Lianne's
Maaga ako gumising para pumunta kita Kurt at maipagluto sya ng breakfast , kahit na may kasambahay sila gusto ko pa din ako ang magluto para sa kanya.
"Goodmorning" nakangiting bati ko kay Kc nakauniform na ito at nagulat sya ng makita ako.
"Ate? " ngumiti ako tsaka tumango, tumakbo sya sakin tsaka yumakap. Ang alam ko nasa business trip ang magulang nila Kurt at sa sunday pa ang balik.
"Kain kana malelate kana oh" sabi ko kay Kc, ayan kasi nalate ng tulog kagabi kaya ayan.
Nagluluto pa din ako habang kumakain si Kc, nagkwekwento pa sya tungkol sa school kaya nakikinig lang ako. Natatawa pa ako minsan dahil sa kwento nya tungkol sa kaklase nyang inaasar daw sya.
Matapos kumain ni Kc saktong baba naman ni Kurt, nagulat panga sya ng makita ako eh. Agad akong nagkanaw ng kape dahil siguradong masakit ang ulo nya.
"Si ate nagluto ng breakfast kuya" nakangiting sabi ni Kc, pero tinignan lang sya ni Kurt at ngumti ng kaunti tsaka umupo.
"Sige..pasok na ako Kuya, bye ate!" Kumaway lang ako kay Kc, tapos ibinalik na din ang tingin kay Kurt.
Wala syang reaksyon, tahimik lang syang kumakain..galit pa din kaya sya sakin? Naaalala nya kaya nangyare kagabi?
"Ah Kurt.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi nagsalita na sya.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi nya ako tinignan, tuloy lang sya sa pagkain.
"Gusto kong bumawi sayo"
"Para saan?" Cold na sabi nya. Huminga ako ng malalim.
"Mamaya na natin pag usapan..kumain kana muna" napatingin sya sakin, ngumiti lang naman ako. Umiwas din sya ng tingin at kumain nalang.
Mukang hindi nya nga naalala yung kagabi..pero ok lang eh di uulitin ko kung ano man ang mga sinabi ko kagabi sa kanya.
Matapos kumain ni Kurt, umalis na sya hindi ko alam kung san sya nagpunta kung sa kwarto o sa sala. Naghuhugas kasi ako ng pinggan eh mamaya ko nalang hahanapin.
Naglalakad ako ngayon papuntang sala, nakita ko naman si Kurt na nanunuod ng basketball. Tumabi ako sa kanya pero hindi nya ako tinignan.
"Eto nga pala..pinagphotocopy kita ng mga naging lesson nyo nung mga araw na absent ka.." sabay lapag ko sa mesa ng mga papel.
"Bakit mo ginawa yan?" tanong nya habang nakatingin sa binigay ko. Ngumiti ako sa kanya.
"Exams na nextweek kaya kaylangan mo yan" tinignan nya iyon tsaka kinuha at binuklat.
"Hindi ka ba papasok?" Tanong nya habang binabasa yung reviewer.
"Kung papasok ka ..eh di papasok ako" napatingin sya sakin ng sinabi ko yun, ngumiti lang din ako. Seryoso ako doon. Okay lang kung aabsent ako.
"Wala akong balak pumasok..kaya kung ako sayo pumasok kana"
"Eh wala na din akong balak pumasok..isang araw lang naman ikaw nga pangatlo na eh, " napailing nalang sya sa dahilan ko.
Tahimik lang kaming nanunuod ng basketball. Nag iisip ako ng paraan para mayaya syang makipag usap sakin .nahihiya kasi ako ah. Bahala na nga. Huminga ako ng malalim.
"Pwede ba tayo mag usap?" sabi ko habang nakadungaw sa kanya, nakatutok sya sa pinapanuod.
"Nag uusap naman na tayo ah" sabi nya habang nakatingin sa tv. Hindi ko maiwasang umirap. Alam nyo yun nakakainis kaya kinakabahan ka dito tapos pipilosopohin kalang? Psh!
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa