Lianne's pov
"Kurt!" Tawag ko sa kanya na nakaupo sa ilalim ng puno. Hindi sya lumingon, pero sumagot naman sya.
"Ano?!" Galit nga lang. Lage naman eh.
"Hm look at this!" Sabay pakita ko ng notebook sa harapan nya ng may mga list ng dapat gawin para mapasagot si Irish.
"What's that?" Umupo naman ako sa tabi nya tsaka ako nagsalita.
"List ito ng dapat mong gawin para mapasagot si Irish" proud kong sabi sabay pakita sa kanya. Inagaw naman nya at binasa.
"Be friends with her" tumaas ang kilay nya tsaka tumingin sakin.
"Yup! Tingin ko kasi parang di naman kayo friends eh" sinamaan nya ako ng tingin at binitawan yung notebook.
"Magkaibigan kami" masungit na sabi nya.
"Talaga? Eh ni hindi ko nga nakita na kinausap mo sya eh, lagi kalang nakatitig sa kanya" kumunot ang noo nya sa sinabi ko.
"inoobserbahhan mo ba ako ha?! O lagi mo lang akong tinitignan?!" Feeling din sya noh? Eh naghahanap lang naman ako ng pang blackmail kaya ko sya inoobserbahan.
"Feeling ka din eh noh?! Nahalata ko lang one time yung mga tingin mo kay Irish" inirapan nya ko tsaka tumingin sa malayo.
"Oh , eh di sige be close to her nalang. Alamin mo favorite nya, hobbies nya ganun" tumingin sya sa malayo at parang nag iisip. Good mukang makikinig sya ah, kaya naman nagpatuloy ako .
"Next, be gentleman, ang mga babae gusto yung mga lalaking gentleman" sa nakikita ko kasi hindi sya gentleman eh. Kaya sinama ko sa list ito. Hindi naman sya nagreact kaya nagpatuloy pa ulit ako.
"Bawas bawas mo yung pagsigaw mo, pagsusungit, at pagiging jerk mo"
"Tss! Malamang hindi ako magiging ganun, iba sya sa lahat ng mga babae eh." Napa"ow" nalang ako sa sinabi nya tsaka ko tinuloy .
"Third, be sweet, itext mo sya ng mga pick up lines or sweet messeges, or give her flowers, ipagluto mo, kantahan mo ganun" tumingin sya sakin ng masama. Pero di ko pinansin at nagpatuloy lang ako.
"Fourt, date her, dalhin mo sa mga magagandang place tapos dagdagan mo ng gimik,ikaw na bahala mag isip" sabi ko, wala ko alam sa mga surprises eh.
"And last but not the least, pag nagconfess ka either pakanta or pasayaw para bago, oh di ba? " umiling lang sya at nagsmirked . Ano naman kaya yun.
"Sige nga sample, kanta" napatingin sya sakin. At nagtanong...
"What?"
"Sabi ko, kanta ka now na"
"No way!" Ang arte naman nito.
"Dali na, pili ka ng song na babagay sa nararamdaman mo para sa kanya. Go!"
"Tss! Ayoko nga!" Aish! Ayaw naman makisama nito.
"Oh eh di sige, sayaw ka nalang." Sinamaan nya ko ng tingin. Pero binaliwala ko lang.
"Dali na! Sample nga eh."
"Nababaliw kana!"
"Seryoso ko Kurt, sayaw na kasi!...sasayaw na yan....sasayaw na yan" pagcheer ko pa sa kanya, kaso ang loko tumayo na.
"Oi, san ka pupunta?" Paano ba naaman umalis na agad, ibang klase talaga.
"Papasok na sa klase ko" aish! Hindi man lang ako nakapagpaturo? Naman oh.
"Eh paano na yung pagtuturo mo sakin? Ang daya naman nito" sabay habol ko sa kanya. Sumimangot naman sya.
"Maya nalang tinatamad ako" grabe talaga, napaungol nalang ako dahil sa sinabi nya. Ugh!
Habang naglalakad kami ni Kurt, nakita namin si Irish na naglalakad, agad kong hinawakan ang braso ni Kurt para mapatigil sya paglalakad.
"Ano ba?!" Galit na sabi nya sakin. Ngumuso naman ako para ituro si Irish.
"Look, pagkakataon mo na" kumunot naman ang noo nya sakin. Aish! Ano ba naman itong lalaking ito.
"Remember? Be gentleman, tulungan mo sya sa buhat nyang libro. Go! Mukang papunta syang SC room." Sabi ko at tinulak tulak pa sya.
"W-Wait! " sabi nya at pinipigilan ang pagtulak ko sa kanya.
"Bakit?" Nagkamot sya ng batok, para syang kinakabahan.
"s-saglit lang naman" napasapo nalang ako ng noo ko.
"Anong saglit? Go na! Dali na.." sabay tulak ko sa kanya.
"Shit! Teka nga lang" tumigil ako pagtulak sa kanya tsaka pumunta sa harapan nya at namewang.
"Torpe ka ba ha?" Agad naman syang umiling.
"Hindi noh! Tss!" Pinaningkitan ko sya ng mata at nakapamewang pa rin ako.
"Anong hindi, eh bakit pag aalok lang na tulungan si Irish doon eh kinakabahan ka dyan, sige dali ,patunayan mong hindi ka torpe." Sabay tulak ko ulit, pero napatigil ako ng maunahan na sya ni Lawrence, kinuha nito ang dalang libro ni Irish at sabay silang naglakad.
"Psh! Ayan tuloy naunahan ka. bahala ka nga dyan!" Nakasimangot akong umalis doon. Narinig kong tinawag nya ko pero hindi ko na pinansin. Psh! Nakakainis sya!
Matapos ang kalse ko, nagkasabay kami ni Joel palabas ng building. Inaya naman nya kong bumili sa canteen kaya nagpunta muna kami doon bago pumunta sa tambayan nila. Nang makarating kami doon, nandoon na sina insan , Kurt at Lawrence. Umupo ako sa tabi ni insan at inalok sya ng piatos.
"Kamusta klase insan?" Tanong nya sakin, habang dumudukot ng piatos.
"Ayos naman, bakit nandito ka pa?" Alam ko kanina pa sila uwian eh.
"Inaantay ka, hindi na kita nasasabay pauwi eh" asus! Ang sweet tlaga ng pinsan ko.
"Naks naman! Pero ok lang naman ako magtaxi eh" pero ang totoo hindi haha sayang ang pamasahe sa taxi .
"Di ba tuturuan pa kita sa statistics" biglang sabi ni Kurt kaya napatingin kami sa kanya. Binigyan ko sya ng bored na tingin.
"Akala ko ba tinatamad ka?"
"Kanina yun"hay! Abnormal ata ito eh, bahala nga sya.
"Hintayin nalang kita insan, puntahan ko nalang muna si Pau sa gym" sabi ni insan at tumango ako sa kanya. Nagpaalam na si Lawrence samin si Joel naman nagpaiwan. Makikinig din daw sya sa turo ni KUrt. Kaya naman pinaggitnaan nila kong dalawa.
"Game na" sabi ni Joel pagkaupo sa tabi ko. Umirap naman si Kurt at sinimulang ituro samin.
Tango ako ng tango sa sinasabi ni Kurt, ang galing nga eh andali ko kasi maintindihan at matandaan kung paano kuhain. Ewan ko nalang pag pinasagutan na nya sakin. Nakita ko naman si Joel na kakamot kamot ng ulo.
"Try this" sabi nya at pinakita sakin yung papel. Tinignan ko naman ito tsaka ko sinagutan. Kaso ayun nga mali ata ako kasi nakalimutan ko yung iba eh.
"Mali, tandaan mo kasi yung pagkakasunod sunod" sabi nya tsaka ako tumango tango. Nilagay nya sa harap ko yung libro tska ko kinabisado. Then nagbigay sya ulit sakin ng sasagutan. Mabilis ko naman itong nasagutan.
"Good!" Sabi nya matapos nyang icheck ang sagot ko.
"Ang hirap naman noon, hindi ko na nasundan" sabi ni Joel kaya natawa ako.
"Don't worry, tuturuan din kita" sabi ko sa kanya, ngumiti naman sya.
Yun nalang daw muna ang ituturo ni Kurt kaya naman umuwi na kami ,tinext ko lang si insan tapos nagsabay na kami pauwi.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa