chapter 2

24 1 0
                                    

Lianne's pov

Nagtaxi lang ako pagpasok, una kasi ang klase ko kesa kay insan eh natutulog pa sya, ayoko namang gisingin sya para lang ihatid ako.

Habang naglalakad ako papasok ng campus nakita ko si Kurt na dumaan, para syang may sinusundan nacurious naman ako kaya sinundan ko naman sya. Tumigil sya malapit sa office ng student cousil kaya naman nagtago ako sa isang pader.

"Si Irish ba ang sinusundan nya? " tanong ko sa sarili ko, sumilip ulit ako at nakita ko syang pabalik na. Agad naman akong nagtago , hmm? Konti nalang malaalaman ko din na may gusto sya kay Irish.

Hindi ko na sinundan si Kurt kasi maleleate na ko sa klase ko.
.
.
.
.
.
.
.

Busy akong nakikinig sa kaklAse kong nagrereport ng may pumasok sa room namin. It's Kurt, agad naman kinilig ang mga kaklase ko, parang mga iniipit. Napairap tuloy ako. Wala kaming prof. At nagrereport lang ang classmate ko, nag excuse sya doon then pumasok na.

Nagtama ang mata namin ng napunta sya sa unahan. Inirapan naman nya ako. Psh! Ano namang ginawa ko sa kanya at kung makairap eh. Nag announce lang sya na hindi daw makakaattend ang prof namin which is susunod na subject namin. Natuwa naman ang mga classmate ko.

Matapos nyang mag announce lumabas na din sya na hindi pinansin ang mga nagpapapansin kong kaklase. Bumalik na ulit ako pakikinig hanggang sa matapos ang klase.

Naglalakad ako sa hallway na makita ko si Joel, tinawag ko naman sya.

"Joel!" Napangiti naman sya ng makita ako.

"Hi Li, wala kang klase?" Tumango naman ako, tapos ngumiti ako sa kanya.

"Ikaw ,san punta mo?" Tumuro sya sa isang room, tapos nagsalita.

"Papasok sa next class ko." Napanguso naman ako, ako lang mag isa? Ah! Makadaan nga sa tambayan nila.

"Ok sige, pasok kana baka malate ka" tumango naman sya, then nagbabye na sya. Kaya naman umalis na ko.

Nang makarating ako doon sa tinatambayan nila, walng tao. Naisipan ko nalang ilabas ang stat. Book ko para pag aralan.

"Aish! Ang sakit sa ulo" sabi ko habang nadabog na sumandal . Aish! Nakkakainis naman eh, ayaw makisama nitong libro. ilang minuto na akong nagbabasa at iniintindi eh wala pa din.

Napaayos ako ng upo ng makita ko si Kurt, agad kong niligpit ang libro ko at sinundan sya. San naman kaya ang punta noon? Halos matakbo na ako para lang hindi sya makalayo masyado.

Napatigil ako ng makita ko syang nagpapabalik balik sa tapat ng SC room, nakakahilo sya ha. Lumapit pa ko para marinig sya pero nagtago ako sa isang pader.

"Hm paano ba? Ah Irish, guess what? i think i like you" then nigla syang napamura. oh my! So totoo nga , may gusto sya kay Irish!

Oh yeah! Napasuntok ako sa hangin , mwhahaha! May pang blackmail na ako. Nabalik ako pagtingin sa kanya ng makita kong lumabas si Irish mula sa SC room. Si Kurt naman nagulat at parang nanigas, pfft! Ano yun?

"Oh Kurt, anong ginagawa mo dito?" Puno ng pagtataka ang muka ni Irish, si Kurt naman umiwas ng tingin.

"Ah, ano..napadaan lang ako" nyek! Haha torpe ba sya? Ganun ba pag snob na tao, torpe? Haha

"Oookay" sabi ni Irish then ngamiti sya. Then umalis na din , nakita ko namang napamura si Kurt.

Umalis na si Kurt at ako naman sinundan ulit sya. Nagpunta sya doon sa dulo ng field at umupo sa ilalim ng puno.

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon