Lianne's pov
Naghahanda na ako ngayon para sa birthday party ni Pauline. Si insan kanina pa bihis yun kinakabahan kasi sya haha sya kasi ang escort ni Pauline. Hindi naman sya debut pero bongga ang party mayaman kasi tsaka mahilig ata sa ganun ang parents nya.
"Insan matagal ka pa ba?" Narinig kong sabi ni insan sa labas ng pinto ng kwarto.
"Hindi insan..eto na palabas na ako" kinuha ko yung purse ko tsaka ako lumabas sabi kasi ni insan dapat may ganito daw ako hehe.
Nang lumabas ako ng kwarto wala na doon si insan mukang nasa baba na sya..pagkababa ko nakita ko syang nakatayo agad naman syang napatinngin sakin ng nasa baba na ako ng hagdan.
"Wow insan..nagmuka kang tao!" Natawa ako sa sinabi ni insan..totoo naman kasi pakiramdam ko kasi ngayon belong ako sa kanilang mayayaman dahil sa suot ko haha.
"Talaga insan? Haha salamat!"
"Joke lang...pero insan ang ganda mo, dalaga kana" nagpicture muna kami ni insan bago umalis.
Nang nasasakyan na kami tinatanong ni insan sakin ang ayos nya. Grabe ilang ulit syang tanong ng tanong.
"Magpropropose kaba insan kaya ka ganyan?" Biro ko sa kanya. Agad syang napatingin saakin ng tinanong ko yun.
"Hindi noh! Kahit na gusto ko ng mangyare yun..hindi pa pwede, masyadong mataas si Pauline kaya dapat inaangat ko muna ang sarili ko bago ko hingin ang kamay nya.."
"Pero hindi naman mahalaga kay Pauline ang ganoon di ba? Mahal na mahal ka kaya nun."
"Kay Pauline wala..pero sa pamilya nya meron" napatango nalang ako sa sinabi nya.
Nang makarating kami sa venue sobrang ganda noon..ang laki at madaming tao. Kinabahan tuloy ako .
"Let's go" sabi ni insan ng makababa kami ng kotse. Agad akong umangkla sa braso nya. Mahirap na baka matapilok ako kinakabahan kasi ako.
Kung kanina feeling ko belong na ako. Ngayon hindi na..walang wala ang suot ko sa suot ng mga tao dito. Grabe ang yaman pala talaga ni Pauline.
"Oh andun pala sila eh" napatingin ako kay insan nag may tinuro sya.
Sina Joel pala kumpleto na sila sa isang table. Kaya pumunta kami duon. Ang gwagwapo lalo nila at si Irish at Venus naman sobrang ganda.
"Hi guys!" Bati ni Insan sa kanila. Napatingin sila sa amin tsaka ngumiti.
"Antagal mo pre inaantay kana doon" nagpeace sign ako kay insan bago sya umalis. Nalate na pala kami.
"Dito kana Lianne/ Li" sabay na sabi ni Kurt at Joel. Napatingin tuloy ako sa kanila. Nakatayo pa din kasi ako.
Magkatapat kasi sila ni Kurt. Since katabi naman ni Kurt si Irish sa tabi nalang ako ni Joel umupo.
"You look lovely Lianne" sabi ni Lawrence sakin. Natawa naman ako.
"Thank you" sabi ko in mahinhin way natawa tuloy sila ni Venus.
"Ang ganda mo lalo Li..kaya pala ayaw mo ipakita sakin yung dress mo..surprise ganun?" Natawa ako sa sinabi ni Joel.
"Sira! Hindi noh..hindi ko lang alam na kaylangan ipakita sayo..di mo naman Kasi sinabi." nagtatawanan kami ni Joel ng hindi sinasadyang napatingin ako kay Kurt. Ang seryoso nya na nakatingin samin. Si Irish naman may kausap sa phone.
Ang gwapo nya sa suot nya ang lakas ng dating. Gusto ko syang titigan kaso nakatingin sya sakin at tsaka katabi nya si Irish. Umiwas nalang ako ng tingin at kinausap nalang si Joel.Maya maya nagstart na ang program.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa