Lianne's pov
Nakasuot lang ako ng long sleeves off sholder and jeans. Tapos umalis na kami. Wala namang dress code ngayon eh kaya ok na ito. Sabay kaming umalis ni Insan dinaanan muna namin si Pauline bago kami pumunta ng school.
"Hi Pauline" bati ko sa kanya pagpasok nya ng passenger's seat. Tumingin sya sakin at natawa, nakasimple dress lang sya pero ang classy pa din nya tignan,
"Hi Li, ayan napala mo kakasigaw haha...by the way I like your shirt" sabi nya sakin sabay kindat. Napangiti naman ako, ang bait nya talaga.
"Thanks!"
Nang makarating kami sa school, dumaan muna kami sa tambayan nila para tignan kung andun na yung iba. Nakita lang namin si Lawrence at Joel. Kaya sabay sabay na kaming pumunta sa gym kasi nagsisimula na eh wala pa sina Irish at Kurt. Magkasama kaya yung dalawa?
"Hi Li, ang ganda mo ah" i mounted "thank you" ,baka kasi asarin nya ko pag nagsalita ako. Hehe mang aasar din kaya yan.
"Teka Lianne,anong meron sa inyo ni Kurt,kayo na ba?" Napatingin sila lahat sakin ng tinanong yun ni Pauline.
"Ano? Hala hindi noh!" Nakataas ang kilay ni Lawrence, Joel at Pauline sa sagot ko.
"Talaga ? Pero bakit lagi kayo magkasama ni Kurt,nakita ko pa kayo one time magkaholding hands" nanlaki ang mata ko pati ni insan sa sinabi ni Lawrence. Agad naman akong umiling.
"Hala, wala lang yun. Hindi talaga kami,di ba insan?" Pero tumingin lang sya sakin ng masama. Oh no! Anong gagawin ko,ayaw maniwala.
"Tinutulungan ko lang sya panliligaw kaya lagi kami magkasama" patay ako kay Kurt nito.
"Sino naman nililigawan nya?" Napalunok ako sa tanong ni Joel. Aish! Naman oh. Hot seat ako ah.
"Naman eh! Bawal ! Baka hindi na ko itutor ni Kurt pag sinabi ko" nakanguso kong sabi. Muka namang naintindihan nila ,kaya hindi na sila nagtanong pa.
Nakinig lang kami sa program hanggang sa awarding na. Nakita ko sa Irish sa baba ng stage, pero wala si Kurt .asan kaya yun? Napalingon ako sa right side ko ng maamoy ko yung pabango ni Kurt.
"Bakit ngayon ka lang?" Napataas ang kilay nya,then bigla syang natawa.
"Haha nice voice" sinamaan ko sya ng tingin. Aish! Nakalimutan ko malat nga pala ako.
"Where's Irish?" Tanong nya sakin ,kaya tinuro ko naman kung nasaan si Irish.
"I see...so paano ko sya itatakas sa SC mamaya?" Napairap ako tsaka nagkibit balikat.
"Malay ko, sabi mo diskarte mo na yun"
"Pfft! Sige magsisigaw ka ulit, para ganyan nalang boses mo..aw!" Hinampas ko nga. Ang hirap kaya ng ganito.
"Bahala ka nga dyan" tska ko lumipat sa tabi ni Joel.
"Bakit Li?"
"May asungot kasi doon sa pwesto ko" natawa si Joel ng marinig ang boses ko.
"Ano? Mang aasar ka din?" Nakasimangot na sabi ko.
"Haha hindi ah. Ang cute mo nga eh" sabay pisil ng pisngi ko. Ngumiti ako at bumelat kay Kurt. Tumaas naman ang kilay nya.
Nag awarding na at umakyat sa stage sina insan at Joel. Palakpakan naman kami . Hanggang sina kUrt naman ang umakyat. Matapos ang awarding, nagkaroon ng intermission number ang bawat course so nanuod pa kami hanggang sa matapos then inannounce na within 30 mins. Magkakaron na ng fireworks display.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa