Lianne's pov
"Ano?!" Nagulat ako sa sigaw nya, bakit ba galit na galit sya?
"Bakit ka nagagalit?" Inirapan nya ako tsaka sumagot.
"Wala kana dun..bumalik kana doon" sabi nya at tumalikod na ulit pero pumunta ako sa harap nya bago pa sya magsimulang lumakad.
"Mag uusap na nga tayo eh..ano ba kasi gusto mo pag usapan?"
"Wala" sagot nya ng hindi nakatingin sakin.. sapakin ko kaya ito, wala daw?
"Ako ba pinagloloko mo? Sabi mo may pag uusapan tayo? Tapos ngayon sasabihin mo wala? Ano bang problema mo?!" Napatingin sya sakin, nakita ko ang galit doon.
"Ikaw!..ikaw ang problema ko..alam mo ang labo mo eh, hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan kung bakit kaylangan nating maging ganito..ok naman tayo di ba? Masaya tayo..tapos biglang ganun..iiwasan mo ako?" Galit na sabi nya, sobra ang kaba ko dahil sa pag uusap na ito, pero bahala na kung saan mapunta ito.
"Di ba sinabi ko na tapos na ang pagiging tutor mo sakin at tapos na din ang pagtulong ko sa.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi pinutol nya ako.
"Ganun nalang yun? Itatapon mo lahat ng pinagsamahan natin dahil lang tapos na ang pagiging tutor ko sayo? Hindi ako tanga Lianne..alam kong may iba pang dahilan sabihin mo sakin!" Sobra na ang kaba ko dahil sa mga sinabi nya. Sasabihin ko ba? Hindi ako makapag isip ng tama.
"Ano sabihin mo sakin..ano ang totoong dahilan?!"
"Fine! Kaya ko gustong lumayo sayo kasi...kasi" napaiwas ako ng tingin. Pero agad na hinawakan ni Kurt ang magkabila kong balikat.
"Kasi ano?" nakatinging sabi nya sa akin, sinalubong ko ang tingin nya pero agad din akong napapikit.
"Kasi...gusto na kita" lumuwag ang pagkakahawak ni Kurt sa braso ko hanggang sa matanggal ito. Feeling ko yun na rin ang sign. Pinipigilan kong umiyak pero hindi ko kaya may tumulong luha sa mata ko. Agad ko iyong pinunasan para hindi makita ni Kurt.
"Gusto kita Kurt..kaya nga lumalayo na ako kasi alam ko naman kung sinong gusto mo..alam kong wala akong mapapala kaya nga lalayo ako eh...pero wag ka mag alala, mawawala din naman itong nararamdaman ko sayo at pag nangyare yun, malay mo maging magbestfriend pa tayo, mahihingan mo ako ng tulong para isurprise si Irish sa mga date nyo...pero sa ngayon hindi ko pa kaya..sorry Kurt" tuloy tuloy na tumulo ang luha ko. Ngayon nalang ako ulit umiyak simula ng mamatay ang magulang ko. Ang sabi ko pa naman hindi na ako iiyak.
Tatalikod na sana ako para umalis kaso nagulat ako ng kabigin ako ni Kurt para yakapin. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko pati na rin ang tibok ng puso ni Kurt.
"Hindi pwede..hindi mo ako pwedeng layuan" sabi nya habang nakayakap sakin.
"Makasarili ka ba talaga? Bakit mo sinasabi yan? Masasaktan lang ako Kurt" humigpit ang yakap nya sakin. Napapikit nalang tuloy ako.
"Hindi ko alam kung bakit..pero ayokong lumayo ka..mahirap Lianne, nakakabaliw" napamulat ako sa sinabi nya. Ano bang pinagsasabi nito?
"Muka ngang nababaliw kana" sabi ko tsaka kumalas ng yakap sa kanya. Hindi pwede ito.
"Respetuhin mo ang desisyon ko Kurt..para sating dalawa din naman ito" sabi ko tsaka umalis na .tumakbo ako palayo, narinig kong tinawag nya pa ako pero hindi na ako lumingon sa kanya.
Nakita ko si Joel na nakaupo sa tabing daan, nagpunas muna ako ng luha bago lumapit sa kanya. Napatingin sya sakin tapos tumayo.
"Pasensya na natagalan..tara na?" Ngumiti sya tsaka tumango.
Nagsimula na kaming maglakad ni Joel tahimik lang kami. Buti nalang at hindi sya nagtanong tungkol sa naging usapan namin ni Kurt. Hindi ko kasi alam kung dapat nyang malaman yun.
Nakarating kami sa park na wala ng tao kami lang dalawa madilim na kasi. Umupo si Joel sa swing kaya naupo ako sa katabi noong swing. Tahimik lang si Joel kaya ako na ang nagsalita.
"Anong meron dito at bakit nagyaya ka?" Napatingin sya sakin saglit at binalik ulit at tingin sa harapan nya.
"Kanina kasi madaming nagtitinda dito mga street foods, dirty ice cream at madami pang iba..kaso wala na nag alisan na"
"Sorry..hindi natin naabutan dahil sakin." Tumingi ulit sya sakin at ngumiti.
"Ayos lang yun ano ka ba..madami pang araw na pwede tayong bumalik dito..oh kaya sa iba nalang tayo bumili" ngumiti ako tsaka tumango sa kanya.
"Salamat Joel"
"Para saan?"
"Kasi palagi kang nandyan..hindi mo alam malaking bagay ang nagagawa mo sa akin." Alangan syang ngumiti sa akin.
"Alam mo naman kung bakit lagi akong nasa tabi mo hindi ba?" Napalunok ako sa tanong nya, yeah. Alam ko dahil gusto nya ako. Pero paano yan may gusto akong iba? Parehas kami ng sitwasyon ni Joel. Kaya nasasaktan din ako para sa kanya.
"Wag kang mag alala..hindi ako mawawala sayo kahit anong mangyare" nakangitin lang kami sa isa't isa habbang sinasabi ni Joel yun. Kahit ba malaman nyang hindi ko sya gusto hindi pa din sya aalis sa tabi ko? Pero bakit ako umalis sa tabi ni Kurt dahil nasasaktan ako? Tama ba ang ginawa ko? Dapat ba magstay din ako sa tabi ni Kurt katulad ng ginagawa ni Joel sakin?
Hay! Bakit naman kasi ganito? Lord naman eh, ok naman na ako sa walang lovelife. Bakit naman binigyan nyo ako, tapos ganito pa? Nakakaloka kaya!
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa