chapter 49

0 0 0
                                    

Lianne's pov

Isang buwan ang lumipas  , okay na ang lahat. Si Irish pumayag na syang makipagbreak si Kurt, nung una hindi na sumasama sa pagtambay si Irish dahil siguro samin , si Joel ang laging kasama nya syempre hindi nya pababayaan ang bestfriend nya. pero ngayon nakakasama na namin sya kahit papaano,. Nakakapag usap na din kami.

Kami naman ni Kurt, ayun masaya naman kami. Mas makulit na nga si Kurt ngayon pero sa ibang tao suplado yan, lalo na sa babae.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin sa ilalim ng puno. Tambayan na namin ang tawag ko hindi na kay kUrt lang hehe . Nakahiga sya sa damo habang ako nakaupo at nakasandal sa puno.

"Lianne" mahinang tawag nya sakin.

"Hmm?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya, nakatingin ako sa mga dahon eh.

"Bakit mo ako nagustuhan?" Napatingin ako sa kanya ng tinanong nya yun. Nakatingin lang sya sa  langit.

"Ewan ko..basta ang alam ko bumibilis nalang ang tibok ng puso ko dahil sayo, tapos gusto na lagi kitang makita at makasama. Nakakatuwa nga eh tutor kita sa statistics pero mas itunuro mo pa yata sakin kung paano magmahal..so ikaw ay isang love tutor." Napatingin sya sakin ng nakangiti. Bigla syang napaupo at lumapit sakin.

"Alam mo bang ganun din ang nasa isip ko?"

"Huh? Paanong ganun?"

"You're my love tutor, kasi ipinaalam mo sa akin kung ano talaga ang pagmamahal. Hindi mo alam pero tunuruan mo akong mahalin ka. Nung una si Irish ang alam kong mahal ko , pero dumating ka at nalaman kong iba pala ang love sa gusto lang.." nakangiting sabi nya.

"Asus! Gayagaya kalang ata eh" kinurot nya ako sa pisngi.

"Hindi noh..basta mahal kita tandaan mo yan" nakangiti akong tumango sa kanya.

Dati SA isip ko Hindi ko Na ulit kayang sumaya mula ng mawala ang mga magulang ko, pero mula nuong pumasok ako SA buhay Nina pinsan at makilala ang mga kaibigan nya ay natuto Na ulit ako kung paano maging masaya. Lalo Na ng makilala ko si Kurt, binigyan nya ng panibagong kulay ang buhay ko, maging mas exciting ang bawat araw, at masasabi Kong maging mas matured din along mag isip. Sana lang maging matatag ang relasyon namin. Alan Kong bata PA kami ,marami PA kaming pagdadaanan, marami PA ang susubok SA relasyon namin pero kahit ano ang mangyare I will always love Kurt no matter what happen, kasi parte Na sya ng buhay ko.

"Kurt" tawag ko SA kanya.

"Hmmm?" nakangising tanong nya tapos ay tumingin SA labi ko.

"Among oras na? Late Na ata tayo! " nawala ang nakangisi nyang muka tapos ay sumimangot. Humiga sya SA lap ko at pumikit.

" late Na Pala eh di wag Na tayo pumasok " sabi nya at pumikit, agad kong pinalo ang balikat nya kaya napamulat sya.

"Hindi pwede may quiz ako, tara na nga!" mahina kong tinulak  ang ulo nya para makatayo ako.

Nagsimula na akong maglakad at hindi na sya hinintay, nang malapit na ako sa hallway ay naabutan na nya ako at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Ihahatid kita" sabi nya sakin, tumango lang ako at naglakad na ulit kami.

Umalis na din si Kurt matapos nya akong ihatid sa room ko, binilinan ko sya na pumasok at umoo naman sya sakin. Sana nga lang sundin nya talaga.

Matapos ang klase ko na nakakuha naman ako ng maatas na score sa quiz ay masaya akong lumabas ng room . Malapit na ako sa hagdan ng makita ko si Joel na nakatayo duon at mukang may inaantay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon