chapter 25

4 0 0
                                    

Lianne's pov

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Nag ayos muna ako at naligo bago bumaba,pero pipihitin ko palang ang doorknob ng may kumatok dito. hindi ako agad yun binuksan kasi baka si Kurt yun. Hindi ko kasi alam kung papano sya haharapin. Nahimasmasan na kasi ako at nahihiya ako sa inakto ko kanina.

"Li gising na..di ka pa kumakain" narinig ko ang boses ni Joel sa labas ng pinto .kaya naman binuksan ko na iyon.

"Sa wakas..inaantay mo lang ata talaga ako eh" natawa ako sa sinabi nya tapos bumaba na kami sa kusina. Napansin ko naman na walang kataotao. Parang kaninang umaga lang.

"Asan sila? Bakit parang tayo lang ang tao?" Umupo sya sa tapat ko bago sumagot.

"Mga naglalaboy..di ba babalik na tayo mamaya." Napatango naman ako. Hala wala pa akong nabibiling pasalubong.

"Eh ikaw .,..bakit nandito ka pa?"

"Ah...tinatamad ako kanina wala kasi ako kasama..eh ngayong gising kana may kasama na ako" nakangiting sabi nya,nangiti din naman ako.

"Sino may sabing sasamahan kita?"

"Ganun? So wala kang balak lumabas?" Mejo malungkot na sabi nya natawa naman ako.

"pfft! Joke lang..ako pa ba palalagpasin ang pagkakataon? Di noh! "

"Buti naman at nasa mood kana" natigilan ako pagtawa dahil sa sinabi nya.

"Sorry nga pala kanina"

"Ano ka ba..wala yun"

Matapos kong kumain.nagbihis na kami ni Joel tapos umalis na din kami sandali nalang ang oras namin kasi kaylangan namin dumalik ng 6 pm,,kaya naman sa souvenir shop na nalang kami pumunta.

"Ang dami nyan ah" puna ni Joel sa mga binili ko.

"Para ito kina manang tapos ito naman kina Anie then ito kina Nanay at Tatay" napatingin sakin si Joel ng sabihin ko yun. Si Anie ay kababata ko. Balak ko kasi umuwi sa amin eh.

"Uuwi ka sa inyo?" Tanong nya tumango naman ako. Pabalik na kami ngayon ng bahay.

"Oo. Pero hindi ko pa alam kung kelan..siguro sa sembreak" tumango naman sya .

"Pasalubong ha" napangiti nalang ako sa sinabi nya.

Pagdating namin sa bahay kumpleto na sina insan. Naghahapunan na din yung iba kaya naman kumain na din kami pagdating namin.

Tapos nag ayos na kami ng gamit para makauwi na.

Nauna akong matapos kaya bumaba na ako para pumunta sa van, dito ulit ako nakapwesto sa tabi ng bintana. Mayamaya lang sunod sunod na silang nagdatingan.

"Excited pumunta..excited din umuwi" sabi ni insan ng makita ako tinawanan ko lang sila ni Pauline. Tumabi sakin si Joel sa van, tapos si Kurt sa tabi nya si Irish, Lawrence at Venus naman sa likod namin. Tapos si Insan ang driver at si Pauline sa tabi nya.

Buong byahe tahimik lang kami mga napagod siguro. Una naming naihatid si Venus pero bumaba din si Lawrence .next is Irish then si Joel. Kaya naman nagkatabi na kami ni Kurt. Hindi ko pa sya nakakausap man lang mula kanina. Nahihiya tuloy ako.

"Ah Lianne" hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi nung tinawag ako ni Kurt.

"Hey"

"Bakit?" Sabi ko ng hindi tumingin sa kanya. Nagulat ako ng abutan nya ako ng stuff toy. Isang cute na kulay pink na teddy bear.

"Peace offering ko..sorry!" Nakatitig lang ako sa kanya .sya naman napaiwas ng tingin sa akin.

"Ayaw mo ba nito?..sorry hindi ko kasi alam kung paano ka susuyuin eh.." kinuha ko na yung teddy bear bago pa nya bawiin.

"Hindi naman sa ayaw ko nito noh..nagulat lang ako..simpleng sorry lang naman kasi ang gusto ko eh" tinignan nya lang ako ng parang hindi makapaniwala.

"Talaga?" Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

"Thank you dito..and sorry din"

"Para san?" Takang tanong nya.

"Sa inakto ko kanina" natatawang sabi ko. Nangiti na rin sya.

"So bati na tayo?" Humalakhak ako dahil sa tanong nya. May pagkaisip bata din pala itong si Kurt.

"Ano tayo bata? Bati ka dyan haha..ok na tayo"

"Oo nga noh" sabi nya habang nagkakamot ng ulo. Cute!

"Ang cute naman nito" sabi ko habang hinahaplos yung tenga ng bear.

"Talaga? "

"Oo..iingatan ko ito"

"Bakit?"

Hindi ko na sya nasagot kasi nagsalita na si insan na nakarating na kami sa bahay nina Kurt. Nagthank you lang sya kina insan then tumingin sya sakin tsaka bumaba ng van.

Iingatan ko itong bigay nya kasi ito ang kaunaunahang bagay na binigay nya sakin. Dapat pala bigyan ko din sya ng regalo.

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon