Lianne's pov
Naglalakad ako ngayon papuntang tambayan ni Kurt tinext nya kasi ako na kaylangan namin magplano. Kaya pagkatapos ng klase ko sa umaga pumunta agad ako. Ano kaya ang plaplanuhin namin? Hmm?
"Antagal mo " yan agad ang bungad nya sakin. Umupo nalang ako sa tabi nya bago sumagot.
"May klase kaya ako" lagi syang nakatambay hindi ata yan pumapasok eh.
"So ano ba pag plaplanuhan natin?" Sabi ko tsaka ko humarap sa kanya. Napakunot naman ang noo nya. Problema nito?
"Bakit?" Tanong ko pa sa kanya.
"Bakit ka ganyan lumingon kasama katawan?"nagtatakang tanong nya. Ah.. napansin pala nya.
"Nakatulog ako kagabi na mataas ang unan kaya eto nagkastiffneck ako" hindi na sya sumagot at tumingin nalang sa malayo.
Nakatulugan ko kasi ang pagbabasa sa wattpad eh pag nagbabasa kasi ako ng nakahiga mataas ang ginagawa kong unan. Eh ayun nga nakatulugan ko kaya paggising ko masakit lumingon dahil sa stiffneck. Kanina pa ako nagtitiis sa ganito.
"Tignan mo yun!" Sabi bigla ni Kurt kaya naman lumingon ako sa kaliwa kasama syempre katawan.
"Ano dun?" Tanong ko ng makaharap ako sa tinuturo nya.
"Ah nawala, ayun pala" turo nya ulit sa kaliwa ko kaya naman lumingon ulit ako doon kasama syempre ang katawan para hindi masakit.
May narinig akong may tumatawa kaya naman lumingon ako kay Kurt at ayun sya! Tawa ng tawa! Bwisit! Hinampas ko nga.
"Bwisit ka! Ang lakas ng trip mo ha" tumigil sya pagtawa tsaka sya sumagot sakin.pasalamat sya gwapo nya tumawa ,nawawala pa yung mata nya . Cute!
"Pfft! Muka kang tanga" aba't! Psh! Bwisit talaga sya. Muka daw akong tanga? Sya kaya magkaganto!
"Hoy! Kung makatanga ka wa..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang sumigaw si Kurt.
"Look out!" Agad naman akong nataranta dahil sa sigaw nya at lumingon sa likod. Nakatalikod kasi ako sa field dahil nakaharap ako kay Kurt,mamaya tatamaan na pala ako ng soccer ball eh kaya sumigaw sya. Kaso may stiffneck nga pala ako.
"Aw!" Daing ko, huhu ang sakit nun ah. Tapos nakarinig ako ng malakas na tawa. Ayun si Kurt makatawa wagas! Ugh! Ang lakas ng trip nya.
"Ugh! Bwisit ka! Jerk!.....bahala ka dyan" hinampas hampas ko sya tapos ay kinuha ko ang gamit ko tsaka ko umalis doon. Bwisit yun papapuntahin ako para pagtripan. Aish! Makakain na nga lang.
.
.
.
.
.
"Hi Li!...oh bat ganyan muka mo?" bati ni Joel sakin, ngumiti ako ng tipid sa kanya. Umupo sya sa tapat ko at may dalang pagkain. Nandito kasi ako sa canteen dito ko dumiretso pagkatapos kong iwan si Kurt.
"Bwisit kasi si Kurt, pinagtripan ako" nailing naman si Joel sa sinabi ko.
"LQ ba kayo?" Nasamid naman ako sa tanong ni Joel. Aish! Di pa rin ba tapos ang issue na yan?
"Pati ba naman ikaw? Di ba sabi ko nga wala kaming relasyon ni Kurt" naiinis na sabi ko. sinamaan ko pa sya ng tingin.
"O-oh..ok sige naniniwala na ko" takot ka pala eh hehe. Pag ganitong badtrip ako ha.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa