Liianne's pov
Kinabukasan si Joel ang nakasalubong ko sa time ng second subject ko. Pupungas pungas pa sya at inaalog ang ulo nya.pfft! Hangover siguro. Hindi tuloy sya nakapasok ng 1st subject nya tsk!tsk! Tsk!.. hindi muna ako dumisretso sa next class ko, may 10 mins pa naman eh. Lumapit ako sa kanya.
"Goodmorning cookie" nakangiting sabi ko.
"C-Cookie?" Takang tanong nya.hindi naalala ?
"Yup! Hindi mo maalala? Ouch naman " nakanguso pa ako tapos humawak ako sa dibdib ko para kunwari nasasaktan talaga.
Para syang nag iisip tapos mamaya namumula na yung tenga nya. Hala! Anong problema nito.
"Uy cookie..ok kalang? Gusto mo ba ng hot chocolate? Coffee? Ano?" Natatarantang sabi ko. Ayan kasi ang bad ko pagtripan daw ba ang my hangover na tao.
Umiling lang sya tapos lumayo ng kaunti sakin at nag iwas ng tingin. Ganyan ba si Joel pagmay hangover? Ang weird nya pala.
"Sige cook..i mean Li..una na ako" tapos dali dali syang umalis. Tinignan ko nalang sya hanggang sa makaliko na sya. Napakamot nalang ako ng ulo ko sa inakto nya Umalis na din ako at pumasok sa klase ko.
.
.
.
.
.
"Hi Kurt" bati ko kay Kurt nandito kami sa tambayan nya. Bago ko pumuntang canteen dumaan muna ako dito para tignan kung nandito nga sya.
"Ano?"
"Tingin mo..kaya ko na yung exam sa stat?" Tumingin sya sakin tapos nag iwas din ng tingin. Nakaupo sya habang nakasandal sa puno mejo magulo ang buhok at parang inaantok.
"Ewan ko" ugh! Ano panga bang aasahan ko. Sarap batukan eh.
"Teka Kurt..may hangover ka ba?" Tumingin sya sakin.
"Wala" ow..hindi nga pala sya nalasing.
"Siguro kung may hangover ka tapos pinagtripan pa kita..siguro nailibing mo na ako ng buhay noh" napakunot ang noo nya sa sinabi ko. Ako naman natawa.
"Buti pa si cookie ang cute pag may hangover" nakangiting sabi ko.
"Cookie? Sino naman yun" tumingin ako sa kanya tsaka bumulong.
"Boyfriend ko" tinignan ko sya pagkatapos kong sabihin yun. Natulala sya ng ilang segundo tapos mayamaya tumawa ng malakas.
"Pfft! Boyfriend mo? Tapos cookie ang endearment nyo? Baduy! Haha" abat! Ang cute kaya nun..nakakagutom nga eh.
"Ang cute kaya nun..favorite ko pa ang cookie..bakit ba tawa ka ng tawa pag sinabi kong may boyfriend ako?" Tumingin sya sakin ng mula ulo hanggang paa. Naconscious naman ako sa ginawa nya.
"Kasi wala namang papatol sayo!" Tapos tumawa sya ulit..aba't ! Maganda kaya ako. Si insan ang gwapo eh syempre patunay na magaganda ang lahi namin.
"Psh! Talaga lang ha..may secret admirer nga ako eh tapos may cookie pa ako..oh ano ka!"
"Gutom kana noh..kumain kana kaya pfft!" Napairap nalang ako.
"Bahala ka nga dyan..di kita patitikimin ng baon ko" nagbaon kasi ako ngayon..ako mismo ang nagluto ng adobo..masarap kaya ako magluto nun.
"Tss! Sayo na..mukang kulang pa yan sayo " kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo na.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa