Lianne's pov
Buti nalang at nakatulog ako kagabi, at nawala na sa isip ko yung alam nyo na. Hay! Papasok na ako ngayon ng campus, hindi ko kasabay si Insan ngayon dahil mas maaga ang klase nya.
"Hoy bakit hindi mo sinasagot tawag ko kagabi?" Bungad agad sakin ni Kurt ..grabe po sya walang patawad ! Umagang umaga eh! Psh!
"Busy ako kagabi..mamaya nalang ulit ha malelate na ako" sabi ko at tumakbo na habang kumakaway sa kanya.
"Hoy Lianne...bumalik ka dito!"
Magkwekwento lang naman eh..nagkakaganyan na sya..para syang babae.tsk! Binilisan ko ang lakad ko para makalayo agad kay Kurt. Hinihingal ako ng makarating ako sa klase . Nagtinginan agad ang mga classmate ko pagpasok ko,nagtaka naman ako...nagulat ako ng may makitang rose sa desk ko. Whoah! Kanino kaya ito.
"Para sakin ba ito?" Tanong ko sa mga kaklase ko.yung iba tumango pero yung iba masama ang tingin sakin.
"Kanino galing?" Tanong ko sa kalapit ko pero nagkibit balikat lang sya. Wow! Ano ito may secret admirer ako? Haba ng hair ko! Haha
Pero sino kaya nagbigay nito? Wala akong idea na may gusto sakin ah. Wala din nagpaparamdam, ito palang. Hmm? Sino sya? Grabe, nakakacurious.
..
.
.
.
Matapos ang klase doon ako kumain sa tambayan nina insan.nandoon naman sila kumpleto. Naupo ako sa tabi ni insan ng hindi tumingin kina Kurt. Wala kaming imikan hanggang sa matapos kumain. Nararamdaman ko ang mga tingin nina insan na palipat lipat saming apat. Hindi ko alam kung anong mga muka nung tatlo kaya hindi ko sure kung anong tumatakbo sa utak nina insan.
"May nangyare ba? " tanong ni insan samin..ako hindi ko pinansin ang tanong nya kunwari walang narinig. Si Joel umiwas ng tingin.
"Anong meron at ganyan kayong apat?" Still. Ganun pa din ang ginawa ko sa tanong ni Pauline.ayoko magsalita kahit na alam ko ang nangyare.
Alam kasi nilang palagi kaming apat ang nagkakasama dahil mejo busy sila nina Lawrence, Pauline at Insan.
"Insan? Baka gusto mong magkwento?" Patay! Special mention pa ako.
"Huh? Ako? Wala akong alam ah...baka si Kurt meron" haha bahala sila dyan. Sa kanila lang naman may nangyare kaya sila ang may karapatang mag kwento.
"Hoy Kurt..ano? Ikaw Joel? Ano ba nagyare kahapon?" Nakita kong nag iwas ng tingin si Kurt at Joel.
"Irish?" Tawag ni Pauline sa kanya.
"Wala namang nangyare" umiiwas syang tignan si Pauline.
Walang nagawa yung dalawa kundi sumuko nalang. Wala talaga magsalita sa amin. Si Kurt tahimik lang..kunwari pa yan siguro kinikilig yan dahil inaalala nya ang nagyare kiss nila ni Irish. Psh!
Nagkayayaang mag inuman ang tropa sa pub nila Lawrence . Hindi ko alam kung anong meron pero siguro gusto lang nilang magbreak muna sa stress. sumama na ako dahil wala naman akong gagawin ngayon. Pero hindi ako iinum. Hindi ako nag iinom.
Kumakain lang ako ng chichirya dito kasama sina Pauline at Irish. nag iinum din sila pero hindi naman madami hindi katulad nung boys na nakakarami na.
"Oi guys..magcecelebrate kami ng monthsary ni Babe ..we're planning na Tagaytay nalang..sagot ko syempre" sabi ni insan ,naghiyawan naman ang mga boys.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa