ko na muna mamaya.
"Congratulations Miss Andrada for being the highest" nagpalakpakan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Ma'am. Yay! Sobra naman ata ito.
Matapos ang klase ..nagtatakbo akong pumunta sa tambayan kaso wala sina insan doon. Kaya naisipan kong pumunta sa tambayan ni Kurt. At nandoon sya nakahiga sa damo, habang nakatakip ang braso sa mga mata nya.
"Kuuuuuurt!" Sigaw ko habang nagtatakbo palapit sa kanya.
"Shit! Kitang natutulog ang tao eh" naiinis syang bumangon. Hindi ko iyon pinansin at masayang pa din lumapit sa kanya.
"Tignan mo dali...ang taas ng nakuha kong score!" Sabay pakita ko ng test paper sa harap mismo ng muka nya. Padabog nyang hinablot ito.
"Congrats! "Nakangiting sabi nya ako naman nagpigil ng hininga tapos tinakpan ko ang muka ko ng dalawa kong kamay tsaka ako tumili.
"Kanina ko pa yun gustong gawin eh" natatawang sabi ko. Nailing nalang si Kurt habang natatawa din.
"Para kang sira!" sabi nya pero hindi ko sya pinansin. Kinuha ko ang testpaper sa kanya at tinitigan yun.
"Sinunod ko lahat ng tinuro mo...pag may nakakalimutan nga ako..parang bigla kang nagpapop sa utak ko then natatandaan ko na .." nakangiting sabi ko ganun kasi ang nangyare nung nag eexam ako.
Tinitigan nya ako tapos biglang umiwas ng tingin.
"Really? Ayos ah" di makapaniwalang sabi nya.
"bakit hindi ba ako ganun sayo? Yung mga bilin ko kay Irish hindi mo naaalala?" Tumingin sya sa malayo at parang may inaalala.
"Huy!" Sundot ko sa kanya. Hindi na kasi nagsalita.
"Tara na..ililibre mo pa ako" Sabi nya habang tumatayo at nagpagpag ng mga damo na dumikit sa damit nya.hala ang daya nya ah.
"Akala ko ba pag iisipan mo pa kung ililibre mo ko? Ibig sabihin ba hindi mo ako ililibre?" Sabi ko habang sinisilip ang muka nya.
"Yup!"
"Napakadaya mo talaga..kuripot!" Naglalakad na kami ngayon papuntang canteen.
"I'm not"
"Oo kaya"
"Cookie!" Napalingon kami ni Kurt kay Joel na humahabol samin.
"Hi Cookie." Bati ko kay joel.
"Ang ganda ng ngiti ah..so ano? Ililibre mo na ba ako? Pasado ka ba?" Tinignan ko sya ng nakangisi tapos tumango ako.
"Tenen! Ang galing ko noh!" Sabay pakita ko ng test paper ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko kasi nangingiti na naman ako ng malawak.
"Wow! Congrats! For sure ang laking hatak nito sa grade mo" nakangiting sabi ni Joel.
"Oo nga eh.. so tara na dali." Naglakad ako paliko hindi ko sya sa canteen ililibre. Mahal doon mauubos pera ko.
"Ehem!" Tikhim ni Kurt. Hala nakalimutan ko sya.
"Ah Kurt..andyan ka pala haha..ano na halika na!" inirapan nya ako sa sinabi ko. Problema nito? Akala ko ba good mood na sya?
"Ililibre mo din sya? Tara dude! Uubusin natin pera nito" sabi ni Joel.
"Ayoko kayo nalang.. tinatamad na ako" tsaka sya umalis. Anyare? May topak. Nagkatinginan lang kami sa inasal ni Kurt.
"Tara na?" Tanong ni Joel sakin. Tumango ako at naglakad na kami.
Katulad ng ginawa ko kay Kurt..hindi ko din sya pinagdala ng kotse ng jeep kami.. pero iba itong si Joel nangingiti pa sya sa nangyayare..mukang gusto nya talaga na makasakay sa ganito. Samantalang si Kurt buong byahe namin nakasimangot. Pfft. Naalala ko yung muka nya nun.
"Bakit ka nakangiti?" Tanong sakin ni Joel hindi ko napansin na nakangiti na pala ako.
"Wala..may naalala lang ako"
Nang dumating kami sa seaside. Agad na pumunta si Joel sa mga stall.
"Ito ililibre mo sakin?" Tanong nya.
"Oo .,ayaw mo ba?"
"Hindi noh..humanda ka..mauubos pera mo sakin" nakangising sabi nya. Oh noh! Mukang mapapasubo ako nito ah.
Nag order ako ng madami para kay Joel . Binigyan ko din sya ng teripilya. Ito ang pinaka favorite ko dito eh. Ang sarap kasi lalo ng yung sauce the best!
"Ito tikman mo..isaw yan ng baboy" ibabot ko sa kanya ang isang stick tsaka yung sawsawan. Nakatingin lang ako sa kanya habang nginunguya nya yun.
"Whoah! Ansarap nito..bili pa tayo dali"
Mukang masamang idea ata na pinatikim ko si Joel nun.. kasi naman naubos ang pera ko dahil sa kanya..uiyon kaya ang pinakamahal tapos nakailan sya.. god! Hindi ko na ulit sya ililibre!
"Hindi ka naman gutom noh Cookie" sarcastic na sabi ko. Natawa naman sya .
"Oo nga eh..ikaw busog kana? Pwede akin nalang yan?" Turo nya sa hawak kong pagkain. Napailing nalang ako at natawa sa katakawan nya.
"sumakit sana tiyan mo!"
"Oi wag naman..ikaw talaga cookie" sabay pisil nya sa pisngi ko.
Matapos namin kumain..nagpahinga kami saglit then picture picture. Tsaka kami bumalik ng school. Hinatid nya ako sa bahay .
"Thank you sa libre cookie..and congrats ulit!"
"Wag ka mag alala hindi na mauulit ang panlilibre ko sayo..inubos mo pera ko eh" nagtawanan kami sa labas ng gate. Then pumasok na din ako.
grabe! Ang saya saya ng araw na ito..sabi masama daw yun..kasi pag napakasaya mo kapalit noon ay lungkot.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa