chapter 45

8 1 0
                                    

Lianne's pov

Ilang araw ang lumipas . Ilang araw na hindi ko manlang naramdaman. Hindi ko pa ulit nakakausap si Kurt. Nung isang araw nakita ko sya mula sa malayo papunta sya sa building nila. Diretso lang ang lakad nya . Mula noon hindi ko na sya ulit nakita . Tinatanong ko sya minsan kay Joel pero sabi nya hindi nya daw din nakikita si Kurt.

Nag aalala na nga ako sa kanya. Gusto ko na tuloy pumunta sa kanila kaso wala na akong karapatan si Irish meron dahil Girlfriend na nya ito. Nagthank you at masayang binalita sakin ni Irish na sila na daw ni Kurt. Ngumiti lang ako sa kanya. Syempre masakit sakin yun .

Nandito kami ngayon sa tambayan nina insan , si Kurt lang ang wala . Kya sya ang topic ngayon.

"Ano na ba nangyare kay Kurt? Hindi na nagpapakita ah" tanong ni insan samin. Napatingin sya sakin pero umiwas lang ako ng tingin.

"Ang balita ko hindi daw pumasok kahapon at tsaka ngayon" nagulat ako sa sinabi ni Lawrence. Bakit kaya? May sakit kaya yun?

"Wala ka bang alam Irish?" Tanong ni Pauline kay Irish.

"Wala eh..hindi sya nagrereply sa text ko hindi ko din sya macontact." Nag aalala na tuloy ako. Ano kayang nagyare doon?

"Hell week na next week ah..baka mahirapan sya nyan sa exams" sagot ni insan.

"Don't worry pupuntahan ko sya mamaya sa bahay nila"sabi ni Irish nananahimiK nalang ako. Tama si Irish na ang bahala sa kanya.

Tumingin sakin si Joel na nag aalala, ngumiti lang ako sa kanya para sabihin na ok lang ako. Matapos ang chikahan at kulitan . Isa isa na kaming umalis dahil may mga kalse na.

Naglalakad ako ngayon papunta sa room. Hindi ko pa din maiwasang mag alala kay Kurt. May sakit siguro yun..gusto ko syang puntahan pero natatakot ako na baka pag nakita nya akong nandoon. Makarinig ako sa kanya ng mga salitang katulad ng sinabi ko sa kanya. Hindi ko ata kaya pero nagawa kong sabihin sa kanya? Tanga mo talaga Lianne!

Nagpakabusy nalang ako sa pakikinig sa klase ko at sa paggawa ng ilang activities. Hanggang sa matapos ang klase. Sabay kaming umuwi ni Joel . Ihahatid nya daw ako.

"Gusto mo bang puntahan natin si Kurt?" Napatingin ako sa kanya. Tsaka umiling.

"Hindi na..pupuntahan naman daw sya ni Irish eh..bukas nalang tayo makibalita"

"Ikaw bahala" sabi nya lang at tahimik na kami buong byahe.

Nagpasalamat ako sa kanya ng makarating kami sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto nagbihis, at naggawa ng reviewer. Ganito ang routine ko sa loob ng ilang araw. Minsan inaantay ko ang txt ni Kurt. Nagbabakasakali pero pero wala eh. Nasaktan ko nga suguro sya ng sobra kaya galit sya sakin. Namimiss ko na sya sobra.

.
.
.
.
.
Nagising ako ng marinig ang phone ko na tumutunog, hindi ko alam na nakatulog pala ako paggagawa ng reviewer. Napakunot ang noo ko sa isang unknown number na tumatawag. Pero sinagot ko pa din ito..

"Hello?"

"Hello ate.." napaupo ako ng marinig si Kc na parang umiiyak.

"Kc? Umiiyak ka ba? Anong problema?" Kinakabahan ako ah. Ano kayang nangyare?

"Ate si Kuya..kahapon pa po sya hindi lumalabas ng kwarto hindi sya kumakain..tapos ngayon may naririnig kami nababasag sa loob ng kwarto nya..ayaw nya buksan ang pinto. "

"Sshh! Tahan na okay..papunta na ako dyan" pagkababa ko ng tawag. dali dali akong nag ayos tsaka patakbong bumaba .

Pagbaba ko nakita ko si Insan sa sala na nakaupo. Lalagpasan ko na sana sya kaso tinawag nya ako.

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon