Lianne's pov
Back to normal na ulit ang klase ngayong monday. Naglalakad ako ngayon papasok sa klase ko. Hindi ako dumaan sa tambayan nina insan kasi late na ako, naunang pumasok si insan sakin kaya naman nagtaxi lang ako.
"Ay palaka!" Nagulat ako ng may biglang humablot sakin. Inis ko ng tinignan ang tao na yun.
"Ano ba Kurt! Pwede namang tawagin nalang ako eh,tsk!" Makahatak kasi eh. Nakakagulat kaya.
"Tss! Bakit mo sinabi sa kanila na tinutulungan mo ko panliligaw ha?!" Galit na sabi nya, hawak pa din ang braso ko,inirapan ko nga. Ibang klase talaga sya.
"Eh buti nga hindi ko sinabi na si Irihmmm" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi inakbayan nya ako at tsaka tinakpan ang bibig ko.
"Pwede ba wag ka maingay.mamaya may makarinig sayo" tinanggal ko ang pagkakatakip sa bibig ko ng kamay nya tsaka ako lumayo ng kaunti sa kanya.
Napatingin ako sa paligid at baka nandito sina insan buti at wala naman, may mga ilang chismosa lang na nakatingin samin ni Kurt.
"Tsk! Kaya pinaghihinalaan tayo dahil sa mga akto mo eh" nakasimangot na sabi ko. inirapan nya ako tsaka lumayo din ng kaunti sakin.
"As if naman gusto ko yun" Mataray na sabi nya. inirapan ko sya tska ko binilisan ang lakad.
"Bahala ka dyan ,una na ko" narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko na pinansin dahil late na talaga ako.
Buti nalang pagdating sa room ay wala pa ang prof. Ko kung nalate ako ay siguradong tatamaan sakin si Kurt. Pwede naman mamaya na nya ako konprontahin. Sigurado namang magkikita at magkikita kami hindi talaga nakatiis at umagang umaga pa talaga. Psh!
Matapos ang klase ,pumunta ko dito sa tambayan nina insan. Gusto ko sana magpaturo kay Kurt kasi may Quiz kami sa Statistics bukas.kaylangan kong makapasa.
Kumpleto sila ng dumating ako at ang bakante nalang isa sa tabi ni Kurt,kaya doon ako umupo. Mayamaya pa nakaramdam ako na parang nakatingin silang lahat sakin pero hindi lang pala sakin kundi kay Kurt din.ok! Ang awkward naman nito. Yung mga tingin nila mga nanunuri lalo na si Insan parang lawin na nag aabang sa bibiktimahin. Napangiwi tuloy ako at bumaling kay Kurt, bubulungan ko sana si Kurt pero bigla nalang syang tumayo at hinatak ako paalis kina insan.
Narinig ko pang tinawag ako ni pinsan pero natulala lang ako sa paglatak sakin ni Kurt. Ang bilis pa maglakad, nakita ko nalang na papunta kami sa tambayan nya.
"Hoy, ano na naman bang..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol nya ako.
"Fuck! Bakit ba ganun sila makatingin satin" naiinis na sabi nya, ginulo pa nya ang buhok nya. Ang pogi ah! Ay tanga napansin ko pa talaga yun? Psh!
Grabe kaya sila makatingin lalo na si insan.Napansin pala nya iyon.
"Great! Lalo mo silang pinaghihinala eh" naiinis na sabi ko.inaalis ko na nga yung issue na kami yung iniisip nila na may relasyon eh tapos sya itong binabalik ang ganung usapan.
Ano nalng iisipin nila, hinatak na naman nya ako baka isipin nun na gusto naming magsolong dalawa. Aish!
Tumahimik nalang ako pero sya nakatingin sa malayo habang nagbubunot ng damo. Nandito kami sa tambayan nya eh. Ano kaya iniisip nito? Hindi ko mabasa itsura nya eh. Napailing nalang ako.
"Bunutin mo lahat ng damo ha, hanggang duon!" Sabi ko at itinuro ang field. Sinamaan nya ako ng tingin pero iniwas ko lang ang tingin ko.
"Nakakaloka ka kasi, pwede namang ikaw nalang umalis bakit hinatak mo pa ako?" Naiinis na sabi ko. Hindi ko talaga sya mabasa.
"Itatanong ko nga sayo kung bakit sila ganun" walang gana nyang sabi.
"Eh kasi nga hindi sila naniniwala na may nililigawan ka parang angg iniisip nila ay tayong dalawa. Gets mo? Ha?" Kainis nnnnaman eh. Tsk! Sinamaan nya ako nng tingin at inirapan, tignan mo?! Ugh!
"Turuan mo nalang ako sa stat may quiz kami bukas eh" tinignan nya ako ng masama pero hindi ko iyon pinansin at binigay lang sa kanya ang book ko. Hindi sya pwede tumanggi noh.
Walang mangyayare kung iyon ang pag uusapan namin dahil nakakainis sya kausap. Ang labi eh bwisit.
Nagbuntong hininga sya tsaka nya padabog na kinuha ang book ko. Nakinig lang ako sa mga tinuro nya tapos bibigyan nya ako ng sasagutan. Sa una matagal ko masagutan kasi nakakalimutan ko kung paano gawin pero nung tinuro nya ang ibang way, mas makuha ko.
"May madaling way naman pala di pa iyon ang tinuro nung una palang" reklamo ko kay Kurt, pero sinamaan nya ako ng tingin. Kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya. Mukang badtrip sya ah.
Matapos kong sagutan ang huling problem ay inabot ko sa kanya, tinignan nya iyon tapos ay tumango tango. Tama naman kasi ang sagot ko eh.
"Ok na yan" sabi lang nya tapos ay binigay na sakin ang libro.
"Sige, may klase na ako, una na ako ha" sabi ko ng maligpit ang gamit ko, tumango lang sya tapos ay humiga sa damo. Wala ba syang balak pumasok sa klase nya?
.
.
.
.
.Matapos ang klase ko dumaan ako sa tambayan nina insan kasi sabi nya sabay daw ako sa kanya pauwi eh. Paniguradong magtatanong na naman iyon tungkol samin ni Kurt.
"Insan, sigurado kabang wala kayong relasyon ni Kurt?" Tanong ni insan ng nasa byahe na kami.kasama namin si Pauline at dito ko nakapwesto sa likod. See? Sabi sa inyo eh.
"Wala nga insan, bat ba ayaw mo maniwala" nagkatinginan sila ni Pauline tsaka sya tumingin sa akin over the mirror.
"Eh para kasing meron eh" napasapo nalang ako ng noo ko sa kulit nitong si insan. Magpinsan nga talaga kami parehas makulit.
"Ewan ko sayo insan"
*****
Kurt's pov
Pagkatapos ng klase ko umuwi agad ako ng bahay, wala akong ganang tumambay ngayon. ibinato ko ang bag ko sa couch pagpasok ko ng kwarto, nagpalit ako ng damit tsaka ko pabagsak ng humiga sa kama.
Haist! Nakakafrustrate palang mag isip ng paraan kung paano mapalapit sa taong mahal mo.Ano bang dapat gawin para malaman ni Irish ang nararamdaman ko? Hindi ko alam na ganito pala kahirap magmahal.
Ang alam ng iba ,malakas ang loob ko. Alam din nila na snob ako, eh ayoko lang naman maging plastic, kung ayaw ko sa tao ipapakita ko yun sa kanya. Hindi yung makikipagplastikan pa. pero ang magsabi sa isang tao na gusto mo sya, hindi ko alam na mahirap pala. Tsk!
Tumayo na ako at pumunta sa terrace. And there i saw my parents, ang sweet nila ,kitang kita na mahal nila ang isat isa. Pwede siguro kaming maging ganyan ni Irish ,gagawin ko talaga ang lahat mapasagot ko lang sya.
"Hi kuya!" Bati sakin ni Kc pagkababa ko sa sala. Nanunuod sya ng barbie.
"Hi Baby! Yan na naman pinapanuod mo? Di ka ba nagsasawa?" Natatawang sabi ko, ngumiti naman sya ng malapad tsaka kumalong sakin.
"Hindi kuya, favorite ko eh" 8 years old na sya, at mapakaganda,syempre mana sa kuyang gwapo.
"Hm kuya..wala ka pa bang girlfriend?" Napataas ang kilay ko sa tanong ni Kc, bakit naman naisipan nitong itanong ang ganyan.
"Bakit mo naman natanong baby?" Ngumuso sya at tsaka umalis pagkakakandong sakin at tumayo sa harap ko.
"Eh kasi wala ko makasama panunuod ng barbie" natawa ako sa sagot nya dahil lang doon.nakanguso pa sya kaya hindi ko napigilan kurutin ang pisngi nya. Cute!
"Baby talaga, pwede mo naman ako kasama panunuod eh"
"Eh ayoko, naiinis ka kaya sa barbie" nakasimangot na sabi nya. Pfft! Ang cute nya.
"Oh sige..yaan mo malapit kana may makasama panunuod ng collection mo ng barbie movies" napatingin naman sya sakin tsaka lumapit.
"Talaga kuya? Yay! Excited na ako!" Natawa nalang ako sa reaksyon nya.
Totoo naman yun ,malapit ko na kasing maging girlfriend si Irish. Wait mo lang ako Irish, gagawa na talaga ako ng move.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Novela JuvenilLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa