chapter 29

6 0 0
                                    

Lianne's pov

Isang linggo ang lumipas wala naman masyadong nangyare noon. Yung pagiging weird lang ni Kurt ang napansin ko nitong nakaraang linggo. Mula kasi noong aksidente..yung kiss..eh pakiramdam ko ang weird ni Kurt. Katulad nalang nung hinawakan nya yung labi ko na sabi nya may dumi daw pero alam ko namang wala eh..pinabayaan ko nalang kasi awkward. Tapos madalas ko sya mahuli na nakatingin sa labi ko. Minsan naman tinanong nya ako kung anong gamit kong lipstick..sinagot ko sya sabi ko hindi ako gumagamit ng lipstick. ..hindi ba naman makapaniwala ..ang wierd nya di ba? Nababakla na kaya yun?

Nandito ko ngayon sa bahay nina Kurt ,nanunuod kami ng movie ni Kc...kaylan pa nya ako pinapaunta dito eh para manuod. Ngayon nga lang ako nakapunta busy kasi ako pagpapasa ng requirements.

"Ang cute ng ipit nya di ba ate?" Tukoy nya kay Barbie na pinapanuod namin.

"Oo..marunong ako nyan..gusto mo ipitan kita?" Nagningning naman ang mata nya at tsaka dumikit sakin.

"Talaga ate? Sige..sige!"

"Okay..mamaya pagkatapos nyan ha?" Tumango naman sya tapos nanunod na ulit kami.

Matapos ang pinappanuod namin. Nagpaipit na sa akin si KC. Habang iniipitan ko sya nagkwento sya tungkol sa kaklase nyang lalaki na lagi daw syang inaasar. Ang cute nya nga magkwento eh yung facial expression nya ang cute cute.

"Ayan tapos na..patingin nga?" Iniharap ko sya sakin.

"Bagay ba ate?" Nakangiting tanong nya. Tumango naman ako. Magsasalita pa sana ako kaso umekstra si Kurt.

"Hi baby" napatingin si Kc sa kanya tsaka ito tumakbo.

"Look kuya..bagay ba sakin?" Tanong nya tapos umikot pa.

"Wow..you look like a princess baby"

"Really kuya? Ganito ipit ni Barbie..ate made it" napatingin sakin si Kirt tsaka ngumiti.

"She's good huh" sabi ni Kurt kay Kc. Napangiti nalang ako sa kanila.

Inaya nila akong magmiryenda bago umuwi. Tumanggi ako pero mapilit si Kc kaya wala din akong nagawa.

"Bye Kc.." ngumiti sya tsaka tumango.

"Bukas ulit ate"

"Hindi pwede si ate bukas eh..aalis kasi ako"

"Ganun po..sige sa susunod na araw nalang po" natawa na lang ako sa kakulitan nya. Pumasok na sya kaya naiwan kaming dalawa ni Kurt.

"San ka pupunta bukas?"

"Uuwi ako sa amin"

"Sino kasama mo? Si Lester?" Umiling naman ako. Hindi pwede si insan bukas dahil may kaylangan syang gawin kaya magbyabyahe lang ako.

"Hindi..ako lang uuwi bukas"

"Magcocommute ka?" Di makapaniwalang sabi nya. Tumango naman ako.

"Oo..nagsearch na nga ako ng mga dapat kong sakyan eh"

"Sira ka talaga..delikado yun! Bakit hindi ka nalang sa ibang araw umalis?"

"Hindi pwede..anniversary ni nanay at tatay bukas eh" napatingin sya sakin ng ilang segundo tapos nagbuntong hininga.

"Ganito nalang..sasama ko sayo bukas" nagulat ako sa sinabi nya.

"Bakit ka sasama sakin? Ikaw ang sira eh!" Sinamaan nya ako ng tingin.

"Anong oras tayo aalis?" Para syang walang narinig psh!

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon