chapter 40

10 0 0
                                    

Lianne's pov

Ilang araw na ang lumipas. Lagi kami ni Kurt ang magkasama, isang beses palang kami tumambay sa tambayan nina insan. At nakisali naman kami sa kwentuhan. Masaya ako at ganun din si Kurt.

"Pfft! Anong drawing yan?" Tanong ni Kurt sa dinadrawing kong laro ng volleyball. Nandito kami ngayon sa tambayan nya eh.

"Bakit? Ayos naman ah..kita naman na volleyball eh" sagot ko pero si tawa ng tawa si Kurt. Nakakainis sya ha.

"Hindi kaya..mukang sepak yan eh! Haha"

"Ah ganun..oh sige ikaw nga magdrawing" makatawa sya at makalait sa gawa ko ha.tignan natin kung magaling syang magdrawing..ipapasa ko kasi yan activity namin sa arts.

"Wag na baka humanga ka...tsaka baka iyon na ang ipasa mo eh" napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Yabang mo eh noh?!..sabihin mo hindi ka din marunong" napatingin sakin si Kurt at tsaka mayabang na kinuha ang lapis at papel.

"Watch and learn!" Tapos nagsimula na syang magdrawing..napapangiti pa sya habang nagdradrawing. Ayaw nya ipakita sa akin.

Matapos ang ilang minuto. umayos si Kurt at humarap sakin habang yapos yapos yung papel na may drawing nya.

"Ready?" Mayabang na sabi nya tumango naman ako. Iniangat nya yung papel hanggang sa muka nya tapos iniharap ito sakin.

"Pffft! Wow Kurt! Ang galing mo...nakagawa ka ng isang masterpiece!" Pumapalakpak na sabi ko hanggang sa matawa na ako ng tuluyan. Narinig kong natatawa din si Kurt .

"Thank you! I told you,magaling akong magdrawing.." natatawang sabi nya. Hindi ko kasi maintindihan yung drawing nya sa mga tao. Parang mga napilayan ganun haha.

Kinuha ko sa kanya yung papel pero iniwas nya. Pero pinilit ko itong kinuha. Buti at naagaw ko.

"Akin nalang ito..ipapaskil ko sa kwarto..bibihira lang ang ganitong obra! " nanlaki ang mata ni Kurt at pilit kinukuha sakin yung papel.

"Wag! Nakakahiya kaya..itapon na natin" sabi nya habang inaagaw sakin yung papel.

Napatayo ako kasi kamuntik na nyang maagaw.

"Tsk! Wag ka nga...sa kwarto ko lang naman ilalagay eh..ako lang makakakita..ako lang tatawa sa gawa mo.." pero tumayo din sya para kunin sakin, namumula na ang muka nya.

"No way!..hindi mo na titigilan ang panglalait dyan"tumakbo ako sa likod ng puno. Si Kurt naman hinahabol ako.

"Hindi kaya..ang ganda nga sabi ko eh..one of a kind pfft!" Napatili ako ng biglang sumulpot si Kurt sa harap ko. Buti nakatalikod agad ako at patakbo na sana ulit pero nahawakan nya ako sa bewang.

"Gotcha! Ibigay mo na" sabi ni Kurt. Kinilabutan ako kasi nasa gilid sya ng ulo ko. Inistretch ko ang braso ko para di nya maabot.

"Kurt naman eh..akin na nga lang kasi..hindi ko na ipapaskil..itatabi ko nalang" nakayakap pa din mula sa likod ko si Kurt .at pilit inaabot yung drawing nya.

Shete! Nakayakap sya sakin? Hindi ba nya napapansin o wala lang talaga sa kanya?

"Siguraduhin mo ha..pag yan nakita ko nakapaskil sa kwarto mo..lagot ka sakin" sabi nya lang kaya naibaba ko na ang kamay ko.

Lumuwag ang pagkakayakap nya sakin kaya humarap ako sa kanya. Nakahawak na sya ngayon sa bewang ko.

"Promise" nakangiting sabi ko sa kanya. Napatitig sya sakin ng ilang segundo bago ngumiti.

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon