chapter 37

5 0 0
                                    

Lianne's pov

Lumipas na naman ang mga araw na parang ang bilis bilis. Hindi ko nga matandaan ang mga pinaggagawa ko eh. Busy lang ako pag aaral buti nalang at wala ako ngayong math.

Ngayong weekend dito lang ako sa bahay, wala akong planong lumabas ngayon. Tinatamad kasi ako .

Napatigil ako pagbabasa sa wattpad ng may kumatok sa pinto ko. Agad akong lumapit doon at binuksan.

"Hi Lianne..pwede pumasok?" Nakangiting sabi ni Pauline sakin. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. May problema ba sila ni insan?

"Sige" sabi ko at binuksan ng mas maluwag ang pinto para makapasok sya. Umupo sya sa edge ng kama kaya umupo din ako.

"Nice room" sabi nya habang ginagala ang mata.

"Thanks" naguguluhan pa din ako kung bakit sya nandito. Hindi naman kasi sya pumapasok sa kwarto ko. Ito ang unang beses.

"Nagtataka ka siguro kung bakit ako nandito sa room mo..actually yung pinsan mo ang kumulit sakin" napatingin ako sa kanya ng sinabi nya yun. Hindi ako umimik kaya nagpatuloy lang sya.

"Nag aalala na kasi sya sayo..para daw kasing may problema ka, ang tamlay mo daw at lagi kalang nasa kwarto..baka kasi gusto mo ng kausap kaya nandito ako." Napatungo ako ng marinig ko yun.

Ilang beses na ako tinatanong ni insan kung anong problema o kung may problema ba ako. Pero isa lang ang lagi kong sinasagot sa kanya na wala akong problema. Ayoko kasing malaman nya , kaibigan nya si Kurt at nakakahiya din kasi sinabihan na nya ako tungkol dito pero ganito pa din ang nangyare.

"So may problema ka nga?..tell me Lianne, soon to be insan-in -law mo na ako" natawa ako sa sinabi nya. Huminga ako ng malalim. Siguro kaylangan ko nga ng mapagsasabihan.

"Yeah, may problema nga...iniiwasan ko na kasi si Kurt, kasi hindi nalang bilang kaibigan yung tingin ko sa kanya...alam ko naman na wala naman mangyayare kasi nga si Irish ang gusto nya. Para rin naman sakin ito kaya iniiwasan ko sya..nagdahilan ako ng iba para lang ganun din ang gawin nya pumayag naman sya, kaso parang hindi ko gusto ang nangyayare akala ko hindi ako masasaktan kung gagawin ko yun pero hindi eh,nasasaktan pa din ako. Mahirap pala.."

"Dahil ba sinabi ng pinsan mo na wag kang magkakagusto kay Kurt kaya ngayon pinipigilan mo na ang nararamdaman mo sa kanya? " umiling ako. Hindi naman kasi talaga ganun.

"So ang dahilan, tingin mo talo kana kasi si Irish ang gusto nya? " tumango ako. Nilaro laro ko ang mga daliri ko.

"Sinubukan mo na bang sabihin kay Kurt ang nararamdaman mo?" Napatingin ako sa kanya ng sinabi nya yun. What? Sasabihin ko? No way! Hindi ko ata kayang umamin sa kanya. At tsaka para saan pa?.

"Para san pa? Magugulo lang ang isip ni Kurt"

"Kung maguluhan si Kurt, ang ibig sabihin lang nun may nararamdaman din sya para sayo..na hindi lang si Irish ang gusto nya, ibig sabihin dalawa kayo...sya na nalang ang tutuklas kung sino sa inyong dalawa ang mas lamang.."

"Pero paano si Irish? Ayoko naman na mag kagalit kami."

"Hindi pa naman sa kanya si Kurt hindi ba? Hindi pa nya sinasagot" bakit ganito sya magsalita, the fact na kaibgan nya si Irish.

"Salamat Pauline..pero hindi ko pa alam kung dapat ko bang sabihin kay Kurt ang nararamdaman ko"

"Wala yun..basta wag ka mahiya magshare sakin ha..alam mo na future insan-in-law mo na ako di ba?" Ngumti ako tsaka tumango. Niayakap naman sya ako tsaka sya tumayo na para lumabas.

"Teka..pwede bang satin nalang muna ito..ako nalang magsasabi kay insan " ngumiti si Pauline sakin tsaka tumango. Ang bait nya talaga.
.
.
.
.
.
Nakatulala ako ngayon dito sa kisame habang nakahiga sa kama ko. Kanina pa nakalabas ng kwarto si Pauline pero paulit ulit pa din ang sinabi nya sakin. Dapat ko bang sabihin kay Kurt? O wag? Parang ang sama ko naman kasi..paano nalang si Irish?

Natigil ako pag iisip ng tumunog ang phobe ko. May nagtext, kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext. Nagulat ako ng makita ang name ni Kurt. Hala! Bakit kaya nagtext ito

*Pwede ba tayo mag usap? *

Yan ang text sakin ni Kurt. Tyempo talaga eh noh? Pero ayoko hindi pa ako handa. Hindi pa ako nakakapagdecide kung ano ang gagawin ko.
Tumunog na naman ang phone ko at nagtext na naman si Kurt.

* please? We really need to talk *

napalunok ako, ayoko pa talaga. Hindi ko pa sya kayang makausap. Kinakabahan akong nagreply sa text.

* Sorry, hindi ako pwede masama pakiramdam ko. Sa ibang araw nalang siguro *

Napakagat ako ng labi ko habang nakalagay sa dibdib ko ang phone ko. Ilang saglit lang tumunog na ulit ang phone ko.

*Okay *

Yun lang ang reply nya kaya nakahinga ako ng maluwag. Buti at hindi namilit kasi baka bumigay ako.

Natulog nalang ako, itutulog ko muna ito, sasakit lang ang ulo ko kung iisip ko pa yun.

nagising ako sa katok sa pinto ko.Tumingin ako sa bintana at nakitang padilim na. Sino kaya yun. inayos ko ang sarili ko at Tumayo ako para buksan ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Yan ang tanong ko kay Joel ng makita ko sya sa harap ng kwarto ko.

"Bumibisita..kakagising mo lang?" Tumango ako.

"Buti sakto dating ko..tara" napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"San tayo pupunta?" Hindi sya sumagot ako hinatak nalang ako.

Tanong ako ng tanong kay Joel habang hatak nya ako palabas ng bahay. Sabi nya sa park lang daw kami sa loob ng subdivision pupunta. Ngayon lang naman ako lalabas buong araw kaya pumayag na din ako.

Hindi pa kami nakakalayo sa bahay ng makasalubong namin si Kurt. Agad akong kinabahan. Nakakunot ang noo nyang nakatingin samin ni Joel.

"Hi Dude!" Bati ni Joel kay Kurt ng makalapit ito samin. Pero hindi nya pinansin si Joel at diretso lang sa tingin sakin.

"Akala ko ba may sakit ka?" Seryosong tanong nya. Sinabi ko bang may sakit ako? Sabi ko lang masama ang pakiramdam ko,..tsaka sinabi ko lang yun para hindi kami magkausap pero heto sya kaharap ko. Great!

"Ha? Ah ano...n-nawala na.." napatingin din sakin si Joel. Napalunok tuloy ako. Tsk!

"So..pwede na tayo mag usap..let's go" sabi ni Kurt tsaka kinuha ang kamay ko. Pero napatigil kami dahil hinawakan ni Joel ang wrist ni Kurt.

"Ako ang kasama nya" sagot nito na nakatingin ng maigi kay Kurt.

"Ako ang naunang nagyaya sa kanya" napatingin ako kay Kurt ng sinabi nya yun.

"Pero hindi sya sumama sayo" napalipat naman ang tingin ko Kay Joel.

Nagsukatan sila ng tingin ng ilang segundo bago padabog na inagaw ni Kurt ang wrist nya kay Joel. Galit ang itsura ni Kurt ng humarap sakin at tsaka tumalikod. Nataranta ako ng makita lumakad na sya palayo.

"T-Teka Kurt!" Sigaw ko pero hindi sya tumigil. Aish!

"Wait lang Kurt!" Hindi ko alam kung anong tumakbo sa utak ko bakit ko sya pinipigilan umalis pero ang alam ko lang ayoko syang umalis.

"Teka lang Joel..mag uusap lang kami..saglit lang talaga" sabi ko at hindi na sya inantay sumagot hinabol ko na si Kurt.

"KURT!" Sigaw ko pero hindi pa din sya tumitigil. Ang layo na nya ang lalaki kasi ng hakbang.

Tumakbo ako ng nakita paliko na sya sa isang street. Aish! Hindi ko na kita si Joel mula dito.Binilisan ko pa ang takbo hanggang sa maabutan ko sya.

"Kurt ano ba! Saglit nga sabi eh!" Hinatak ko sya sa braso kaya napaharap sya sakin.

"Ano?! " nagulat ako sa sigaw nya, bakit ba galit na galit sya?

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon